CHE-CHE POV Sa palawan pala kami pumunta ng asawa ko. At sobrang gaan ng pakiramdam ko. Ang ganda ng buong lugar at talagang nakaka-relax. Gusto kong sulitin ang mga oras na kasama ko ang asawa ko. Isa sa natutunan ko ngayon ay pahalagahan ang oras lalo na sa mga taong mahal ko. “Boba, dinner na tayo.” Nakangiti na yaya niya sa akin. “Okay, Bubu. Kanina pa ako nagugutom sagot ko rin sa kanya.” Sabay kaming bumaba at hawak niya ang kamay ko. Sobrang romantic ng dinner naming dalawa. Masasabi ko na isa ito sa pinaka-sosyal at magandang hapunan na kasama ko ang asawa ko. Pero hindi ko lang maiwasan na mainis sa mga babaeng nagpapansin sa kanya. “Nakakainis ka naman, Bubu.” naiinis na sabi ko sa kanya. “Why, boba?” Tanong niya sa akin. “Lahat kasi ng mga babae ay nakatingin sa ‘yo. Bak

