chapter 6

831 Words
"Puwede nang? Dyowain? " Nagbuga siya ng hangin. "Hindi ko type, mars. Hindi ko gusto 'yong personality. Sa palagay ko, hindi kami magkakasundo n'on. Parang total opposites kami." "Pero mukhang pareho kayo ng pinagdadaanan. A broken person usually finds comfort in another broken one." "The more na hindi kami puwede. Pareho kaming may anger issues. Baka magpatayan lang kami n'on. At saka hindi na ako babalik do'n sa firing range na 'yon. Kaya hindi ko na makikita ang lalaking 'yon. Imbes na tinutukso mo ako do'n, ba't 'di mo na lang pagbutihin 'yong pagma-matchmake mo sa 'kin? Puro mga hindi ko type 'yong mga ipinapa-date mo sa 'kin." "Hindi mo type o talagang ayaw mo lang silang bigyan ng chance?" "Hindi naman sa ayaw bigyan ng chance. Talaga lang wala akong naramdamang interes o kahit kaunting spark man lang sa kanila." Narinig niya ang pagbuntong-hininga ng kaibigan. "Liza is running out of men na ipapa-blind date sa 'yo." Blind date. Noong una ay nanghihingi siya ng picture ng lalaki bago i-meet on a date pero recently, naisipan ni Jessica na lagyan ng element of surprise ang ginagawang "pambubugaw" sa kanya. Kaya wala siyang kaalam-alam tungkol sa isang lalaki bago niya ito maka-date. Ni clue sa hitsura, wala. Dahil walang magustuhan si Rachel sa mga lalaking kakilala ni Jessica, nagpatulong na ito sa dating naging patient na si Liza na isang professional matchmaker. Ipina- member siya ng kaibigan sa isang matchmaking agency nang labag sa loob niya. Ito na raw ang magbabayad ng service fee kaya hinayaan na lang niya ang kaibigan na mukhang desperada na yatang ihanap siya ng bagong boyfriend. "Kung wala na, di 'wag na. Hindi ko naman talaga kailangan ng lalaki. Ikaw lang naman ang may gustong bigyan ako ng lalaki." "No! You badly need a new boyfriend. Hindi lang para maka-move on ka na completely. Para din may maibandera ka kay Carlo kapag nakita mo uli siya kasama 'yong haliparot na babaeng 'yon. Meron pa namang bala si Liza. May maipapa-date pa siya sa 'yo." Napabuntong-hininga na lang si Rachel. Sa totoo lang, napapagod na siya sa kaka-date ng mga lalaking ibinibigay ni Jessica. Pero dahil takot siyang tumandang dalaga, kailangan niyang makipag-cooperate sa ginagawa nito para sa kanya. "Whatever. Siguruhin mo lang na magugustuhan ko na 'yan. Kasi last mo na 'yan. 'Pag hindi pa rin umubra. ibig sabihin, hindi pa talaga ako ready na pumasok uli sa isang relationship. Kailangan ko pang subukang mag- recuperate on my own. O, siya. Ba-bye na. Istorbo ka sa me time ko." "Wow, ha?" halatang natatawang comment ni Jessica. "May pa-me time-me time ka pang nalalaman. Everyday mo naman yata, naka-me time ka." "Letse," Pinatayan na niya ng tawag ang bruha. Laitin daw ang pagiging single niya? Napatitig si Rachel sa palabas sa channel na nadaanan. Isang babae at isang lalaki ang kasalukuyang naglalaplapan. Natagpuan na lang niya ang sarili na nakanganga. Naiinggit. Nagngingitngit. Pitong buwan. Pitong buwan nang tigang sa pagmamahal ang puso niya. Maybe Jesicca was right. She could still be suffering from withdrawal syndrome. Kung hindi niya mapagtatagumpayang gamutin iyon, kailangan talaga niyang magdyowa uli. BUMUNTONG-HININGA si Darwin pagkatapos mabistahan ang sales report ng Amour de la Nourriture- ang restaurant niyang nagse-serve ng French Mediterranean cuisine. Kung may nakakakita lang sa kanya sa loob ng kanyang opisina sa mga oras na iyon ay iisiping hindi siya masaya sa nakitang total monthly sales ng restaurant na mina-manage. Of course, the restaurant had good sales, as always. Pero hindi mawala sa kanya ang frustration na nararamdaman tuwing maiisip na isang taon na siyang walang bagong recipe na na-develop. He used to be a great chef. Siya mismo ang nagluluto noong nagsisimula pa lang ang Amour de la Nourriture. Well, he still was a great chef. He could still cook but he had lost his kitchen creativity. Twice a year ay may bagong dish na ipinapasok si Darwin sa menu ng tatlong restaurants na pag-aari niya. Mga dish na ang recipe ay siya mismo ang bumubuo. Pero nang mag-break sila ni Julia ay parang nawala na ang galing niya sa pagbuo ng sariling recipes. It was as if she had taken it away when she walked away from him. mula Ilang beses siyang sumubok na bumuo ng bagong recipe pero palagi siyang bigo. Kumbaga sa Isang, writer ay parang nagkaroon din siya ng block. Hindi niya alam kung kailan babalik ang creative mojo niya. His friend, Gavin, said maybe Julia had sucked all his positive energies since he cheated on him and left him for a jerk. And that was why he felt uninspired. Therefore, he needed to bring back his positive energies. He tried but he failed. Gavin suggested that he should get it from someone else. A woman, to be exact. A woman who would help him get rid of the hatred in his heart and help him move on. Kaya nga siya pumayag sa matchmaking service na inalok ng girlfriend ni Gavin na isang professional matchmaker.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD