CHE-CHE’S POV “O bakit ganyan ang mukha mo?” Tanong sa akin ni Joy nang makabalik na ulit ako sa canteen. “Joy, sa tingin mo ba mahal ako ni Jayson?” Biglang tanong ko sa kanya. “Oo naman, hindi mo ba nahahalata. Grabe ka naman, beshy.” Mabilis na sagot niya sa akin. “Natatakot ako,” pag-amin ko sa kanya. “Natatakot ka?” Kunot noo na tanong sa akin ni Joy. “Bumalik na ang dati niyang nobya.” Sagot ko sa kanya pero nakatingin lang sa akin ang kaibigan ko. “Huwag kang mag-overthinker diyan dahil hindi mo naman kamag-anak si tinkerbell. Kagaya nga ng sabi mo dating nobya na. Ikaw ang brand new at legal pa kaya wala kang dapat na ikatakot.” aniya sa akin. “Sa tingin mo?” “Oo naman, malinaw pa itong mga mata ko. Pero seryoso ako, beshy. Huwag kang masyadong mag-isip dahil sigurado ako

