Stacey Suarez (FLASHBACK TO COLLEGE YEARS) MULA SA THIRD floor ng building ng nursing ay nakikita kong pinagkakaguluhan si Shaynah sa baba ng mga estudyante. Hindi lang dahil sa paglipat niya kundi na rin sa malaking balita tungkol sa kanyang katauhan ang nagpabago ng buhay niya. She is smiling while being surrounded by lots of students. Abala ang lahat kasali na ako roon dahil sa nalalapit na graduation. Hindi lang naman nalalayo ang edad namin ni Shaynah ngunit dahil law ang kinuha niya ay hanggang ngayon nag-aaral pa rin siya. She was transferred here because Papa is investing so much in Shaynah’s education and future. Dahil nakikitaan niya ito ng magandang kinabukasan sa angking talino. That suits her, Governor’s daughter is a lawyer. “I can’t believe I will be left here alone in

