Stacey Suarez I WATCHED MY father slowly sipping his wine like savoring it. Sa pagdating at pagpasok ni Eric ay napaayos ako ng upo, nasa loob kami ng isang private room to discuss what happened in the studio. Matapos pormal na kamayan ni Eric si papa ay mabilis itong dumiretso sa tabi ko para maupo, hindi rin naman ganun kalayuan ang gawi ni papa ngunit nasa kabila ito. Nakatayo sa gilid niya si Simon habang ang ilang tauhan naman ay nasal abas nakabantay. “Hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya, ako na ang humihingi ng despensa sa nangyari,” yun ang unang salitang binitawan ni Papa. Hindi halos makatingin sa akin. That made me sigh in relief, dahil akala ko ay sa akin babagsak ang sisi. Hindi rin naman pala. “We can no longer let Shaynah be one of our models, Gov. I hope you unders

