nawalan na
ng dating sa kanya ang lahat ng lalaki. Kaya nakakapagtaka
na na-recognize agad niya ang mayroon sa lalaking ito na
magaling bumaril. She thought the guy was oozing with
sex appeal... and to think na dalawang seconds lang yatang
nagtama ang mga mata nila.
Narinig kaya ng lalaki ang pagra-rant niya? Nahiling
ni Rachel na sana ay nakasuot ito ng earmuffs mula pa
kanina para hindi narinig ang mga pagmumura niya dahil
"Ay, putik!" gulat na bulalas ni Rachel nang bigla na
lang lumitaw sa harap niya ang lalaki mula sa kabilang
booth.
ng
Tinitigan siya nito at sinalubong lang niya ang tingin
lalaki. May bahagyang kunot sa noo nito. Napalunok
siya. Kokomprontahin ba siya nito sa ginawa niyang
pagsilip?
Napakurap-kurap si Rachel habang nakikipagtitigan
sa lalaki. Ngayong kaharap na ito, lalo niyang nakumpirma
kung gaano kaguwapo at kalakas ang dating nito.
Tinapunan ng tingin ng lalaki ang target board niyang
bahagya pa lang nakalapit sa kanya.
"Are you happy with what you did on that?" tanong ng
lalaki na may super manly voice. Mukhang ang tinutukoy
ay ang ginawa niya sa target board.
Tumango na lang si Rachel dahil wala siyang idea
kung bakit kailangan iyong itanong ng lalaki.
Nagbuga ito ng hangin. "You didn't hit your cheating
boyfriend and his new girlfriend. 'Cause you know why?
They're at the center of that target, probably laughing at
you 'cause you failed to hit them a number of times."
Narinig ng lalaki ang rants niya! Nilingon niya ang
target board at pinagmasdan ang kalat-kalat na butas
na wala man lang naligaw sa gitna ni isa. Natuon ang
tingin niya sa center ng target at na-imagine sina Carlo
at Camille na humahalakhak habang nakatingin sa kanya.
Napanganga siya.
"Hindi ka dapat nasisiyahan sa pagtadtad lang sa
target," patuloy ng lalaki. "Instead, pagsumikapan mong
matira 'yong center." Iyon lang at bumalik na sa
booth ang lalaki na wala man lang kangiti-ngiti.
Ano yon? Gustong isipin ni Rachel na epal lang ang
lalaki pero may point naman ito. Nakukuha niya ang
analogy na gusto nitong ipahiwatig.
At this point, hirap pa rin siyang maka-move on sa
galit niya kay Carlo. Parang pag-hit sa center, mahirap.
Pero kung pagsusumikapan, makaka-move on siya.
Parang kung pagsusumikapan niyang ma-hit ang center,
magagawa niya iyon. Hindi madali pero makakaya niya
kung magsusumikap siya.
alam na
parang
alam ng lalaki kung ano
Teka. Bakit
ang dapat gawin sa sitwasyon niya? Sumilip uli siya sa
booth nito para tanawin ang target board nito na may
butas sa center. Hindi kaya... pareho lang silang ini-
board?
imagine ang kani-kanilang ex sa target
Kusang umangat ang kilay ni Rachel habang
pinanonood ang lalaki sa paghahanda sa pagbaril.
Brokenhearted din ba ito na tulad niya?
Napapitlag siya nang pumutok ang baril at namangha
nang makitang sa center na naman ng target tumama ang
bala. Parang gusto niyang kalabitin ang lalaki at magpaturo
kung paano maka-hit
bull's-eye pero mukhang hindi
ito approachable. Actually, parang may kaangasan nga.
Mukhang naramdaman ng lalaki na may tao så likuran
kaya lumingon ito nang alisin ang earmuffs.
"Patay na 'yong ex mo at 'yong lalaking ipinalit niya
sa 'yo," sabi ni Rachel sa lalaki na halatang natigilan.
Itinuro niya ang target board nito. "Hayun, o. Tumutulo
na 'yong dugo nila kasi binigyan mo sila ng tig-isang
tama sa puso."
Saglit na nagsalubong ang mga kilay ng lalaki. Nagalit
ba ito sa pag-epal niya? Ang lagay ba, eh, ito lang ang may
karapatang umepal? Siya, wala?
Nag-smirk ito. "Kung ako sa 'yo, mag-practice ka na
lang na ma-hit ang center kaysa gawan ako ng kuwento."
Hmp. Suplado, asik ni Rachel sa isip. Tinalikuran na
siya ng lalaki kaya bumalik na lang siya sa kanyang booth
para ipagpatuloy ang pagpapalapit sa target board. Hindi
nga siguro brokenhearted pero mukhang problemado.
"Darwin!" narinig ni Rachel na tawag ng kung sino.
"Nandito ka rin?"
"Hey," parang walang ganang sabi ng lalaki sa kabilang
booth. "Ikaw? Bakit ka nandito?"
"Masama bang lumipat ng firing range, pare? Ikaw
nga, lumipat, eh. Kumusta ka na? Okay ka na ba?"
Hindi muna isinuot ni Rachel ang earmuffs dahil
naging curious siya sa tanong ng kararating lang na lalaki.
Mukhang tama siya. Mukhang problemado ang lalaking
magaling bumaril.
"I'm okay."
Nagpakawala ng maingay na hininga ang lalaking
kausap ni Darwin. "You don't look like okay."
"Your time is running. Pumunta ka na sa booth mo
m kung babaril ka."
Umangat ang isang kilay niya. Mukhang gustong
umiwas ni Darwin tulad ng ginawa nito kanina sa kanya.
"I saw Julia at the gym yesterday... with her fiancé."
Walang narinig si Rachel na sagot mula kay Darwin.
Pero pagkatapos ng ilang minuto, napapitlag na lang siya.