CHE-CHE POV “What are you doing here?!” Galit na tanong ni Jayson sa Principal ng Academy na ama ni brat. “Mr. Rodriguez, nandito ako dahil gusto kong humingi ng tulong. Nagmamakaawa po ako, patawarin niyo na po ang anak ko. Hindi na niya kaya doon. Nakikiusap ako na hayaan niyo na siya. Hayaan niyo kaming magpiyansa. Kahit ako na lang po ang ipakulong niyo. Mrs. Rodriguez, nakikiusap po ako sa inyo.” Umiiyak ito at lumuhod pa sa harapan namin. “Sana ganun lang kadali ang hinihingi niyo.” Sabi ko sa kanya. “Alam ko po, pero kahit ako na lang po ang magbayad sa kasalanan niya.” saad niya sa akin. “Sana noon kayo naging mabuting ama sa anak niyo. Kasi kung pinalaki niyo siya ng maayos ay hindi magiging ganun ang ugali niya. At sa tingin niyo matuto siya sa pagkakamali niya. Naisip niyo

