chapter 4

860 Words
sa putok ng baril. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang target board ng kabilang booth. Hindi tumama sa center ang bala. Sa pangatlong bilog ang nabutas. Napa-smirk siya. Mukhang tama siya. Brokenhearted nga yata si Darwin. At kaya hindi nito na-hit ang center this time ay dahil nawala ito sa concentration sa sinabi ng lalaking dumating. His ex could be getting married to the man who was the reason she left him. Unti-unting naglaho ang ngisi ni Rachel. May idea siya kung gaano kasakit ang nararamdaman ni Darwin. Hindi pa magpapakasal sina Carlo at Camille pero ganoon na ang inabot ng target board niya. Paano pa kaya kung mabalitaan niyang ikakasal na si Carlo sa babaeng ipinagpalit sa kanya? Baka mapakuha siya ng bazooka para siguruhing sasabog ang target board. Hindi siya magseselos kung sakali. Magagalit lang siya dahil nakuha itong pakasalan ni Carlo, samantalang siya, sampung taon na nakasama ay hindi inalok ni minsan. Napakasakit sa pride. Somehow, nakaramdam si Rachel ng awa para kay Darwin. Siguro mahal pa rin nito ang ex-girlfriend. Hindi na niya mahal si Carlo pero apektado pa rin siya at galit nang makita ang dalawa. Lalo na siguro kung mahal pa niya ang ex. Siguro tulad ni Darwin ay naging cold na rin siya. "She invited me to her wedding," sabi ng lalaking dumating na parang walang pakiramdam na ayaw marinig ni Darwin ang tungkol kay Julia. Parang gusto uli ni Rachel na umeksena sa kabilang booth at tampalin ang noo ng kung sinumang lalaking iyon na hindi marunong makiramdam. O baka talagang nananadya? Napapitlag uli siya nang sunod-sunod na putok ang pinakawalan ni Darwin. Pero nang tingnan niya ang target board nito, wala ni isa ang tumama sa gitna. Nagpalipat- lipat ang tingin niya sa papel na nasa kanyang target board at sa nasa board ng lalaki. Halos magkahawig. Napabuga si Rachel ng hangin. Naalala niya kung paano siya pinagsabihan ni Darwin kanina tungkol sa pagtawa ng ex niya at ni Camille dahil hindi niya na-hit ang bull's-eye. Malamang nai-imagine ngayon ng lalaki na pinagtatawanan ito ng ex habang nakasuot ng wedding gown at ng groom nitong naka-tuxedo. "It looks like you need more practice, pare," sabi ng lalaking epal. "Punta na ako sa booth ko." Tama, sabi ni Rachel sa isip. Punta ka na sa booth mo dahil baka sa 'yo na sumunod na tumama ang bala ni Darwin. Sinilip uli niya ang kabilang booth dahil curious siya kung ano ang hitsura ni Darwin sa mga oras na iyon. Wala na ang isa pang lalaki. Nakatayo lang si Darwin habang nakatitig sa target board na tinadtad nito. Kahit hindi niya nakikita ang mukha ng lalaki, alam niyang puno ng pait at galit ang hitsura nito. Pakiramdam ni Rachel, gusto niyang i-comfort si Darwin. Pero may karapatan ba siyang gawin iyon? Bukod sa hindi sila personal na magkakilala, hindi rin niya alam kung paano mag-move on completely. Kahit hindi na niya mahal si Carlo, hindi pa rin nawawala ang galit niya para sa ex kaya hindi niya masasabing naka-move on na talaga siya. Biglang lumingon si Darwin at huli na para makaalis si Rachel sa pagkakasilip. Kitang-kita niya ang mukha ng lalaki. Tama siya. Nagalit nga ito sa sinabi isang lalaki kanina. Ngumiti na lang siya nang alanganin Nilagpasan lang siya ng tingin ni Darwin. Lumabas ito ng booth dala ang baril. ng Nanlaki ang mga mata niya nang makita kung paano hawakan ni Darwin ang baril. Ang higpit. Labas ang uga sa kamay. Parang gigil ito at may gustong itumba. Posible kayang gusto nitong barilin ang groom ng bride dahil sa sobrang galit? Nag-panic si Rachel sa naisip. Nang makalabas na ng firing room si Darwin, tumakbo siya palabas para sundan ito. "Wag mong ituloy 'yang binabalak mo," habol niya sa lalaki. Huminto ito sa paglalakad pero hindi lumingon. "Wag mong dungisan ang kamay mo," patuloy niya "Masisira ang buhay mo kapag ginawa mo 'yan. Sinira ka nga nila, eh. Winasak nila 'yong puso mo. Kaya 'wag mong hayaang mas masira ka pa nila. 'Wag mong hayaang pati buhay mo, masira nila nang tuluyan. Kaya 'wag mong ituloy 'yan..." Unti-unting lumingon si Darwin. Wala na ang dilim sa mukha nito. Nakakunot ang noo. "What the hell are you talking about?" Saka lang naging aware si Rachel sa paligid. Nakatingin sa kanila ang mga tao sa lobby ng indoor firing range, maging ang mga tao sa front desk. Sa kagustuhan niyang iligtas ang lalaki, hindi na niya inalintana ang paligid Itinaas ni Darwin ang baril. "I'm going to exchange this pistol for a rifle because I want to shoot from a farther distance." Ibinaba na nito ang baril. "How will that ever mess my life?" Hindi siya nakasagot. Napatanga na lang siya nang ma-realize na nag-OA lang siya. Hindi talaga papatay ng tao si Darwin kaya lumabas na hawak ang baril. Magpapapalit lang pala ng baril sa staff. Kung makatingin sa kanya ang lalaki, parang iniisip nitong nababaliw na siya. Kung makabitiw naman kasi siya ng linya kanina, daig pa ang teleserye queen. Pinilit na lang ni Rachel na tumawa para mapagtakpan ang kahihiyan. "Sabi ko nga, eh. Magpapapalit ka lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD