CHAPTER 80 Bumalik si Isabella ilang sandali lang at ayaw na nitong umupo pa. Pinakiusapan ko na kung pwede, inumin na lang niya ang scotch sa kopita niya at pwede na kaming umalis. “Sigurado ka? Kung iinumin ko ito, uuwi na tayo?” “Oo naman. Deal.” Huminga nang malalim si Isabella. Halatang gusto na nitong makauwi kaya kahit pa alam niyang hindi niya alam kung anong lasa ng alak ay kinuha niya ang kopita at itinungga niya ang laman no'n. Halatang napaitan siya. Matapang naman talaga ang lasa ng scotch. Ngunit may kakaibang init na hagod niyon sa lalamunan. "Masarap hindi ba? Minsan lang mangyari ito, Isabella. Minsan lang tayo mag-inuman at maglasing. Bakit hindi pa natin totodohin?" "Ano? Hindi ba’t maayos naman ang deal natin? Iinom ako at uubusin ko ang laman ng kopita pero uuwi

