“Ethel, ano’ng ginagawa mo riyan?” pasinghal na tanong naman ni Lester. Mabilis namang lumapit si Tita Ramona sa anak niya at inalalayan itong makatayo. “Addie?” gulat na usal ni Lester. “A-Anong ginagawa mo rito?” Matinding pagkagulat din ang bumalatay sa mukha ni tito at tita nang mapagtantong ako nga ang naririto ngayon. “Addie? Ano’ng ginagawa mo rito? Ikaw ba ang nanakit sa anak ko kaya siya nakasalampak sa lupa?” galit na tanong sa akin ni tita. Ngunit imbes na matakot gaya ng dati ay galit at paghihinanakit lang ang nararamdaman ko para sa kaniya ngayon. “Pa, paalisin ni’yo na po ang babaeng iyan. Kung ano-ano ang ibinibintang sa akin. Hindi naman totoo!” malakas ang loob na sumbong ni Ate Ethel. Sanay na siya sa ganitong gawain. Iyong isusumbong ako para mapahamak ako kina tit

