chapter 8

879 Words
RACHEL flipped her hair and walked like a lady in her red heels towards the entrance of a five-star hotel. Girl na girl kasi siya sa mga oras na iyon mula ulo hanggang paa. Sinadya niyang magpaganda nang husto. Sinadya rin niyang mag-show off nang kaunti sa bandang dibdib. Kailangan niyang i-flaunt ang kanyang asset-her jugs. Mahalaga na magustuhan niya ang huling lalaking ipapa-blind date sa kanya ni Jessica pero mahalaga ring magustuhan siya nito. Wala pang lalaking hindi nasilaw sa cleavage niya. Desidido si Rachel na subukang magustuhan ang lalaking imi-meet sa restaurant ng hotel na iyon dahil iyon na lang ang huli niyang pag-asa. Ang sabi kasi niya sa sarili, kapag hindi pa rin nagustuhan ang lalaking makikilala sa araw na iyon, ibig sabihin, hindi pa talaga siya puwedeng pumasok uli sa isang relasyon kaya magpapaka-single na muna siya hanggang sa kusang makakilala ng lalaking makakabihag ng kanyang puso. Nanghihingi siya ng sign. Deep inside, gusto naman talaga niyang ma-in love uli, bukod sa natatakot siyang mag-depreciate sa pagtuntong ng treinta nang single siya. Gusto niyang may maibalandrang boyfriend sa harap nina Carlo at Camille tuwing makikita ang mga hitad sa mga paborito niyang hangout places na finavorite na rin yata ng mga walanghiya. Pagpasok ni Rachel sa restaurant ay may receptionist na nag-welcome sa kanya at nagtanong kung ilan ang kasama niya. "I'm about to meet someone inside." Nang sabihin iyon ay pinapasok siya ng receptionist. Lumibot ang tingin niya sa buong sosyal na restaurant para hanapin ang guwapo at mestisong lalaking nakasuot ng charcoal gray suit at white dress shirt na may dalang bouquet of flowers, ayon sa text message na ipinadala ni Jessica. Naglakad si Rachel dahil may dividers ang restaurant. Hanggang sa may makita siyang bouquet of flowers na nakapatong sa isang mesa sa isang sulok at braso ng isang lalaking nakasuot ng charcoal gray suit. Ah, that's him, sabi niya sa isip. Hahakbang na sana uli siya para makalagpas sa divider pero hindi niya itinuloy dahil gusto muna niyang magdasal sa huling sandali. Lord, please. Let that man be my Mr. Right. Sana magustuhan niya ako at magustuhan ko rin siya. Sana masarap siyang kausap. Sana mabait siya, malambing, romantic, at malaki... ang puso. Sana 'wag niya akong lokohin at saktan. Sana hindi siya tulad ng gagong Carlo na 'yon na nagsawa nang mahalin ako after ten years. Sana walang expiration date ang pag-ibig niya. Sana 'wag niya akong iwan at maakit sa makating babae. Sana mahalin niya ako forever. Rachel exhaled and continued walking. Nang makalagpas siya sa divider, tumambad sa kanya ang mukha ng lalaking nakaupo sa likod ng mesa sa sulok. Nanlaki mga mata niya nang mamukhaan ang guwapong lalaki Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na handbag, Ang supladong lalaki sa firing range! TINAPUNAN ni Darwin ng tingin ang wristwatch. Ten minutes late na ang babaeng ka-blind date niya. Well, women typically came late. Pero hindi dapat sa unang date. At hindi dapat umabot ng ten minutes. Sa lahat ng babaeng naka-blind date niya previously, ito na yata ang pinaka-late dumating. Hindi pa man tuloy nakikita babae ay nabawasan na agad ang interes niyang makilala ito. Hindi alam ni Darwin kung ano ang kulay ng damit ka-blind date pero sinabi ni Liza nang makausap niya ito sa phone ang pangalan ng babae. "Rachel." Her name sounded like a typical socialite... just like Julia. Kaya siguro sinabi ni Gavin na kapag hindi pa rin niya nagustuhan ang sumunod na babaeng ipapa-date ay ewan na lang nito. It looked like they patterned this woman on Julia. Iniisip siguro ni Gavin na ang tulad lang talaga ni Julia ang makakakuha ng interes niya. Well, those women he met previously would have been more interesting than Julia. Had he met them in another time, they would have taken his interest. At this point, hindi niya alam kung anong klase ng babae ang makakakuha ng kanyang interes o kung mayroon mang magtatagumpay na magawa iyon. Nadaanan ni Darwin ng tingin ang babaeng nakatayo di-kalayuan sa mesa niya. Nakatingin ito sa kanya habang namimilog ang mga mata. The woman had wavy shoulder-length hair and a made-up face. She was wearing a provocative dress. Mababa ang neckline ng suot nito na hanggang itaas ng tuhod ang haba. Her chest was quite big. She was hot, yes. And wait... she looked familiar. Hindi nga lang niya maalala kung saan nakita ang babae. No. Hindi naman siguro ito ang ka-blind date niya. Kung confident si Gavin na magugustuhan niya ang huling babaeng ipapa-date sa kanya, siguradong hindi ganoon ang hitsura ng babaeng iyon. Well, the woman was pretty but she was not his type-at least physically. Darwin liked tall, slender women with medium-sized chest. This one could be five foot and four inches tall. Hindi kasama ang takong ng suot nitong heels. Hindi pang-fashion model ang built ng katawan ng babae pero puwedeng pang-lingerie model. Her chest was distracting. Hindi niya gusto ang mga babaeng may malalaking dibdib for some reason. Nagsimulang humakbang ang babae palapit sa kanya. Habang lumalapit ito, mas lumilinaw sa kanya ang hitsura nito. Wait... did she look familiar? Pinakatitigan niya ang babae hanggang sa huminto ito sa harap ng mesa niya. Kumurap-kurap pa ito na para bang hindi makapaniwala na nakikita siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD