chapter 9

1119 Words
Biglang nag-flashback sa isip ni Darwin ang mukhang iyon. Wait. Was this the woman at the firing range? Iyong pinagtatadtad ng bala ang target board dahil galit na galit sa ex at sa babaeng ipinalit dito? "I-ikaw ang ka-blind date ko?" tanong ng babae. What? Ito si Rachel? "Ikaw?" he asked incredulously. Lalong nanlaki ang mga mata nito. "Ikaw nga! Darwin, right?" What in the world? So, ito mismo ang ka-blind date niya! This woman who was loud and lacked refinement! Halatang hindi galing sa respetadong pamilya si Rachel dahil walang filter ang bibig. Kahit nakasuot siya ng earmuffs ay dinig na dinig niya ang pagmumura ng babae sa kabilang booth nang araw na una niya itong makita. Hindi siya sanay na makasalamuha ng ganoong klase ng babae. She was too unladylike. Seriously? Iminatch talaga siya nina Liza at Gavin sa isang babaeng tulad ni Rachel? Was he being pranked or what? "Anong ini-smirk-smirk mo diyan with matching iling and surprised look?" tanong ni Rachel na halatang hindi nagustuhan ang inakto niya. Ibinalik ni Darwin ang tingin sa babae. Noon lang niya na-realize na naka-smirk nga siya. "Disappointed ka na ako ang ka-blind date mo?" mahinahon pero prangkang tanong nito. Yes, he was, Pero hindi naman siya ganoon ungentleman para sabihin iyon nang direkta sa babae. Bumuntong-hininga ito. "Well, don't worry. Because the feeling is mutual," parang bale-walang sabi nito at umupo sa silyang nasa tapat ng sa kanya. Natigilan si Darwin. Did she just reject him within three minutes after she found out he was her date? "Um-order ka ba ng wine?" tanong ni Rachel na parang mas interesado sa maiinom na alak kaysa sa kanya. Dinampot nito ang unused wineglass. "I'm thirsty." Lumingon ito para tawagin ang waiter. "Order na tayo." Dinampot ni Rachel ang menu at sinipat iyon. "Hindi por que hindi natin type ang isa't isa, hindi na tayo kakain. Sayang din kasi libre mo naman 'to, 'di ba?" He watched her in disbelief. Wow. This woman was something else. THE MOMENT na makita ni Rachel ang reaksiyon ni Darwin nang malamang siya ang ka-blind date nito, alam na niyang hindi masaya ang lalaki. Masyadong aristokrato at suplado ang lalaking ito para magustuhan ang isang tulad niyang bungangera. Naiintindihan naman niya si Darwin kung hindi siya magugustuhan. Sino ba naman kasing lalaki ang maa- attract sa kanya pagkatapos marinig ang mga malulutong niyang mura? Alam ni Rachel na nakaka-turn off talaga sa babae ang ganoon. Lalo na kung hindi naman talaga siya kilala ng isang tao. Jinudge siya ni Darwin nang dahil doon pero naiintindihan naman niya. Totoo rin namang hindi niya type ang lalaki kahit guwapo at mukhang madatung. Oo, oozing with sex appeal nga si Darwin at, for a moment, na-attract siya noong unang makita ang binata pero naglaho rin naman kaagad iyon dahil hindi niya bet ang pagiging cold unapproachable nito. at hindi funny Ang tipong lalaki ni Rachel ay iyong cheerful, funny, at masarap kausap. Halata namang si Darwin. Baka nga wala itong ni katiting na sense of humor. Mukhang boring at walang alam sa mga tsismis sa showbiz at viral posts sa f*******:. Kung alam lang siguro niyang ang lalaking ito ang makaka-date, nunca na siputin niya ito. Minsan talaga, hindi siya malakas kay Lord. Hindi Nito dininig ang dasal niya a few minutes ago. Imposibleng maging si Darwin ang Mr. Right niya dahil ang eksena pa nga lang na iyon ay very, very wrong na. Hindi na dapat kasi sila pinagtagpo uli. Lalo na sa ganoong klaseng pagkakataon. Tutal ay obvious namang walang mapapala sa lalaking ito, nag-focus na lang si Rachel sa pagkain bilang pampalubag-loob. Um-order siya ng pinakamahal na steak na alam niyang panghihinayangang bilhan ang sarili, lalo na sa sitwasyon niya ngayon bilang jobless writer. Para naman kahit paano ay may mapala siya sa gabing iyon. Bukod pa sa steak, um-order din siya ng mamahaling appetizer at pre-dinner wine kahit na um-order na si Darwin ng after meal wine. Pati na rin dessert ay iyong pinakabongga na ang pinili niya. Walang pakialam si Rachel kahit halatang namangha si Darwin sa kapal ng mukha niyang um-order dahil hindi siya ang magbabayad. Tutal ay hindi naman siya type nito, walang mawawala kung pagsasamantalahan niya ang pagkakataong iyon para matikman ang mamahaling steak at iba pang pagkain. "Akalain mo 'yon?" sabi niya nang umalis na ang waiter. "Small world, 'no? Sa dinami-rami ng tao sa mundo, tayo pa ang naging magka-blind date." "Yeah," sabi ni Darwin. "I still could not believe we'll meet again this way." Ngumiti siya. "Pero kung iisipin mo, 'no? Hindi pa talaga tayo magkakilala noong una tayong nagkatagpo nalaman na natin 'yong sitwasyon ng isa't isa. Nakakaloka." pero Halatang hindi ikinatuwa ni Darwin ang pagre- remind niya tungkol sa pagkabigo nila sa pag-ibig pero wala siyang pakialam. Wala naman kasi silang pag-uusapan kundi iyon dahil halata namang wala silang balak na mag- "getting to know each other." "It looks like we almost have the same fate," patuloy niya nang hindi magkomento ang binata. "Pareho tayong nagmahal, nasaktan, at nagpaulan ng bala sa target paper habang iniisip ang ex." Inaasahan niyang maaasar si Darwin pero sa halip ay tumaas ang isang sulok ng mga labi nito. It looked sarcastic though, na para bang gusto nitong sabihing ang corny niya. "Seriously speaking," patuloy ni Rachel, "pareho tayong iniwan, sinaktan, at galit na galit sa mga ex at taong ipinagpalit nila sa atin. Kaya siguro naisipan ng matchmaker na matched tayo. Kaya tayo ang ipina-date sa isa't isa." Parang noon lang na-realize ni Darwin ang tungkol sa bagay na iyon. Nagbuga ito ng hangin, ngumisi, at umiling-iling na para bang sinasabing, "Damn it." "Do they really think that because we're in almost the same situation, we'd want to be together?" "Siguro naisip nilang mas maiintindihan natin ang isa't isa kasi halos pareho tayo ng pinagdaraanan. You know, misery loves company." He snorted. "They think I'm this desperate to find a woman?" "Excuse me? Iniinsulto mo ba `ko?" Kumunot ang noo ni Darwin. "What?" She squinted at him. "Para kasing sinasabi mo na para patulan mo 'ko, kailangang maging desperado ka muna." "Ang ibig kong sabihin, iniisip nilang basta kapareho kong broken, papatulan ko na lang nang basta, like I'm desperate. Like iyon lang, sapat na para masabing matched tayo." Tumango-tango si Rachel. "I get your point. Kasi mukhang wala tayong pagkakapareho sa isa't isa kundi yon lang." "Precisely." "Baka pinagpapraktisan lang nila tayo." "What do you mean?" "Parang social experiment. Research for future matchmaking jobs. Kung magki-click ang tulad natin na total opposites ng personality pero parehong broken at may pinagdaraanan, gagawin na nila 'to sa mga susunod na clients nila." He looked amused. "Naisip mo talaga 'yan?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD