THE SHOW

2721 Words
Stacey Suarez I CAN HEAR the sound of the background music from here on the second floor. Mula sa pagkakaupo ay tumayo ako at lumapit glass wall ng ng second floor kung saan kita ang kabuuan ng venue. Unti-unti nang nagsisipasukan ang mga panauhin. Suot ang kani-kanilang nagmamahalang mga damit. Some were showing off how expensive and luxurious they are. “Maraming medya sa labas. But we only let one reporter inside like you said.” The room here is a closed and private area. Ang salamin ang siyang nagiging dahilan para makita ko ang mga tao. Sa panunuod ko ng mga tao na karamihan sa kanila ay pamilyar sa akin ay nakita ko kung paano nagkumpulan ang ilang mga panauhin sa entrance. Nagsilapitan sila roon kaya napakunot ako ng nuo. “Governor Lorencio Suarez.” Napataas ako ng isang kilay at humarap kay Megan. “Ang akala ko ay hindi siya darating?” He rejected our first invitation saying that he can’t attend due to busy schedule. Pero mukhang hindi niya kayang tiisin ang pinakamamahal niyang anak. “Ang mahalaga ay nakarating din siya. Nandito siya upang masaksihan ang inyong palabas.” Marahan akong napalunok nang tuluyan ko ng nakita ang Gobernador, may kasamang dalawang tauhan at ang kanang kamay niyang si Simon. Sa gilid ay si Eric Palma suot nito ang pormal na suit at slacks. Naglakad sila papuntang front seat kung nasaan nakapuwesto ang ilan pang VIP. They were welcomed by Ericka that I think ay siyang pinili ni Eric na isama sa event na ito. “Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang event.” Hindi ako umimik at nanatili ang mariin na titig kay papa ngayon na pinagkakaguluhan ng ilang mga bisita. He still look authoritative and in controlled, but when he saw his friends in business a soft smile automatically appeared on his lips. Umupo siya sa harapan kasama pa ang ilang mga VIP na bisita katulad niya. He seems living a good life, hindi siya ganun tumanda ngunit ang puting buhok nito ay makikita na. He looks strong and haven’t change that much. He is still adore by the people. Just like before. Tumango ako at hinarap si Megan. She gave me an assuring smile before she bowed her head. I glanced at my wrist watch and walked towards the huge mirror where I can see myself. “Simulan na nating bigyan ng magandang palabas ang mga panauhin,” malamig kong sambit at inayos ang pula kong damit. I looked myself in the mirror. This is the dress I designed when I was in Paris. It was a long gown that is fitted on my waist part. I also make sure that the skin on my back is exposed kaya hindi ko na nilagyan pa ng tela. It is a sweetheart tube on my chest part with a black feather on side of my shoulder to compliment the black veil I will wore later. Ang kinang sa damit na kulay pula ay mas nagpaganda. “I will start the program and ramp of the models will start immediately.” Yun ang huling sinabi ni Megan bago siya lumabas ng kuwarto. Muli akong napasulyap sa first floor. I saw my former best friends on the back of the seat. Dahlia and Angeli who were so excited with their squad. Halatang pati kasuotan nila ay pinaghandaan pa. Nagtatawanan sila kasama pa ilang mga kaibigan ko noon. I sat on my swivel chair as the ramp started. I am facing the stage so I can see the show. I tapped my fingers under the table made of steel as I watched every models goes out of the backstage doing their cat walk. Ang theme ng fashion show ay black and white. On the stage you can see the name of the SaSsy on the big screen. I will be the intruder on my own show wearing this burning red gown. The first batch of models were wearing casual clothes, second batch were formal attire and the next were batch of dresses. Nakita ko ang pagbulong ni papa kay Eric dahilan