Chapter 4

3912 Words
Chapter 4 Nang mmakapask si Alex sa sasakyan ay parang gusto na niyang himatayin sa bango. She wonders if Santi’s room smells that way, too. Sobrang bango talaga ito at hindi nakakasawang amuyin. Hindi matapang ang amoy ng binata, di tulad ng ibang lalaki na umaalinagasaw ang masangsang na amoy. Ito ay hindi, parang ito ang tipo na sisinghutin niya kahit na nilagpasan na siya. “S-Saan po tayo pupunta?” tanong niya rito at sinulyapan ito nang kaunti. “I have a meeting with one of my investors. Actually late na nga ako dahil ang tagal mong kumilos.” parang nagsalubong pa ang mga kilay nito saka siya sinulyapan sa salamin. Kaagad naman na napikon siya kaya hindi siya magpapatalo. “Anong matagal? Nauna pa nga ako sa’yong maglakad. Ikaw ang matagal kumilos kasi ang laki mong tao, mabigat ang katawan mo.” napalabi pa siya. She feels comfortable talking to him that way, ‘yong tipo na parang hindi siya naiilang kahit na mayaman ito. Maybe because he’s not even so profound of what he has in life. Hindi naman ito umimik at nangiti lang habang inilalabas ang sasakyan sa parking area ng building. “So tell me about you.” he commanded while driving but she just puckered her lips. “Hmm. Nothing so important.” sabi ni Alex sabay tingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Napansin yata nito ang pag-iiwas niyang magkwento tungkol sa buhay niya kaya nagsalita ito ulit. “That’s an order, from your boss.” he glanced at her but she just heaves out a heavy sigh. Hindi pa rin siya nagsalita kaya nang hindi siya nito mapilit ay ito ang parang nag-uumpisa ng kwento. “Now get to know your boss.” Santi simply said. Hindi siya umimik pero seryosong tumingin siya rito at naghihintay ng sasabihin pa ng binata. “I am Marco Santiago de Linarez Elizares.” pakilala nito sa sarili kaya napahagikhik siya at napatakip ng bibig. “I have two brothers, two younger brothers namely, Heaven Javier and Carlos Lyeonardo. I’m the eldest and I live with my Mom and my Dad. Im thirty-one, still single and available.” he looked at her. Biglang napanguso si Alex sa huling sinabi ni Santi, bagay na ikinatawa naman ng binata nang makita ang reaksyon niya sa rearview mirror. “Ilang girlfriends naman nagkameron ka?” usisa niya. “Nice question. Really showbiz. Anyways, I had more than thirty.” anito na parang balewala lang ang trentang babae na dumaan sa mga kamay nito. Bigla na lang na naubo si Alex. “Ano?!” kulang na lang ay lumuwa ang mga mata niya sa gulat. Napatikal pa ang likod niya sa upuan ng kotse. “Thirty? Diyos ko naman! hindi ka rin babaero ano?” bulalas niya at parang gusto pa niyang mapaantanda ng krus pero pinagtawanan lang siya nito. “That was still when I wasn’t involved with Zoe.” he shrugged. Parang nagbago ang mood niya nang marinig niya ang pangalan ng babaeng ‘yon na naging dahilan ng lalong paghihirap nilang mag-ina. “Kumusta na nga pala ‘yong fiancée mong ‘yon?” there was bitterness in her voice. “Hindi ka ba babalatan nang buhay no’n kapag nalaman niya na tinulungan mo akong magkatrabaho? Imagine, her own fiancé betrayed her.” parang mas nag-aalala pa siya ngayon dahil baka lalo lang iyong magalit sa kanya at pag-awayan pa ng dalawa. “Don’t worry. I can handle everything. Leave it to me, sweetheart.” anito sabay kindat. She felt that sudden flushing on her cheek. Ano raw? Sweetheart? Baka naman kalbuhin na siya ni Zoe dahil sa kalandian ng boyfriend no’n na malandi pa sa matsing kapag hindi kaharap ang nobya. Nag-blush siya