"MAMATAY ka nang hayup ka!" singhal ni Rachel
habang tinatadtad ng bala ang target board sa indoor firing
range na pinuntahan niya para maglabas ng sama ng loob.
Anim na buwan niyang iniwasang pumunta sa mga
paboritong lugar dahil may memories sila ni Carlo sa
mga iyon. Pero lately, nag-decide siyang balikan ang mga
iyon. Hindi lang sa Anita's Bakeshop niya nakita si Carlo
na kasama ang bagong girlfriend nito, pati sa spa salon
kung saan paborito niya ang Thai massage!
Hindi makapaniwala si Rachel kung paano nagagawa
ni Carlo na dalhin ang babaeng iyon sa mga lugar na
alam nitong paborito niya. Sinasadya ba nitong ibalandra
sa harap niya ang babaeng dahilan kung bakit nawasak
ang relasyon nila? Gusto ba siyang saktan ni Carlo? As if
masasaktan siya. Poot. Iyon ang nararamdaman niya sa
mga oras na iyon. Matinding poot.
Ang akala ni Rachel, unti-unti nang nagsu-subside
ang galit niya dahil hindi na niya mahal ang ex. Pero dahil
na-trigger na naman, bumalik ang matinding galit niya
kina Carlo at Camille. Hindi siya binigyan ng sedative ni
Jessica kaya naisipan na lang niyang pumunta sa firing
range para maglabas ng sama ng loob.
Iniisip niya ang mukha ni Carlo sa target board
habang pinauulanan ng bala ang malaking butas
"ilong" nito.
"Hindi ako makapaniwalang minahal kitang animal
ka Wala kang pakialam ni katiting sa feelings ko!
Winalanghiya mo na nga ako no'ng iwan mo 'ko para sa
babaeng 'yon, hanggang ngayon, winawalanghiya mo pa
rin ako kahit wala na tayo! Nakuha mo talagang dalhin
sa favorite places ko 'yong babaeng 'yon! Hindi mo man
lang naisip na puwedeng magpunta ako doon at makita
ko kayong mga hayup kayo! O baka talagang sinasadya
mong inutil ka? Kung hindi ka ba naman talagang gago!"
gigil na gigil na sabi niya in between pulling the trigger.
Nasiyahan si Rachel nang makita ang finish product
ng panggigigil sa hawak na baril. Hindi siya nakatama sa
center ng target pero tadtad ng bala ang papel. Mabilis
niyang pinindot ang control system ng target board para
lumapit sa kanya at nang mapalitan ng bago ang butas-
butas na papel. Minutes later, si Camille naman ang
in-imagine niyang pinagtatadtad ng bala sa target board.
"Ikaw namang haliparot na babae ka, alam mong my
girlfriend 'yong tao pero nilandi mo pa rin! Kung hindi ka
ba naman kasingkati ng gabi! Feeling mo siguro, lamang
na lamang ka sa 'kin dahil ipinagpalit ako ng putang-inang
ex ko sa 'yo! Ganda ka? Ganda ka, ha? Fake naman 'yang
ilong mong malandi ka!"
Nang matapos si Rachel sa kaka-rant at kakabaril kay
"Camille" ay medyo nabawasan ang gigil niya. Habang
pinagmamasdan ang papel, na-imagine niya si Camille na
wasak na ang fake na ilong at nakalitaw na ang pekeng
bridge. Inalis niya ang earmuffs at pinindot ang controls
para palapitin ang target board. Pero napapitlag siya nang
makarinig ng pagputok.
Napamulagat si Rachel nang ma-realize na may tao
na sa ibang booths. Divider lang ang naghahati sa bawat
booth kaya sigurado siya na narinig ng kung sinumang
taong iyon ang mga pinagsasabi niya habang bumabaril.
Nakakahiya!
Nang pumasok siya sa firing range, wala pang shooters
kaya malakas ang loob niyang magbunganga. Hindi niya
namalayan na hindi na pala siya nag-iisa sa loob. Tumutok
ang tingin niya sa target board ng kabilang booth at
nanlaki ang kanyang mga mata.
Bull's-eye.
Mukhang hindi basta-basta ang nasa kabilang booth.
Crack shot! Baka shooting competition champion ito.
Baka sundalo. O kaya naman... professional assassin.
Na-curious tuloy si Rachel. Gusto rin niyang
malaman kung sino ang nakarinig ng mga pinagsasabi niya
para matakpan niya ang mukha mamaya kapag nakita ito
sa premises ng firing range.
Maingat siyang sumilip sa kabilang booth mula sa
likuran at nakita ang likod ng matangkad na lalaking nasa
kabilang booth. Mukhang clean-cut ang buhok kahit likod
lang ang nasisilayan niya. Lean ang body built. Nahinto
ang tingin niya sa bandang pang-upo ng lalaki sa denim
jeans na suot nito.
Hmm... nice butt.
Pero baka talikodgenic lang. Madalas siyang magoyo
ng mga ganoon ka-perfect na likod ng lalaki. Malamang
mukha itong bakulaw kapag humarap. Nagpakawala
at tumama na naman sa center ng
uli ng
target board.
ang bala ng
lalaki
"Wow." Hinayaan ni Rachel na lumabas iyon sa bibig
dahil naka-carmuffs naman ang lalaki. "Amazing! Galing!"
Ibinaba ng lalaki sa balikat ang earmuffs bago pa man
niya matapos ang sinasabi. Mukhang narinig siya nito kaya
biglang lumingon.
Napasinghap siya nang magtama ang mga mata
nila. Mabilis siyang umalis sa pagsilip para magtago sa
kanyang booth. "s**t!" sabi niya nang walang sound.
"Ang guwapo!"
Hindi lang likod ang magandang tingnan sa lalaki.
Pati harap!
Actually, may laban naman iyong mga lalaking naka-
date ni Rachel these past few weeks. Iyong mga lalaking
inireto sa kanya ni Jessica na lahat ay hindi niya binigyan
ng chance na mai-date siya sa pangalawang pagkakataon.
Para kasing may kulang sa kanila. Ngayon lang niya
natukoy kung ano-s*x appeal.
Mula nang niloko at iniwan siya ni Carlo.