para mapatango ito. Everyone aren’t really attentive why Shaynah is still not coming out of the stage lalo na at patapos na ang fashion show. Tanging ang dalawang lalaki lamang na nasa unahan ang siyang nakapansin. Ngunit hindi ang mga kaibigan ni Shaynah na nasa likod at okyupado ang isipan dahil napapalibutan sila ng mayayaman na bisita. I took my black veil and wear it on my head. Tumayo na ako at bumaba ng hagdan hanggang sa makarating sa backstage. “No! Wala ito na pinagpraktisan ko. I should be out there now! Patapos na ang ramp!” pagwawala ni Shaynah sa gilid habang pinipigilan siya ng ilang mga staff na lumabas ng entablado. “Anong klaseng fashion show ito? Kung sobra na pala kayo sa mga modelo ay bakit niyo pa hinayaan na masayang ang oras ko rito?!” she cried. Ang mga models ay nagsisilabasan na, senyas na patapos na ang show. Habang si Shaynah ay hindi alam ang gagawin at tuliro na. I can heard applause on the audience, amused and satisfied by the show. “Kilala niyo ba kung sino ako? Anak ako ni Governor Lorencio Suarez and he is outside watching the ramp. I am Shaynah Suarez!” sigaw ni Shaynah ngunit hindi nagpatinag ang mga staff at para bang walang narinig. “Good evening everyone.” I heard Megan’s voice. Napaangat ang tingin ko sa entablado habang nakatayo ako sa gilid ng backstage. “I know every one of you are enjoying the show. This is our first fashion show here in the Philippines, we are welcomed by the people wholeheartedly. As much as I want to extend my gratitude to everyone, I know it will never be enough for the support that we get from all of you. Ngunit bukid sa akin ay may nais pang magpasalamat.” I took a deep sighed and fixed my veil. Sa gilid ay nakita ko ang pagbaling sa akin ni Megan na nakangiti. Nagsimula na akong umakyat sa entablado. People are confused and becoming more excited by the possible surprised of the night. Lalo na ng makita ako, they maybe thinking I’m just one of the model wearing the final design clothes of the night. Nakita ko ang pagtango ng mga bisita habang mangha sa suot ko hanggang sa makarating ako sa unahan ng stage. I stopped walking and stood proudly with my chin up. “The designer… and owner of Sassy Brand!” Megan announced and made me heard the gasped of the people around. Pati ang mga modelo na nakatayo sa gilid ng entablado ay namilog ang mga mata at napabaling sa akin ang mga ulo. The name on the Screen SaSsy slowly disappeared. Tanging natira ay ang dalawang initial SS letter na makikita sa bawat designs na ginawa ko. Nagsitayuan ang mga tao sa sobrang kuryusidad. Pati ultimo mga bigating bisita ay napatayo at lumapit pa ng kaunti. “The one and only…” The initial letter SS slowly formed into a ‘Stacey’s Show’ “Stacey. The Sassy owner and designer.” Kasabay nun ay ang pagtayo ni papa mula sa pagkakaupo kahit hindi pa kumpirmado kung tama ba ang nasa isip niya. I slowly removed my black veil and faced the audience wearing an emotionless face. Ang iba ay namangha at tila hindi makapaniwala. But some were horrified and shocked, lalo na mga nakakakilala sa akin. Ang mga grupo nina Dahlia. Tila nawalan sila ng lakas nang makita ako. Dahlia ang Angeli’s eyes rounded. Halos mamutla sila at mapailing. “She is the brilliant and youngest successful designer. She pursued fashion design training in one of the University in Paris. Eventually created her own brand at a young age,” pagpapakilala ni Megan sa akin. Bumagsak ang mga mata ko kay papa na nasa harapan ko ngayon. Napanganga siya at tila nanghihina na makita ako muli matapos ang ilang taon. Ngunit naging matigas ang titig na pinukol ko rito. Ericka who is beside Eric is still in shocked. Hanggang sa dumapo ang tingin ko kay Eric Palma. He puckered his lips and swallowed hard as he stared intently on my eyes. Surprised? Hindi na ako papayag pa na maliitin niyo ako at tignan ng mababa. Lahat ng nakikita ninyo ay bunga ng sakit, pangtatraydor, at pagtulak ninyo sa akin. Shaynah goes out of the backstage half-running. Nasa gilid siya at dahan-dahang naglakad para kumpirmahin na ako nga ang nasa entablado imbes na siya. When our eyes met, she covered her mouth using of her palm at napaatras pa sa pagkagulat. She shook her head in disbelief. Yes, Shaynah. I’m back. At sa pagkakatong ito, hindi mo na maagaw ang mayroon ako. The name, the brand, and the recognition I have now. You can’t take that away from me beause it already has my name engraved on it. Unless pati pangalan ko ay gusto mong agawin. I was surrounded with the guests ng makababa ako sa entablado. Kilala ko ang mga panauhin lalo na at maimpluwensya itong mga tao. Some of them were a friend of my father, connected to our family. Yung iba naman ay halos nakikita noon kapag may party sa mansion. “Hindi ako makapaniwala. Isang dalagita na napakaganda ang nagdidisenyo ng mga koleksyon ko na mamahaling kasuotan at bags.” Tipid akong napangiti sa papuring natanggap. “It’s nice meeting the designer and CEO of Sassy.” Pormal akong kinamayan ng Ginang. I glanced on the side where Dahlia and Angeli are both standing like out of place. Malayo sa kaninang imahe nila na masaya. Out of place dahil hindi na sila kailanman makakapasok sa buhay ko. Lalo na at nandito sila sa isang event na para sa akin. “Gobernador!” tawag ni Mrs. Alcantara, isang matandang wedding organizer. “Aalis kana agad? Akala ko ba ay nandito ang iyong anak para rumampa? Ibang anak ata ang tinutukoy mo sa akin nung huli tayong magkita,” lito nitong dagdag. “Oo nga Governor Suarez. Halika at daluhan mo kami,” aya pa ng isang matandang lalaki. “Sadyang nakakamangha ang iyong anak. Dapat mong ipagmalaki ang batang ito. Gumawa na ng sariling pangalan sa murang edad pa lamang! Kay galing na bata.” I carefully shake my wineglass as I was intently watching how the red wine mixed inside. Nakikinig sa mga papuring natatanggap. Dahan-dahan na umangat ang tingin ko kay papa na halos hindi ako matignan ng maayos. I grinned and faced him. Yes, Papa. This is the daughter that you throw away and took everything she has just to protect Shaynah. Winasak at sinaktan mo ako. Para lamang mabuo ang anak mo. Tignan mo ako ngayon kung paano ko nagawang bumangon at umangat. Lahat ng ito ay nagawa kong mag-isa. Nang walang tulong mo! “Good job, Stacey,” pormal na sambit ni papa sa akin at tumango. Hindi makatingin at makikita ang lubos na kalungkutan sa mga mata. “I’m proud of you. You really never failed to surprise me.” Biglang sumikip ang dibdib ko at tila may bumara sa lalamunan ko. I can feel on his tone how genuine he is, but I don’t want to be swayed. I know he just said that for a show. Dahil napapalibutan kami ng mga bisita na kilala siya. “I know that even you’re not a real Suarez you will shine. Like you always did when you were young, hindi ba Lorencio?!” humalakhak ang matandang malapit na kaibigan ni papa at tinapik siya sa balikat. “Nasaan na nga ba ang iyong totoong anak? Hindi ba at isa siya sa mga modelo? Bakit hindi ko yata nakita?” Dad sighed heavily and glanced at me like I might know the answer where his daughter is. Hindi ko alam kung galit siya o dismayado. Ngunit isa lang ang sigurado ako, gulat pa rin siya na makita ako rito. “Thank you for the compliments. But will you excuse me? Babalik ako,” nagpaalam ako sa kanila at humarap sa grupo ng magkakaibigan sa gilid. I slowly walked near them and they noticed it. Sa paghinto ko sa kanilang gawi ay tahimik at tila may dumaan na anghel