CHAPTER 82 Natatagalan akong maghintay na gumana ang ipinaamoy ko kay Isabella. Hindi ko na tuloy alam kung mabisa ba talaga ang gayuma o hindi kasi pakiramdam ko, hindi tinatablan si Isabella ng tulad ng inaasahan ko. Siguro, sadyang gusto lang ako ng mga babaeng pinanggamitan ko ito noon. Hindi totoo na may bisa ang binili kong pinaamoy para magayuma sila. Kung tutuusin, hindi ko naman kailangan ito dahil gwapo naman talaga ako ngunit gusto ko kasi yung pakiramdam na hinahabol ako. Ngunit itong kay Isabella, mukhang malabo at hindi mangyayari. “Kahit anong sasabihin mo, hindi ako sasama sa’yo,” nanginginig siya na para bang may pilit siyang nilalabanan. “Tara na sa taas, please? Responsibilidad kita, Isabella. Hindi kita pwedeng iwan at pabayaan dito kasi ako ang nagyaya sa’yo rito.