kaya pasimple siyang tumalikod sa binata na ngingiti-ngiti pa naman. Pakiramdam niya, nananadya ito. Parang pinakikilig pa siya at talagang may mga gestures pang kakaiba. Hindi na lamang nagsalita pa si Alex hanggang sa makarating sila sa sinasabi nitong restaurant. Baka kung saan-saan na naman lang mauwi ang sagot nito. … “Which do you prefer, stay with me or I’ll get you another table?” tanong ni Santiago nang makapasok na sila ni Alex sa restaurant. Nasa tabi niya ang dalagang halos hindi pa umabot sa leeg niya ang tangkad. Baka nga kaya niya itong bitbitin gamit lang ang isang braso. Kitang-kita niya ang pagkamangha sa mukha nito. It seems like there’s a written quotation in her eyes, ‘I’ve never been in this a place like this before’. Sige ang linga nito at pinagmamasdan ang buong lugar. “G-Get me another table na lang—po.” sabi nito na parang wala sa sarili. “Yes Ma’m, Sir?” tanong ng nakangiting crew na lumapit sa kanilang dalawa. “Please get the young lady her own table. I have a reservation here with Miss Miller, Rebecca Miller?” saka niya inilibot ang mga mata at tinangkang hanapin ang babae sa may VIP area. “Yes Mr. CEO. She’s waiting.” bahagyang ngumiti sa kanya ang lalaki bago binalingan si Alex. “Ma’am,” pukaw niyon kay Alex na nakanganga sa napakalaking aquarium na may pating. “H-Ha?” parang wala sa sariling tanong ng dalaga tapos ay makailang beses na kumurap. Natawa nang mahina si Santiago. He admits, gusto niya ang ugali nito na parang hindi nahihiya na ipakita ang mga bagay na hindi nito alam, not to pretend that she knows everything and pretend sophisticated, too. Alex is so natural and not shy about her true being. Mahirap ito pero parang proud ito sa sarili. “This way Ma’am.” anang lalaki. Saglit pang napalingon ang dalaga sa kanya nang humakbang papalayo kaya ngitian niya. Para kasing natatakot itong maiwan na mag-isa sa restaurant. “I’ll be just around. Eat well.” masuyong sabi niya rito na parang batang tumango at nakaramdam ng kapanatagan ng loob. He couldn’t help but stare as she moved away, smiling on his own. Busog na busog na si Alex sa mga kinain niya pero hanggang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin tapos ang meeting ni Santiago sa babae. Bwisit na ito! Siguro talagang hindi tinatapos ang meeting dahil maganda ‘yong ka meeting. Naghihimutok na siya dahil naka tatlong klase na siya ng desserts ay parang wala pa rin balak ang binata na tumayo sa kinauupuan no’n, halos dalawang oras na sila do’n. Kapag tinitingnan naman niya ay nagtatawanan lang naman ang dalawa. Ano kaya kung ilublob na lang niya ang boss niya sa giant aquarium para matapos na ang usapan ng mga iyon? Ang tagal-tagal wala naman pinag-uusapan. Bulong niya sa sarili. Naiinis na siya dahil natatae na nga siya sa dami ng kinain niya pero parang walang pakialam ang binata sa kanya. Ganoon pala ang buhay nito bilang isang businessman at bilang isang playboy. Palikerong tunay! … Nang makauwi siya ay parang hapung-hapo na siya. Madilim-dilim na nga nang makarating siya sa bahay at nag-aalala na rin ang Mama niya, kumakain mag-isa. “Kain na, anak.” sabi ng Mama niya habang inila-lock ang seradura ng pinto. “Hay naku ‘Ma, ‘wag mo na akong alukin. Puputok na nga ako kanina pang umaga sa restaurant.” sabi niya at inilapag ang body bag sa center table at nahahapo na naupo sa bamboo set. “Bakit?” takang tanong pa ng ni Marsha. “Ewan ko, ‘Ma. Malakas yata ang toyo sa ulo no’ng bagong boss ko at ang gusto yata ay maging lumba-lumba ako. Baka ‘yon ang bago kong trabaho, kainero.” Kukurap-kurap ang ina niya na nakanganga sa kanya. “K-Kainero? B-Bagong uri ng trabaho?” “Tagapag ubos ng pagkain. Kung ang tagapagluto ay, kusero, ako naman ay, kainero.” “Sus. Choosy ka pa naman anak. Ayaw mo no’n na swerte ka sa bagong boss mo?” nakangisi namang sabi ng Mama niya. Swerte nga siya kasi mabait. Paasa lang. “Eto nga Ma’, balot ko pa para sa’yo kasi hindi ko na naubos.” aniya saka hinimas ang sariling tiyan. Parang lumaki pa ang mga mata ng Mama niya nang makita ang pizza na kanyang dala. “Anak sosiyal ka naka pitsapay ka na lang ngayon.” Gusto niyang maawa sa ina niya nang tingnan niya ito dahil alam naman niyang hindi nakakain ng pizza, kaya siguro ang isip nito ay sosyal kapag naka-pizza. Iwinaksi na lang niya ang damdamin na iyon. Hindi rin naman kasi niya masisi kung ganoon ang reaksyon nito. Mula pa noon ay mahirap na sila at hanggang ngayon ay ganoon pa rin sila. “Hay naku Mama, di mo alam kung anong pinagdaanan ko sa pizza na ‘yan. Halos mahigit dalawang oras lang naman akong nakatungangang mag-isa para lang may maiuwi akong ganyan.” umismid pa siya nang maalala ang paghihintay niya kay Santiago. “Yaan mo na. Buti nga naalala ka pa ng boss mong padalhan. Pakilala mo sakin anak para mapasalamatan ko.” ang laki ng ngisi nito sa kanya habang sili-silip ang pagkain. Tumayo na siya at dinampot ang bag para pumasok na sa kanyang kwarto. “‘Wag na Mama. Baka matetanus ‘yon kapag umapak dito sa lugar natin o kaya magkaalipunga at hadhad.” kontra naman niya na ikinanganga lang naman ng may edad na babae. Alex really doubts it. Baka magkasakit si Santiago kapag umapak sa iskwater. Alam niyang hindi iyon sanay sa marumi at mababahong lugar na tulad ng tinitirhan nila. Hindi naman sa hinahamak niya ang lugar kung saan siya ipinanganak, nagkaisip at lumaki pero totoo naman na hindi presentable ang lugar nilang iyon at kung yayaman lang siya o makaipon ng sapat na pera ay iaalis na niya ang Mama niya roon. Madumi at mabaho iyon, ‘yon nga lang mahirap talikuran ang mga tao na parang pamilya na rin nila, na sa tuwing may demolition team ay handang mamatay para lang hindi sa kanila makuha ang lupa na sa totoo naman talaga ay hindi kanila. Kapag may sakit ang Mama niya ay hindi naman sila pinagdadamutan kahit na pare-parehas naman silang mga walang makain. May pagkakaisa sila at may malasakit sa isa’t-isa kaya mahal niya ang mga taga Malaya kahit na pare-parehas silang dukha. Hindi makatulog si Alex. Pabali-balikwas siya sa kanyang papag. “Ano ba antok, dalawin mo ako.” usal niya habang yakap ang teddy bear. Maya-maya pa ay naalala niya ang buong maghapon niyang kasama si Santiago. Napaisip siya kung ano nga bang maitatawag sa trabaho niya ngayon? Parang ang kinalalabasan ay yaya siya ng lalaki. Sunod dito, sunod doon. Sa maikling salita ay yaya nga. Pero ang gwapo naman talaga no’n at ang bait-bait pa kaya di niya magawang mailang kahit na sa paraan ng pakikipag-usap doon. Hinigpitan niya ang yakap sa teddy bear at saka pumikit. Kung si Alex ay gustong magpadalaw sa antok, si Santi naman ay nangingiti nang maalala kanina ang hitsura ng dalaga habang naghihintay na matapos ang meeting niya. “At talagang tinapos mo pa. Go pa, matagal tagal pa naman ako bago magka-tae rito sa kinauupuan ko sa sobrang kabusugan.” Parang naiinis na sabi sa kanya niyon kanina nang matapos sila ni Rebecca sa meeting na ‘yon. Sa totoo lang, sinadya naman niya na patagalin ‘yon kahit na ang totoo