bigla. “Stacey,” marahan na sambit sa akin ni Brad at akmang lalapit ngunit nilagay ko ang palad ko sa ere para pahintuin siya. Hinarap ko si Angeli at Dahlia na hindi ako matignan. “Dahlia!” tawag ko rito at humalakhak. Bumagsak ang tingin ko sa bag na disenyo ko na pilit nitong tinatago sa likod niya. “Seems like you’re a fan of my designs and brand. Well, noon pa man ay tagahanga na kita. Walang duda hanggang ngayon ay isa ka pa rin sa mga umiidolo sa akin.” Timothy on the side fixed his glasses. Halos hindi nila maproseso ang kaganapan na sumalubong sa kanila. “I don’t know what you’re talking about.” Mas lalo akong natawa sa sinabi niya. Napayuko si Dahlia at nahihirapan na napalunok. “S-stacey…” Angeli smiled at me slightly. “Congrats! Nakabalik kana pala. Sana sinabi mo para nakapaghanda kami ng party sayo.” Naging hilaw ang ngisi ko sa kaplastikan nito at pagiging sunod-sunuran kay Dahlia noon pa man hanggang ngayon. “Kalimutan na natin yung nangyari noon, Stacey. Magkakaibigan tayo rito. May pinagsamahan naman tayo kahit papaano diba?” Brad butt in trying to lighten the heavy atmosphere. Gusto kong manakit pero hindi magiging sapat yun. “Oo nga, Stacey. Patawarin mo na kami sa nagawa namin noon. We were young and reckless,” Angeli trying hard to get a chance from me. Nakita ko ang lihim na pag-irap ni Dahlia at tila gusto ng umalis sa kahihiyan. Kunwari akong nag-isip habang sila ay naghihintay ng sasabihin ko. Hanggang sa napangiti ako at unti-unting natawa. “Wala akong kaibigan na ibabasura ang pinagsamahan na mayroon kami dahil lang hindi na ako kabilang sa social class ninyo!” Napayuko si Angeli sa katotohanang sinabi ko. “Hindi na ako makikipagkaibigan sa insecure at plastic na katulad ninyo.” Lumapit ang isang waiter sa amin dala ang wine sa tray na hawak niya. “No thanks! That’s too expensive for them. Hindi bagay sa kanila yan,” pagpapaalis ko sa waiter at nginitian ito. Natawa na lamang siya sa pag-aakalang nagbibiro ako. Hinarap ko muli ang mga kaibigan ko noon. “Makakaalis na kayo. Hindi niyo na kailangang makibagay sa mga mayayaman na nandito. Because they have class and elegance. Wala kayo nun.” “Stacey,” marahan na pagpigil sa akin ni Brad. Hindi na nagugustuhan ang mga sinasabi ko. But who cares! Higit pa riyan ang ginawa nila sa akin. “Aalis naman na talaga kami! Naging mayaman at umangat ka lang, nakalimot kana agad sa pagkakaibigan nating tatlo!” Dahlia finally speak up. “Sumama pa ang ugali mo.” Pagak akong natawa sa sinabi niya. At talagang sa kanya pa nanggaling ang mga salitang yan? “Ito ang tandaan mo Stacey. Shaynah still have everything that you don’t have.” Ngumisi si Dahlia. “Nakuha niya sayo si Eric. At ang pamilya na wala ka.” “My friends are my family, Dahlia,” seryosong sambit ko sa kanya dahilan para matigilan ito dahil alam niya kung sino ang mga tinutukoy ko at hindi sila yun. “I still have friends left on me. The real one. At sila na ang pamilya ko ngayon.” Nakita ko kung paano siya natameme sa sinabi ko. Insecurity, guilt, and jealousy were written all over her face. Hanggang sa naramdaman ko ang paglapit ni Megan sa tabi ko. She leaned closer on my ear. Lumayo muna ako sa mga panauhin nang marinig ko ang sinabi niya. “Anong problema?” “Sa dressing room, nagwawala si Shaynah. Galit na galit at ayaw lumabas.” Napataas ako ng isang kilay. “At gusto kayong makausap ng isa sa mga sponsor natin… Si Mr. Eric Palma.” Natigilan ako sa natawa sa narinig mula kay Megan. I can’t wait to see their faces. Lalo na ang magaling kong kapatid na siguradong umiiyak na ngayon. I need to be prepared, tignan natin kung paano mo ipagtatanggol si Shaynah laban sa akin, Eric Palma.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD