chapter 10

1127 Words
"Oo. Kasi advance akong mag-isip." He exhaled a mirthless laugh. "Liza wouldn't do that because I'm a friend of her boyfriend. But I admit that this is ridiculous, trying to match two people for the sole reason that they're both broken." Napatitig si Rachel sa lalaki. Iniisip niya kung ano pa kaya ang posibleng dahilan kung bakit sila ang ipina-date ng matchmaker sa isa't isa bukod sa pareho silang may pinagdaraanan at may galit sa puso. "Baka naman meron pa tayong ikina-match sa isa't isa," pagbibigay niya ng idea. "Hindi pa lang natin alam dahil hindi pa naman natin kilala ang isa't isa." "Do you really think may ipagkakapareho tayo?" "Baka doon sa ilang parts sa hinahanap natin sa isang prospective boyfriend and girlfriend." Halatang na-curious si Darwin. "You really think so? I don't think there's one single thing in you that I like." Nanlaki ang mga mata ni Rachel sa pagiging brutal lalaki. At ganoon lang nito kakaswal sabihin iyon? Parang gusto niyang pompiyangin ito sa pagkaasar niya. "Nakaka-offend ka, ha?" ng "Sinabi mo kanina, 'di ba? Disappointed ka nang malaman na ako 'yong ka-blind date mo." Siya ba ang naunang mang-umbag sa ego nito kaya siya ginaganoon ngayon? Hindi naman niya sasabihin iyon kung hindi nakita ang reaksiyon ng lalaki nang makita siya. "We're obviously not each other's type," patuloy ni Darwin. "Kahit wala pa tayong alam tungkol sa isa't isa, She laughed mirthlessly. "You're right. Hindi talaga kita type. There's not a single thing about you that I like, too. Pero kung pag-uusapan natin ang mga ayaw tapos na tayong kumain, hindi pa rin ako tapos magsalita Partida pa, hindi pa kita lubos na kilala no'n, ha?" He grinned. Alam niyang naaasar din ito deep inside. "Tutal, hindi naman natin type ang isa't isa, hindi natin kailangang magpa-impress sa isa't isa. So, let's just be honest with each other. Ano'ng mga ayaw mo sa 'kin?" "Gusto mo talagang marinig?" "I wouldn't mind. I'd like to hear how a woman without good taste in men talks ill about me." "Whoa!" Umakto si Rachel na para bang tinatangay siya ng malakas na hangin. "May dumaan yatang buhawi. Wala akong taste dahil lang hindi kita type, gano'n? Puwes, unahin na natin 'yang angas mo. Ayoko ng lalaking mayabang." Parang hindi naman naapektuhan si Darwin sa sinabi niya. "Lahat ng lalaki, may yabang. That's actually part of our 'anatomy." "Puwes, mukhang masyadong malaki ang parte ng yabang sa katawan mo kung gano'n." Mas malaki pa. biceps mo! "Ano pa?" "Hindi ka approachable. Hindi ka friendly. Suplado ka. Mukha kang antipatiko. Ang cold mo. At parang wala kang sense of humor. You must be really boring. Tapos ang datingan mo, aristokrato. Gusto ko kasi ng lalaking down-to-earth, cheerful, funny, at masarap kausap." "Masarap akong kausap. Pero depende sa kausap ko. If my conversational partner has the same level of thinking as me and if we have the same interests in things, masasarapan siyang kausap ako at hindi siya mabo-bore sa akin." " "You mean, 'yong kasing-tedious mo? Oo naman, you two might have a lot of fun getting tedious together.' Ngumisi lang si Darwin pero pakiramdam niya ay nagpipigil lang itong ipakita ang pagkaasar. Dumating ang pre-dinner wine at hors d'oeuvres kaya saglit na naputol ang pag-aasaran nila. Dahil Instagrammable ang pagkaka-plate sa appetizer, inilabas ni Rachel ang cell phone para picture-an iyon at i-upload later. Tumirik ang mga mata niya nang matikman ang white wine. "Delicious." Kaya niyang tiising kausapin ang antipatikong lalaking ito para lang sa wine na iyon. Napansin niyang naging busy yata si Darwin sa pagtikhim sa one-bite meals na isinerve as appetizer. Kung makatikhim at makasipat ang lalaki sa pagkain ay para bang pinag-aaralan nito ang lasa at hitsura ng bawat isa sa platter like a food critic. Na-curious tuloy siya kung ano ang trabaho ng lalaki. you "Do mind if I ask about your job?" tanong niya pagkatapos kumagat ng isang bite-sized meal. "Curious lang ako. Writer ka rin ba? Food critic?" "I'm a chef and a restaurateur. I own three restaurants around the city-a high-end pizza diner, a steakhouse, and a fine-dining restaurant." Bumagsak ang crumbs ng tartlet mula sa bibig ni Rachel. Inaasahan na niya na rich and successful lalaking ito pero hindi naman niya akalaing ganoon kabigatin. That explained the arrogance of this guy. Hindi pala ito talaga basta-basta. "So, you're a writer?" tanong ni Darwin habang sinisipat ang hawak na maliit na crostini. "Paano mo nalaman?" Lumipat sa kanya ang tingin nito. "Kakasabi mo lang. 'Writer ka din ba?" So, it could mean you're a writer." "Yes. I'm a writer. I write for TV." Hindi na kailangan ni Rachel na sabihin sa isang lalaking hindi na niya makikita pa bukas na wala siyang writing gigs sa kasalukuyan dahil sa matinding writing slump. Na nagbebenta na lang muna siya ng Korean beauty products online habang hinihintay na bumalik ang writing mojo. Matapos nitong pasiklaban siya ng pagiging chef at restaurateur na may tatlong sosyaling restaurant na pag-aari, sasabihin niya ang pagiging miserable ng writing career niya sa kasalukuyan? No way. "Really?" Halata namang hindi naging interesado si Darwin. In fact, mukhang mas interesado pa ito sa pagnamnam ng small wraps kaysa sa trabaho niya. "So, what kind of TV shows do you write for?" Hinding-hindi sasabihin ni Rachel na nagsusulat siya ng mga dramang hindi nawawalan ng kidnapan, patayan, kabitan, nawawalang anak, pinapasabog na kotse, nagkaka-amnesia, baliw na kontrabida, pinatay na pero buhay pa pala lingid sa kaalaman ng lahat, at lahat ka-cliché-han at gamit na gamit nang plot sa mga madramang teleserye. But despite the formulaic plots, nagawa pa niyang magkaroon ng writer's block sa lagay na iyon. For sure, Darwin would make fun of her. "Sasagutin ko ba 'yan? Kapag sinagot ko 'yan, para na rin nating sinisimulang mag-get to know each other Tinanong kita kung ano'ng trabaho mo out of curiosity pero hindi na ako nagbigay ng follow-up question dahil hindi ako interesado sa 'yo. Don't make me think that you're starting to be interested with me." He snorted. "I just asked a follow-up question dahil, unlike me, hindi ka full magbigay ng sagot. But I'm not really interested." She twitched her lips. Hindi talaga papatalo sa asaran ang lalaking ito. Gustong isipin ni Rachel na hindi ito ang totoong Darwin. Baka binalot lang ng galit ang puso nito dahil sa dinanas at kasalukuyan pa ring dinadanas nang dahil sa ex-girlfriend. Sana nga ay ganoon lang. "Let's not talk about personal stuff," sabi ng lalaki pagkatapos sumimsim ng wine. "Why don't we continue our topic a while ago? You know, the reasons why we dislike each other. This time, ako naman ang magsasalita." Ngumisi ito. Napalunok si Rachel. Mukhang tatalupan siya nang buhay ng malditong lalaking ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD