CHAPTER 81 Nakita ko siyang lumabas na sa hotel. “Hindi. Hindi siya dapat umalis. Bakit ganoon kabilis nawala ang bisa ng gayuma? Hindi pwede ‘to,” bulong ko sa aking sarili habang pinagmamasdan ko siyang napakapit sa isang poste sa labas na ng hotel. Tumitingin-tingin siya sa paligid na para bang gusto na niyang suungin ang malakas na buhos ng ulan. Hindi siya pwedeng uuwi. Kailangang may mangyari sa amin at bukas, iuuwi ko sa kanila. May plano na ako para mapilitan siyang magpakasal sa akin. Hindi pwedeng masira ang plano. Nakaramdam ako ng inis nang nakita kong hindi sa akin sumunod si Isabella. Ilang beses ko nang ginawa ang ganoong panunukso at lahat ng babaeng ginawan ko ng ganoon ay parang asong ulol na nasunod sa akin at hindi ako mahindian. Ngunit bakit ang babaeng ito, hind