ay bored na bored na siya sa kaharap na babae na parang walang kakwenta-kwentang kausap, at halatang nagpapa-cute lang sa kanya. They’re of the same age, but Rebecca is not his type. Humorless ang babae. Kaya lang niya pinatagal ang meeting ay tuwang-tuwa siya na nakikita si Alex mula sa kinauupuan niya. Halatang inip na inip na ang dalaga at ang kinakain ay basta na lang isusubo at lulunukin, subo-lunok habang nakapangalumbaba. He loved watching as her face turned really upset while glancing at her own wristwatch then would scratch her head. Kitang kita na niya ang pagkainis no’n, and practically speaking, he’s much more enjoying the view than the food he was eating or even than the lady who was speaking in front of him. Santi even saw the sorrow in Alex’s eyes when he demanded her to pack the foods and bring those to her family. He felt the loneliness she’s trying to hide. And being the CEO, marunong siyang kumilatis ng tao dahil isa iyon sa dapat na taglay niya. Paano pa at nag-aral siya ng Psychology kung hindi niya makikilala ang mga tao na nasa harap niya sa pamamagitan lang ng isang tingin? Kaya nga siguro nagkaroon siya ng napakaraming girlfriends dahil alam niya na tulad niya ay playgirl din ang mga iyon. Santi licked his lips. Hindi niya alam na kanina pa pala nakatingin sa kanya ang Mommy niya hanggang sa lumapit iyon sa kanya. “And what makes you smile, Santi?” nakangiti rin na tanong ni Donya Athena sa anak na tumingala lang naman dito. “Nothing Mom.” pagsisinungaling niya saka pinilit na pawiin ang ngiti pero umiling ang matandang babae. “Hay naku, lokohin mo na ang Daddy mo ‘wag lang ako. I know there is a reason why my baby boy is smiling. Well,” the old woman shrugged. “ipakilala mo na lang sakin.” Agad naman na nagbungguan ang mga kilay niya dahil sa sinabi ni Athena. “Mom, do you really think na babae ang nagpapangiti sa akin? Couldn’t it be all just about my work?” “Hay naku Santiago, huwag mo ng bilugin ang ulo ko. I’ve spent so much time raising you, that’s why I know what makes you smile and the things which could make you feel so upset. And in case if it’s all about a woman, I hope it wouldn’t be the same as what you had with Zoe.” sincere na sabi ng kanyang ina. Wala siyang naging sagot. Nanahimik lang siya at bahagyang pinatulis ang mga labi. Naalala niya noong umuwi siya galing Boracay na nasalubong niya ang Mommy niya sa may hagdan at nilagpasan lamang niya ito. Clueless na sumunod ang may edad na babae sa kanya hanggang kwarto. He had almost slammed the door on his mother’s face. “May problema ka ba, hijo?” his Mom asked but it never changed the way how his face was sculpted bitterly. “Nothing Mom.” he chose to lie and answered coldly. Santi is full grown man just to disturb his mom for his stupid love life. But knowing his mother as well, the old woman won’t stop not until she gets what she wants, even answers to her questions. “Paano na wala ay halos magdikit na ang mga kilay mo sa sobrang pagka-salubong. Baka nga kahit si da Vinci ay hindi maipipinta ang pagmumukha mo. Para kang sinabugan ng sampung bulkan.” Athena chucked his chin. He can’t help but sigh. Ang kulit talaga ng Mommy niya. Kapag hindi naman niya sinabi ang totoo siguradong magtatampo na naman ito at hindi niya gugustuhin na mangyari iyon. Matagal magtampo ang ina niya, umaabot ng dalawang linggo kung talagang hindi niya masusuyo nang maayos. Nameywang si Santi saka tumalikod. “Nakakainis na kasi, Mommy. Zoe hurt her P.A because