CHE-CHE’S POV “Can we talk?” Tanong sa akin ni Jessy. “Sige,” pagsang-ayon ko sa kanya. Lumingon muna ako sa likuran ko dahil baka naka-sunod sa akin si Jayson pero wala naman siya kaya sumunod ako kay Jessy. May coffee shop dito kaya doon siya pumasok. Tahimik lang ako at nakatingin ako sa kanya. Wala talaga yata siyang ikakapangit dahil talagang maganda ang lahat sa kanya. Umupo siya kaya umupo na rin ako sa upuan na nasa harapan niya. “Pumili ka ng gusto mo. Ako ang magbabayad.” Malumanay na utos niya sa akin. “Huwag na, okay lang ako.” Sagot ko sa kanya. Wala akong balak na magpalibre sa kanya. Higit sa lahat ang maging kaibigan siya. Nakatingin siya sa akin siguro ay iniisip niya kung bakit ako nagustuhan ni Jayson? At alam ko na marami siyang iniisip tungkol sa akin. “Hiwala

