chapter 5

906 Words
" Napansin niyang nakatingin sa kanya ang lahat ng tao roon. "Sige... magpapalit ka na. Ituloy mo na ang binabalak mo. Hindi na ako hahadlang." Mabilis niyang tinungo ang locker at kinuha na ang mga gamit doon para layasan ang firing range dahil sa kahihiyan. SINUBUKAN ni Darwin na mag-focus habang nakatutok ang muzzle ng hawak na .357 rifle sa target board. He needed to hit the bull's-eye. He had to make Andrew stop laughing on the bull's-eye of that target board. It had been a year since Julia left him for Andrew. He believed he had moved on. But not until recently, when he found out that his ex and his foe were about to get married. Bumalik ang lahat ng galit niya sa babaeng minahal nang anim na taon at sa lalaking walang ginawa kundi ang kalabanin siya. Na-realize niya na hindi pa pala talaga siya nakaka-move on sa ginawa ni Julia. That familiar pain a year ago had hit his chest again when learned that she had chosen to be with Andrew for the rest of her life. from Naniniwala si Darwin na hindi na niya mahal si Julia. Napagtagumpayan na niyang maialis ito sa kanyang puso. Hindi lang niya matanggap na tinanggihan ng babae ang marriage proposal niya pero tinanggap nito ang kay Andrew na hindi pa nito ganoon katagal na nakakasama That night Darwin asked her to marry him was the day she asked him to set her free. Later, he found out why she dumped him. Pinagtaksilan siya ni Julia. At si Andrew pa ang napili nito. Kaya recently, nang malaman niya sa social media na nag-propose na ng kasal si Andrew at nag-"yes" si Julia, bumalik sa kanya ang masakit na alaala ng gabing iyon ng marriage proposal niya sa babae. It was the most painful moment of his life. It had broken him into pieces. Hindi matanggap ni Darwin na apektado pa rin siya. Hindi niya matanggap na may matinding galit pa rin sa kanyang puso. Hindi niya matanggap na ang tingin ng mga tao ay kaawa-awa siya. Tulad na lang ni bernie na nasa kabilang booth lang. Sinadya niyang lumipat ng ibang firing range para iwasan ito pero nasundan pa rin siya. Iniwasan niya si Bernie dahil nasaksihan nito ang kalasingan niya a few weeks ago kung saan ibinuhos niya ang sama ng loob dahil sa pagpapakasal ni Julia kay Andrew. Hindi sila close pero kaibigan ito ng ilang kaibigan niya kaya naroon ito nang mag-inuman silang magkakaibigan. Bernie was convinced that Darwin was still in love with his ex. Iniisip din nito na nagngingitngit siya sa inggit kay Andrew. Halatang sinadya siya nitong i-taunt kanina. What a jerk. para sa loob Hindi na hinihiling ni Darwin na bumalik sa kanya si Julia kaya nakakasiguro siyang wala na siyang feelings para sa babae. Galit at sama ng ang naroon pa rin sa kanyang puso. He had forgotten about loving her but not the betrayal and the fact that she made him look like a fool. And that jerk who was smirking on the center of the target, Darwin wanted to "shoot" him. Aktong kakalabitin na niya ang gatilyo nang maalala ang babaeng katabi niya ng booth kanina. "Wag mong ituloy 'yang binabalak mo! 'Wag mong dungisan ang kamay mo. Masisira ang buhay mo kapag ginawa mo 'yan... " Nagbuga ng hangin si Darwin. Naibaba tuloy niya ang hawak na rifle dahil nawala na siya sa konsentrasyon nang maalala ito. That woman. She obviously learned about his story through eavesdropping. Nalaman nito nang gano'n-gano'n lang ang pinagdaraanan niya. Mukhang inisip pang kaya niyang pumatay dahil sa sobrang galit. Kunsabagay, quits lang naman sila. Alam din niya ang pinagdaraanan ng babaeng iyon dahil narinig niya kung paano nito sigaw-sigawan ang target board. Ang akala nga niya ay lasing ang babae. She was kind of loud and lacked finesse. Muling itinaas ni Darwin ang rifle pero hindi uli siya nakatira dahil bumalik sa kanyang isip ang mga sinabi babae kanina. ng "Sinira ka nga nila, eh. Winasak nila 'yong puso mo Kaya 'wag mong hayaang mas masira ka pa nila. Wag mong hayaang pati buhay mo, masira nila nang tuluyan Kaya wag mong ituloy 'yan... Right. He should stop wallowing in this detrimental emotion. Hindi dapat siya magpalamon sa nararamdaman dahil siya lang ang masisira. Kailangan niyang mapagtagumpayang alisin ang galit sa dibdib. He must do something to help himself move on completely. Dinukot ni Darwin ang cell phone mula sa bulsa ng suot na jacket at naglakad palabas ng firing room. "Dude," sabi niya sa kaibigang tinawagan. "Payag na ko. Set me up on a blind date." NAG-ROLL ng mga mata si Rachel nang marinig ang pagtawa ni Jessica mula sa kabilang linya. Ikinuwento niya ang nangyari sa firing range noong isang araw. "Sayang-saya ka, ha?" sarkastikong puna niya sa kaibigan habang inililipat ang channel ng TV. "Naisip ko lang kasi... nakuha mo ba 'yon sa script sa isa sa mga drama sa hapon na sinulat mo? 'Yong mga gano'ng linyahan? I could imagine that guy's face." Napailing-iling si Rachel. Malinaw pa rin sa isip niya ang hitsura ng lalaking iyon habang nakatingin sa kanya at siguro ay iniisip na papansin lang siya. "Guwapo ba?" biglang tanong ni Jessica. "Hmm..." Kunwari ay nag-isip pa siya kahit alam naman niya ang sagot. "Puwede na." Pero dahil medyo asar siya sa pagiging cold ng lalaki, hindi niya inamin na guwapo ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD