STACEY SUAREZ NAPAANGAT AKO ng tingin sa pintuan mula sa pagguguhit dahil bumukas ito at pumasok si Eric. Mabilis kong binalik ang tingin ko sa padpaper at nagkunwaring abala. I secretly glanced at him, nakita kong nagtatanggal siya ng wristwatch sa harapan ng vanity table. His eyes darted on the mirror and caught my reflection staring at him, tarantang umiwas ako ng tingin at napatikhim ako. “What are you doing?” takang tanong ko dahil hinubad niya ang damit at tanging short niya ang naiwan. “Matutulog.” Ngumisi siya at lumapit sa kama na inuupuan ko. “How about you?” Bumagsak ang tingin niya sa ginuguhit ko. Lumapit siya sa akin at umupo sa gilid. He took my feet and put it under his thighs. Marahan niyang hinaplos ang tuhod ko papaakyat ng hita. Napakunot ako ng nuo at pilit nila