she accused us of having an affair.” dismayado niyang kwento rito. Tiningnan siya ng Mommy niya sa mata nang lumipat iti sa harap niya. “Wala nga ba, Santiago?” tila duda rin ito sa kanya kaya nagbungguan na naman ang kanyang mga kilay. “Mom, pati ba ikaw?” he shook his head. “Okay. I’m sorry. Hindi mo naman ako masisisi, kasi alam ko naman kung gaano ka katinik sa babae pero kung hindi mo naman ginawa ay bakit hindi ka nag explain kay Zoe?” nagkibit-balikat pa ito na parang ganoon lang kadali ang lahat. Para namang hindi nito kilala si Zoe. “I did. It’s just that she’s so paranoid. It damn affects me so much whenever she keeps on accusing me of the things that I don’t really do. Hindi na ako playboy, Mom.” naiiling na lang na sabi niya saka niya hinilot ang sariling noo. “Ano bang ginawa niya?” tanong ni Athena . “Zoe almost injured Alexa’s face by pushing her on the table. Zoe’s such a b***h!” gigil na litanya niya. Bumuga pa siya ng hangin dahil sa inis. “I broke up with her. I don’t like her anymore. I’m sorry Mommy pero ayokong maging asawa ang katulad niya. She’s not a wife material. Sawang-sawa na ako sa kanya.” dugtong pa niya. Saglit na hindi nagsalita ang Mommy niya pero kapagkuwan ay bumuka rin naman ang bibig. “Ako nang bahala magpalinawag sa Daddy niya, if he’s going to ask about it. Calm yourself now and take a rest.” iyon lang ang sinabi nito niya kaya alam niya na naiintindihan siya nito. Alam naman ni Athena kung anong klase ng babae si Zoe at hindi naman tago ang pagiging maldita no’n. Kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag. “Thanks Mom.” he’s much calmer this time. Isang tango ang isinagot nito sa kanya at isang tapik sa balikat. “I understand.” Santi realized he’s so lucky to have a mom like Athena. Pansin naman kasi talaga niya na ayaw rin ng Mommy niya kay Zoe pero wala itong sinabi dahil ang usapan naman talaga ay susubukan lang nila kung magiging maayos ang relasyon nila ni Zoe, but unfortunately it didn’t. That woman is still hooked at him until this very moment, hinahabol pa rin siya at nakikipag balikan pero ayaw na niya. TANGHALI na ay nakatalukbong pa rin si Alex ng kumot. Mag-aalas dos na yata ng madaling araw siya nakatulog. Hindi na nga niya namalayan na nakatulog na pala siya tapos ngayon at may sirena na naman ng bombero sa loob ng bahay niya—ang bibig ng Mama niya. “Alexandria, bumangon ka na nga!” boses nito kaya napabalikwas siya at kakamut-kamot sa ulo na naupo sa papag. “Susmiyo kang bata ka! Simula elementary ginigising na kita, hanggang ngayon ba naman na matanda ka na ay ako pa rin ang gigising sa iyo? Aba hindi na tama ‘yan! Baka naman lola ka na ay ako pa rin?” sermon nito na nakasanayan na rin niya at kung wala ay mamimiss niya sigurado, kaya ngayon ay natatawa na lang siya nang lihim. “Nand’yan na Ma!” tatawa tawa pang sabi niya. “Ay ewan ko sa iyo! Kung ako ang boss mo, sesante ka kaagad!” Boss? Inay! Oo nga pala may trabaho siya. Nagmamadali si Alex at dinampot ang cellphone, saka niya tinungo ang banyo para maligo. “Morning, Mama.” aniya sabay halik sa ulo ng Mama niyang may kaliitan. Busy ito sa paghalo ng sinangag pero umirap sa kanya. “Bilisan mo.” galit na utos nito kaya napakamot na lang siya. … Halos paliparin ni Alex ang paa niya para marating ng mabilis ang opisina. Halos kwarenta y singko minutos na naman siyang late. Masasapak niya ang sarili kapag nawalan pa siya ng trabaho sa pagkakataong ito. Kung bakit naman kasi napakatulugin niya? Kasalanan ito ni