Chapter 5

3347 Words
Chapter Five Santiago entered his office. Halos dalawang oras siya sa meeting. Parang hindi niya gusto ang proposal ni Mr. Chao na kapalit ng nasira no’ng project sa kanila. It was a piece of land; at magdadagdag na lamang sila ng nasa tatlong milyong piso ay kanila na raw ang limang ektaryang lupain. Kung susumahin ay halos walong milyon din ang binitiwan niya dahil sa lost project ng lalaki, worth five million pesos na paunang kapital. Ang sabi ng lalaki ay tatayuan noon ng Mall ang lugar pero malaki ang problema kaya hindi naituloy ang project, and worst nawaldas ang limang milyon na pondo nila para sa pang-asikaso ng mga papeles sana. Nakakainis kasi kung hindi lamang kumpadre ng lolo niya si Mr. Chao ay idedemanda na lamang niya sana iyon. Pero hindi, pinagbigyan niya ang lalaki at ngayon ay siya ang may problemang kinakaharap. Nawala ang pagsasalubong ng mga kilay niya nang makita si Alex na natutulog sa sofa kayya napatigil siya sa paghakbang. He gently shut the door. Naiinis siya kanina dahil hindi niya matawagan ang cellphone nito. Gusto pa naman sana niya itong isama sa meeting niya at pakainin na rin pagkatapos pero out of coverage area ang number. Marahan siyang lumapit dito at nakita niya ang hawak nitong papel. Ang ballpen ay nahulog na sa sahig dahil siguro nakatulugan na habang nagsusulat. Ayaw naman niyang matawag na tsismoso pero kinuha niya ang papel na may sulat. Saka naman nagmulat ng mata ang dalaga. Parang wala pa ito sa sarili dahil namumungay pa ang mga mata sa antok. “Good morning, young lady.” bati niya rito saka siya ngumiti nang bahagya habang nakatitig sa maganda nitong mukha. Lumaki ang mga mata ni Alex ng makita niya na hawak hawak ni Santi ang papel na sinulatan niya para milabas ang sama ng kanyang loob kanina, pero dahil sa puyat ay nakatulugan na yata niya ang pag-iyak habang hawak pa rin ang imaginary letter para sa kanyang ama na sumakabilang bahay. Bigla ang pagtayo niya kahit inaantok pa siya dahil baka mabasa ng Sir Santi niya ang laman ay nakakahiya pa. “A-Akin po ‘yan.” aniya na pilit inabot ang papel pero inilayo nito sa kanya iyon. Naroong para na silang nag-aagawan ng bola sa basketball hanggang sa itaas ni Santi ang kamay kaya pilit niyang nilukso iyon. Bumangon ang inis ni Alex dito dahil masiyado itong intrigero sa buhay ng may buhay. “Tsismoso ka. ‘Pag hundi mo ‘yan ibinigay magre-resign na ako.” she jumped again but still it didn’t work. Santi laughed humorously. “Then resign.” tila naghahamon na sabi nito habang nakabitin pa rin sa ere ang kamay. Sa kalulukso ni Alex ay muntik na silang matumba dahil napahawak siya sa balikat nito nang pakiramdam niya ay ma-a-out of balance siya. “Ayy!” she forcefully shut her eyes and waited for them to fall off but it didn’t happen. She felt his hands firmly supported her spine. Agad siyang natilihan. “Are you okay?” he asked her after a while. Nakasubsob ang mukha niya sa dibdib ng binata habang nakapikit ang mga mata. Nang mag-sink in sa isip niya na yakap siya nito ay parang hipon siya na napaso sa bilis ng pagtalon niya papalayo. Sus! Nakakahiya! “Akin na kasi yan.” She just snapped then she clasped her arms over her chest. Pinaghalong kaba at inis ang nararamdaman niya. Kaba dahil ngayon lang siya nayakap ng lalaki sa buong buhay niya at inis dahil makulit ito. “What’s with this? May resign ka pa na nalalaman.” he was staring at her face the whole time. Ni hindi niya nagawang sumagot pero ang mga nanginginit na luha sa kanyang mga mata ang sumagot para sa kanya. She saw Santi opened the piece of paper and looked at it with his narrowed forehead. “Tsismoso ka talaga.” bulong ng dalaga saka humalukipkip para maitago ang hiya at inis. Dear papa, I love you. I miss you. It’s been 20 years since you left mama and I. I wonder if you miss us too or maybe not, siguro kasi masaya ka na sa bago mong pamilya. Sa bago mong asawa at sa bago mong mga anak. Sabi ni Mang Rodel, maganda ‘yong anak mo na kaedad ko at nag-aaral daw ng Medicine. Swerte siya kasi may Mama, may Papa tapos may pera pa. Ako walang Papa tapos wala pang pera para sa pag-aaral ko. Di mo ba ako naalala para papag-aralin? Mama got sick when you left. She almost had a nervous breakdown. Pero mahal na mahal ako ni Mama kahit iniwan mo kami. Sabi niya, sana ‘di siya sumama sa’yo eh di sana nakapagtapos siya ng pag-aaral at pwede siyang magka-trabaho ng maganda, ‘di sana pwede akong mag-aral. I tried to finish attending college without your help but I failed. I got Pneumonia while I was trying to work and study simultaneously. Alam mo ba kung gaano kahirap ang buhay na walang mahingian ng tulong ‘Pa? Walang kasing hirap… Nakita niyang tumingin sa kanya si Santiago at naroon sa mga mata nito ang awa para sa kanya kaya mas lalong namuo ang mga luha niya. She tried blinking back her tears though she’s being chocked in her own saliva. Parang may gabundok na bara sa lalamunan niya. In the end, she chose to bow her head to hide the pain. Ayaw niya na may nakakakita sa kanya na umiiyak. Ayaw niya na kinaaawaan siya pero ito na ang nangyayari ngayon. Hanggang sa parang nagpatuloy ang binata sa pagbabasa ng kanyang sulat. Unlike you who eats anything that you want to eat together with your family, while me and Mama couldn’t. Alam mo ba kung gaano kahirap ang tumanggi sa isang trabaho dahil sa dignidad ko bilang tao at babae, pero ang isip ko ay gustung-gusto ko dahil gusto kong makaahon sa hirap? I guess not Papa, kasi selfish ka. Sarili mo lang inisip mo at pinabayaan mo kami ni Mama. Selfish ka Pa but I want the world to know that no matter how much I try to hate you; I still love you because you’re my father. I love you no matter how selfish you are and I’m still waiting for you. Your Faith Santi was speechless. Wala itong nagawa kundi titigan ang lumuluhang dalaga sa harap nito. Tears are pouting from her eyes like rain and though she may not speak, she knows he can feel her pain. “Masaya ka na? Tsismoso ka.” she smiled bitterly as she dried her tears. “Come here.” he almost whispered as he reached her arm then gently pulled her towards his body, maybe to embrace her and give her the comfort that she badly needs. Nang maramdaman niya ang mga kamay nito sa likod niya at mga brasong kumukulong sa kabuuan niya ay tuluyan na siyang napaiyak. Wala na rin siguro talaga siyang kailangan sa mga oras na iyon kundi pakikiramay. Hindi siya nagpapakita sa Mama niya sa ganoong klase ng kalagayan at sama ng kalooban dahil ayaw niya na masaktan rin ulit kanyang ina. Nawalan na siya ng ama at kahit kailan hindi niya kakayanin na mawalan ng kaisa-isa na lang na magulang na natitira pa sa kanya. “So badly hurt and broken. Hush now.” Santi’s calm voice made her feel weak. Para bang wala na siyang iba pang kailangan sa buong buhay niya kundi ang isang karamay. … Nang automatic na bumukas ang gate ng bahay ni Santi ay napa wow na lang si Alex. Parang nawala ang iniisip niya tungkol sa ama niya kanina na iniiyak niya pa sa dibdib ng binata. Nakakahiya pa tuloy dahil pagkatapos no’n ay parang parehas silang na-awkward sa isa’t-isa. Wala nga silang imikan sa kotse habang papunta sila sa bahay nito. “Sa’yo to?” ngayon ay nakangiti na siya nang humarap sa binata. “Yeah.” he answered quickly as the door swings open for them but his eyes were on hers so she managed to avert her gaze. “Ang g-ganda ng bahay mo!” bulalas niya nang makapasok sila sa loob para lang hindi siya mailang. “Hindi ka ba natatakot na mag-isa rito?” Alex continued. “No. Why would I be?” Anaman nito habang nakapamulsa sa tabi niya. Umismid siya. “Palibhasa dambuhala ka kaya wala kang kinatatakutan. Wala bang mumo rito?” luminga siya sa paligid habang himas ang mga brasong nagsipagtayuan ang mga balahibo. “Ghost? Tanda-tanda mo na takot ka pa sa multo. Mas matakot sa buhay kaysa sa patay. Isa pa walang mumo rito.” He answered. “Anong meron lang?” takang tanong naman niya. “Ghost.” Santi chuckled. “Isa!” pinakitaan niya ng suntok ang binata na tumatawa. “Hindi ako magpapaiwan dito, akala mo. Kung kailangan kong maglakad papauwi, uuwi ako kahit mapaltos pa ang mga paa ko.” Irap niya. “I was just kidding. Isa pa, may kasama ka rito. Nasa taas na yata si Yaya Nanay.” anito saka sumulyap sa pinakatuktok ng pagkalaki-laki at mataas na hagdan. “Yaya nanay?” Nangunot ang kanyang noo. Hinubad ni Santi ang ilang butones ng suot na long-sleeves sa may dibdib. “Yaya nanay is my yaya and my nanay.” simpleng sagot nito. Oo nga naman. Nawala ang isip ni Alex sa sinasabi ni Santi. Paano ba naman ay nasilip na naman niya ang dibdib nito na una niyang nakita ay sa Palawan, nang dumating ito na nakabukas ang suot na beach polo. Weakness pa naman niya ang malalapad na dibdib. Parang kinilig tuloy siya nang maalala na niyakap siya nito kanina. Tiningala ni Alex si Santi at hiyang-hiya siya na nahuli pala siya nito na nakatitig sa dibdib nito. Kanina pa pala ito tumigil sa pagsasalita pero nakanganga pa rin siya. She immediately averted her gaze then quickly walked away but he followed her as she ascended the stairs. Pagdating sa tuktok ay inabutan na siya nito at saka nagpatinua ito sa tapat ng isang pintuan saka iyon binuksan at tinanguan siya para tuluyang sumunod dito. Mangha siya nang bumulaga sa kanyang mga mata ang isang napakalaking kwarto na walang kasing gara. Ang laki-laking kama roon na parang sobrang lambot sa unang tingin pa lang. Scattered pillows are just on the carpeted floor like those were part of the interior design of the room. The walls are painted white with red accents which made the whole room look so amazing; simple pero sobrang elegante. “Come here, Faith. I wanna show you something.” sabi ni Santi sa kanya kaya parang natigilan pa siya. Bakit Faith ang tawag nito sa kanya? Natandaan nito sa sulat niya ang tawag sa kanya ng Papa niya na Faith? Iwinaksi niya ang sakit na gumuhit sa kanyang dibdib. “Eh t-tutulungan ko s-si yaya nanay.” apela niya. Balak na sana niyang lumabas ulit para hanapin ang matanda nang makita na wala naman iyon sa kwarto ni Santi. “Just for a while.” sabi ng binata na nakatayo sa veranda. Napipilitan man ay lumapit na rin siya habang kakamot-kamot sa ulo. Ayaw naman kasi niya na masiyadong magpa-epal. Trabaho ang ipinunta niya roon pero parang bakit di naman siya pinagtatrabaho? Hindi naman pwedeng ganoon parati. Nakakahiya naman na tumanggap siya ng sahod pero sa totoo ay wala naman talaga siyang ginagawa, kaya mas mabuti na kumilos siya para may silbi naman ang pag-hire sa kanya ng binata. Sa pag-aanalisa kasi niya ay isang hired friend siya nito at hindi naman katulong. Tumayo siya sa tabi ni Santi at nakimasid sa kalawakan na kanyang natatanaw. Nang makita niya ang kumpol ng mga kabahayan sa di kalayuan ay parang pamilyar sa kanya ang lugar na iyon kaya nangunot ang noo niya. “Baranggay Malaya?” usal niya na ikinatingin sa kanya ni Santi. Nahigit ni Alex ang paghinga dahil sa pagtanaw niya sa lugar na kinalakihan. Tama. Hindi siya nagkakamali. Lugar niya ang squatters area na iyon na natatanaw mula sa bahay nito, at ang bahay nito ang madalas nilang makitang magkakaibigan noon sa tuwing pumupunta sila sa dulo ng squatters, na halos limang ektarya sa pagkakaalam niya. Noon kapag nakikita niya ang bahay na ito ni Santi ay napapanganga siya dahil kahit malayo ang bahay ay halatang napakaganda. ‘yon pala ay isang Elizares ang may-ari at ngayon ay boss na niya. “S-Sa’yo pala ito.” tanging nasabi lang niya saka siya napangiti sa binata. “Alin? This house?” confused na tanong nito sa kanya kaya tumango siya. Literal itong nakatingin sa mukha niya. “Oo. Ang bahay na tinitingala namin ng mga kababata ko. Ang tawag nga namin dito sa bahay mo ay castle tapos nag-i-imagine na si Cinderella kami tapos ito ang castle ng Prince. I-Ikaw pala ang p-prince.” nahihiyang dugtong niya na nagpangiti kay Santi. He looked so handsome when he bowed his head and smiled. “Alam mo ba na diyan ako nakatira? Diyan sa marumi at mabahong lugar na ‘yan? Diyan kami iniwan ng Papa ko simula noong magpakasal siya roon sa anak ng datu. Diyan ako lumaki, nagkaisip, natutong lumaban sa buhay, sa demolition team na gusto sa aming magpa-alis. Eh di sana kung bumalik si Papa, baka kahit paano wala na kami riyan. Hindi ko nga alam kung pati mga magiging anak ko diyan rin titira eh. Pero mas mabuti na siguro na ‘wag na akong magka-anak kung katulad din ng buhay ko ang magiging buhay nila kasi nakakaawa. Mahirap pa ako sa isang daga at mahirap humanap ng trabaho kasi hindi graduate ng college.” tuluy-tuloy na sabi niya hanggang sa sulyapan niya ulit ang binata na nakatingin lang sa kanya. “With whom do you live with?” usisa nito sa kanya. “Si Mama, ang kaisa-isa kong magulang na mahal na mahal ko. Di ko alam ang gagawin ko kapag mawala pa siya sa akin. Kaya alam mo noong sesantehin ako ng fiancée mo, di ko alam kung anong gagawin ko kasi alam ko na maglalabada na naman siya kahit mahina ang likod niya.” she sighed. Isa iyong buntong hininga na parang nagsasabing pagod na pagod na siya sa buhay niya pero hindi naman niya magawang sumuko. “Kaya ganoon sa akin kasakit ang maalala ang father ko, dahil di ko maiwasan na mainggit sa bago niyang pamilya at sa mga kapatid ko sa ama. Kung minsan nga di na lang nagku-kwento si Mang Rodel sakin, kasi everytime na nagkukwento siya umiiyak ako. Naaawa siya sakin. Dumating na nga rin sa punto na ganoon na ako kadesperado na magkapera para makaahon sa hirap, kamuntik ko ng tanggapin ‘yong alok sa akin ni Tita Zenny na taga-gupit na maging entertainer sa Japan, kaso ayaw ni Mama saka ayoko rin kasi baka ako mapunta sa mga sindikato roon eh umuwi ako dito sa halip na nakaeroplano, eh naka kabaong na. Nakaeroplano rin pala kaso nakakabaong pa.” natawa pa si Alex sa kanyang mga huling binitiwang salita. “Gustung-gusto ko na ngang umalis diyan eh. Ang hirap-hirap tumira sa lugar na ‘yan, bukod sa marumi eh ang daming kalaban. Nakikipaglaban kami para sa lupa na talaga namang hindi sa’min, kaso wala kaming choice. Saan kami titira? Isa pa mahirap iwan ang mga taong itinuturing ko na rin na pamilya na karamay namin kapag walang-wala kami ni Mama ng kahit anong makain.” Tiningala ni Alex si Santi tapos ay pinilit niyang tumawa nang makita na seryosong-seryoso ang mukha nito. “Tama na nga. Ang drama, di ako sanay.” pinahid niya ang luha sa mata. “As’an na nga pala si yaya nanay?” sabi niya na tinalikuran na si Santi. Speechless pa rin ang binata. Nang muli niya itong lingunin ay nakahabol tingin pa rin sa kanya matapos mapatulala sa kawalan. Walang nagbago sa facial expression nito na parang namatayan ng alagang aso. “Hoy.” untag niya sa katahimikan nito. “Napaano ka na riyan?” napatigil siya sa paghakbang. “It’s… It’s just that, I don’t know how would I even smile with what I heard.” seryosong pahayag nito. “Sus! Smile lang pala.” mabilis siyang lumapit pabalik sa binata at tumayo sa harap nito. “Ganito lang para mag smile ka.” She curved his lips to form a smile using her thumbs. “Ganyan.” sabi niya pero napansin niya na para ba talagang apektado ito na sobra dahil titig na titig pa rin ito sa mukha niya. Alex lightly smiled. “Please don’t feel sorry for me. I’m okay. I will be okay.” she said softly. “Sure.” mahinang sagot din ni Santi saka tuluyan nang tumalikod ang dalaga at iniwan niya ito. “Bakit nga pala di makontak ang number mo?” tanong ng binata sa kanya nang malingunan niya ito sa may pinto ng CR. Medyo magaan na ang aura ng mukha nito, hindi tulad nang talikuran niya kani-kanila lang. “B-Bakit? Tumawag ka ba?” tanong niya habang busy siya sa pagsalansan ng mga gamit sa loob ng maliit na cabinet. “Malalaman ko ba kung hindi? Kanina pa ako tumawag sa’yo, mga 7:30 AM.” parang iritadong s**o nito na ipinagkibit-balikat na lang niya. “Ah. Nahulog kasi sa CR.” sabi niya lang. “Nabasag?” he asked again. “Hindi. Nagshoot sa bowl.” sabay hagikhik niya saka ito sinulyapan. Kumunot ang noo ni Santi. “What? Totally not working fine, now?” usisa pa nito na para bang big deal iyon na mawalan siya ng telepono. Tumawa siya. “Syempre kinuha ko noh.” “What the f**k?!” parang diring-diri na sabi nito kaya lalo siyang tumawa dahil nahilot pa nito ang noo. “Alam mo, Sir kapag kagaya ko, dapat praktikal. Saka wala naman tae roon. Malinis ‘yong bowl kaso nagdalawang isip rin ako bago kunin kaya medyo natagalan sa tubig. Ha’yon na, isinuksok ko na sa bigas.” pagbabalita pa niya Lalong nalukot ang mukha ni Santi. “f**k’s sake! From the bowl papunta sa bigas, tapos lulutuin mo? Anong klaseng nilalang ka ba?” Lalo siyang napahagikhik. “Hoy, kumuha lang ako ng konting bigas. Di naman ako baliw para isuksok ‘yon sa bigasan tapos sasaingin. Mamaya pati ‘yon maisama pa ni mama, sermon na naman ako.” napakamot pa siya. “Still so gross! Nahulog na sa bowl dinampot mo pa. Anyways, aalis na ako. If you need something, tell yaya nanay. Kung nagugutom ka nasa fridge ang pagkain, baka kasi magutom ka sa pagpatay ng ipis.” tumalikod na ito. “I-Ipis?” anong ipis?” naalarmang tanong niya sabay tigil sa ginagawa at saka luminga sa paligid. “Cockroach. Maraming ipis diyan.” sigaw ni Santi na nang makalabas sa pintuan. “Mama ko poooo!” mabilis na kumuripas ng takbo ang dalaga palabas ng banyo kaya tumawa ng malakas si Santi. “Walang ipis. Binibiro lang kita.” he stopped chuckling. “Isa!” saway niya. Talagang takot siya sa ipis. Kahit na nga alas dose ng hatinggabi kapag may ipis sa kwarto niya ay sumisigaw, at siya kahit pa magising ang mga kapitbahay ay wala siyang pakialam. Mabilis naman na susugod ang Mama niya dala ang tambo at tsinelas para hampasin ang kawawang nilalang. “Siguraduhin mong wala. Magpapakarga talaga ako sa’yo, sinasabi ko ‘yan.” banta niya sa papalayo ng binata. Tumawa ito. “And I’m looking forward to that, sweetheart.” May parang kung anong kilig na naman ang naramdaman niya sa salitang iyon ni Santi na nagpanganga sa kanya. Totoo na crush nga niya itong talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD