CHE-CHE’S POV Napatigil ako sa paglalakad dahil bigla akong hinila ni Jayson sabay yakap sa akin ng mahigpit. “Sorry, Boba.” Bulong niya sa tainga ko. “Bakit mo hinayaan na halikan ka niya?” parang bata na tanong ko sa kanya. “Siya ang humalik sa akin at hindi ko siya hinalikan.” Sagot naman niya sa akin. “Pero hindi ka umiwas.” “Nabigla kasi ako, Boba. Sorry na po,” malambing na saad niya sa akin. “Siya ba si Jessy?” Lakas loob na tanong ko sa kanya. “Paano mo siya nakilala?” Tanong niya sa akin. “Siya nga si Jessy, siya nga ang ex mo.” Bigla akong nalungkot dahil tama ang mga sinabi ng mga babae kanina sa loob ng banyo. “Saan mo siya nakilala?” “Narinig ko sa babae kanina. Ang sabi nila cheap ako at hindi ako bagay sa ‘yo. May tama naman sila dahil hindi naman talaga. Bihisa

