ISANG MAPANURING TITIG ang ginawad ni Donya Aurora na ang katawan ay binabalot ng mga alahas sa leeg at kanyang mga kamay. Nahihirapang napalunok si Florenda habang mabilis na napapasulyap sa dala nitong dalaga. “At sino naman yan, Florenda?” Tinaasan siya ng isang kilay at may iritabling titig. “Anak ng pinsan ko. Kakamatay lang kaya wala ng ibang mapuntahan, Donya Aurora. Ipapakiusap ko sana na rito muna siya. Nangangako ako na hindi siya makakapasok ng mansyon, mananatili lang siya rito sa silid ng mga katulong.” Si Dorothea na mahigpit ang hawak sa kanyang may kalakihang hawak na bag ay napayuko at hindi matignan ang amo ng kanyang Tiya Florenda. “Siguraduhin mo lang na hindi ko siya makikita sa loob ng mansyon ko. Kung hindi pati ikaw ay palalayasin ko.” Malupet na habilin ni

