Stacey Suarez BINUKSAN NI MEGAN ang puting pintuan at nauna akong pumasok doon. Tulad nga ng aking inaasahan ay hindi siya nag-iisa. Kasama nito si Eric na nakahilig sa vanity table, his arms are crossed over his chest while watching Shaynah shed tears beside him. Sabay silang napaangat ng tingin sa akin. “What kind of show is this? Napaka-unprofessional!” matigas na bato sa akin ni Eric at napabuntong hininga ng malalim. Pinasadahan niya ng tingin ang damit ko at makikita pa rin sa kanyang mukha na hindi pa napoproseso ang mga nangyayari. “I told you, Mr. Palma. We reached the maximum number of models.” “I am one of the sponsors of this event. You didn’t provide me with the show that I want. I sponsored this f*****g event because Shaynah Suarez is here.” Sinulyapan ako ni Eric. “Now