Mr. Elizares. “Miss Cara, si Sir?” parang bumubulong na tanong niya sa secretary ni Santiago na naabutan niya sa mesa nito habang busy sa pagta-type sa keyboard. “Naku wala na Alex. Maaga siyang umalis, may meeting kasi ‘yon sa kumpanya ng lolo niya.” imporma nito sa kanya na hindi man lang siya tinapunan ni kaunting sulyap man lang. Nakagat niya ang daliri. Ngii! Patay! “Ganoon ba? Late na naman kasi ako.” parang nahihiyang sabi niya napakamot siya sa ulo. “Oo nga.” humagikhik ang sekretarya. “Pero bilin niya kapag dumating ka raw papasukin kita sa loob at hintayin mo siya. May pupuntahan raw kayo pagkatapos ng meeting niya.” “Oo sige.” sunud-sunod ang naging pagtango niya. Wala siyang panahon na humindi. Nakakahiya na siya. “Pasok ka na.” sabi nito. “Bukas naman diyan.” Tumango ulit siya. Biglang lumukso ang kaluluwa niya nang maisip na mag-isa siya sa loob ay di pwede pa siyang matulog. Yehey! Sigaw ng utak niya. Makakabawi siya sa puyat kagabi. Malamig pa naman sa loob ng opisina dahil may air con. Napasinghot siya nang buksan ang pinto ng office ni Santi. Sumalubong kagad sa ilong niya ang mabangong amoy nito, amoy lalaking pogi. Marahan na naupo sa sofa si Alexandria. Dudukutin sana niya ang cellphone sa bulsa ng body bag niya pero naalala niyang nahulog nga pala iyon sa toilet bowl kanina dahil sa pagmamadali niyang sagutin ang tawag ng kaibigan niya. Hindi niya iyon pwedeng gamitin pansamantala kasi kailangan na patuyuin muna. Habang nakaupo siya sa couch ay hindi mapigilan na mapaisip siya habang nakakatitig siya sa isang napakalaking portrait na naka-display sa pinakasentro ng opisina. Noon lamang niya napansin iyon. Hindi niya iyon napansin kahapon. Humanga siya sa ganda ng villa na iyon at napakaganda ng mansiyon. Kung maganda lang sana ang buhay niya ay kaya niyang itira ang Mama sa ganoong klaseng bahay. Ang sabi pa nga ni Mang Rodel na kaibigan ng Papa niya ay mansiyon raw ngayon ang tinitirhan ng ama niya at ng pamilya no’n. Ang huli niyang balita ay may dalawang anak na iyong babae sa anak ng datu. Ang sabi pa nga ay kaedad niya ang panganay. Alam ‘yon ng Mang Rodel niya kasi nagtatrabaho iyo para sa datu. Isa kasi iyong construction worker at ganoon din ang Papa niya noon. Biglang naramdaman na lang niya ang luha na pumatak mula sa kanyang mga mata. Ilang taon na ang lumipas pero naroon pa rin ang sakit, kaya siguro hindi niya magawang ikwento kahit na kanino ang tungkol sa buhay niya. Kaya hindi siya makapag-kwento kay Santi noong tanungin siya dahil talagang masakit ang dinanas niya bilang kaisa-isang anak at babae pa. They suffered since her father chose leaving them, lalo na ang mama niya na muntik ng magka-nervous breakdown. Araw-araw umiiyak at halos hindi na kumain. Noon wala pa siyang muwang. Sa pagkakaalala niya ay limang taon siya ng iwan ng ama niya. Walang tumulong sa kanila kundi ang mga kapitbahay. Naalala pa niya na isinama siya noon sa radyo ng Aling Loisa niya para humingi ng tulong. Nakita siya ng isang radio announcer na umiiyak sa isang sulok at sa awa no’n ay sinamahan sila sa isang pulitiko para sa pinansiyal na pangangailangan sa pagkakasakit ng ina niya. Sa awa rin siguro ay sinagot ng Mayor ang pagpapa-aral sa kanya hanggang high school. Nakaka-dalawang taon na nga siya sa college pero di na rin kinaya ng katawan niya ang pagsabayin ang trabaho at pag-aaral hanggang sa nagkaroon siya ng pabalik-balik na Pneumonia kaya huminto na siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD