Stacey Suarez Nang bumaba na ako ay pumasok ako sa isang open-area na restaurant, kita ang kabuuan ng dalampasigaan. Nakuha nito ang atensyon ko at namangha ako sa ganda ng dagat nila rito. I roamed my eyes around and the place is pretty mesmerizing. Hindi ko lang siguro napansin kagabi dahil madilim na ng marating namin ang Santa Nievas. “So, what are we gonna do today?” tanong ko ng makaupo at humigop ng kape. “Ang bilin ni Mr. Palma ay pupuntahan natin muna yung mga building at factories kung saan gumagawa ng clothing. We will get information and ideas we need for designing our main costumes and clothes in the runaway competition.” “That’s it for today?” tanong ko na tila nakukulangan pa. I mean, then we should do the other work today kung kaya pa naman. Wala dapat oras na masayang.

