Chapter 1 The Cheating

3587 Words
Three Years Ago… “Aba! Mukhang masaya ka yata, Addie. Ano’ng meron?” napalingon ako sa kasama kong si Letty. Kasalukuyan na rin itong nagliligpit ng gamit niya dahil mag-aalas- singko na at malapit na ang out namin. Pareho kaming nagpa-part time job sa isang tindahan ng mga bag at pabango. Second year college na kami ni Letty at kasalukuyang kumukuha ng kursong nursing. “May date kami ni Lester mamaya. Masiyado na akong nagiging busy kaya napapabayaan ko na ang boyfriend ko. Marami pa namang umaali-aligid doon,” sagot ko. “Ewan ko ba naman kasi kung ano’ng nagustuhan mo sa lalaking iyon. Hindi naman guwapo, napakayabang pa. Akala mo kung sino! Mas guwapo pa nga iyong teacher natin sa Physics na si Sir Jacob. Hindi lang pogi, super hot pa!” malanding saad nito. Inirapan ko naman siya sa kaniyang sinabi. “Hindi mayabang si Lester. Malakas lang talaga ang personality niya kaya madalas ay napagkakamalang mayabang. Mabait naman siya saka–” “Addie, alam kong mahal mo si Lester. Pero sana naman ay imulat mo iyang mga mata mo. Pakiramdaman mo ang relasyon ninyo. Ikaw ang palaging nauunang mag-text o tumatawag. Ni hindi ka nga niya sinusundo o inihahatid man lang sa bahay ni’yo o maging dito sa shop. Sa school naman, mas madalas pa niyang kasama ang mga barkada niya kaysa sa iyo. Addie, he’s already taking you for granted!” bigla ay pangaral na naman nito sa akin. Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at lumunok. “Letty, busy lang kasi talaga ako kaya halos hindi na kami nagkikita. Alam mo namang iyong kinikita ni Lola sa mini sari-sari store niya ay kulang na kulang pa sa gastusin sa bahay. Siyempre iyong namang pag-aaral ko, kailangan ko talagang sagutin. Nahihiya na rin ako sa ibang mga auntie at uncle ko na nahihiraman namin ni lola kapag gipit na gipit na kami,” paliwanag ko naman. Marahas siyang nagbuga ng hangin at umikot pa ang mga mata. “Hindi naman iyan ang ibig kong sabihin, Addie. Ulila ka at halos kayod-kalabaw para lang matustusan ang pag-aaral mo pero kung makapag-demand ng time minsan iyang boyfriend mo, eh, wagas! Lalo na nitong nakaraang mga araw, napapadalas na ang pag-aaway ninyo. Aba, hindi naman puwedeng laging ikaw ang nag-a-adjust!” dagdag sermon na naman niya. Muli na naman akong napalunok at hindi nakaimik agad. “Halika na. Huwag na nating pag-usapan ang love life ko. Magiging okay din ang lahat. Mahirap lang talaga ngayon dahil binabalanse ko ang oras ko sa pag-aaral at trabaho,” yaya ko sa kaniya. Kapag hindi ko pa kasi puputulin ang aming topic ay mauuwi na naman sa mas mahabang panenermon mula sa kaniya. “Hay, ewan ko sa iyo, Addie! Huwag na huwag lang talagang magloloko iyang jowa mo at ako mismo ang kakalbo sa kaniya!” banta pa nito kaya natawa ako pero hindi na ako sumagot. Umiling na lamang ako at pagkatapos ay lumabas na kami ng locker room. Nanlalaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ng boyfriend kong si Lester. Tinatanong ko kung saan niya ako dadalhin ngayon for dinner, pero iba ang isinagot niya. “Ano’ng sabi mo?” tanong ko pa, dahil pakiramdam ko ay nagkamali ako ng dinig. “I want to kiss you…” ulit niyang sabi. Mapungay ang mga mata niya at halatang nakainom. “Lester, alam mong may lakad tayo, bakit ka uminom? Delikado ang mag-drive ng lasing,” nakasimangot kong paalala sa kaniya. Sumimangot naman siya at tumalim ang mga mata. “Tinatanggihan mo na naman ba ako? Halik lang, ayaw mo pa. Puro holding hands na lang ba tayo, AZ? Hindi na tayo mga high school. We are already adults and capable of doing adult decisions,” bigla ay asik niya sa akin kaya nagulat ako. “Lester, lasing ka lang kaya–” “Bullshit, AZ! Kung ayaw mo, bumaba ka na lang ng sasakyan at umuwi ka na sa lola mo. Ano’ng klaseng date ito? Pagkatapos kumain, uuwi na tayo? AZ, baka nakakalimutan mo, boyfriend mo ako. Gampanan mo naman ang tungkulin mo sa akin!” galit nang sigaw nito sa akin. Nagulat ako at lumunok ng ilang ulit. Nakokonsensya naman ako kasi nga halos wala na akong time para sa kaniya. “Sige na, sige na. Isang halik lang, ha? Tapos aalis na tayo. Nagugutom na rin kasi ako.” Sinadya kong lambingan ang boses ko para naman hindi na siya magalit pa. Sa tuwing magkikita kami ay lagi na lang kaming nag-aaway dahil hindi ko raw nagagampanan ang obligasyon ko sa kaniya bilang girlfriend. Lagi niyang isinusumbat sa akin na wala na akong panahon sa kaniya. Kinalas niya ang seatbelt niya at lumapit sa akin. Nalukot ang ilong ko nang maamoy ang alak sa hininga niya. Ayaw na ayaw ko talaga ang amoy ng alak. Nakatitig siya sa mga mata ko at hinaplos pa ang pisngi ko. Ngumiti ako kahit kinakabahan. Binasa niya ng dila ang mga labi niya saka unti-unting inilapat ang mga iyon sa mga labi ko. Pumikit ako dahil alam kong sa pagkakataong ito, hindi lang smack na gaya ng nakasanayan namin ang halik na gusto ni Lester. Kakaibang pakiramdam ang biglang nabubuhay sa katawan ko habang gumagalaw ang mga labi niyang nakalapat sa mga labi ko. Ito pa lang ang unang beses na maghahalikan kami ng ganito kaya hindi ko alam ang gagawin. “Hmm… ang sarap ng mga labi mo, AZ,” bulong niya at saka siniil nang mas malalim na halik ang mga labi ko. Nagulat ako kaya napakapit ako sa balikat niya. Tinugon ko ang mga halik niya sa pamamagitan nang paggaya sa ginagawa niya sa mga labi ko. Malakas siyang umungol dahil doon. Napangiti naman ako. Naramdaman kong nag-recline ang inuupuan ko kaya kinabahan ako. Huminto siya sa paghalik sa akin at tiningnan ang mukha ko. Sobrang bilis ng t***k ng puso ko at hindi ko alam kung ngingiti rin ba ako sa kaniya. “Do you love me, AZ?” nakangising tanong niya. Tumango naman agad ako. “Oo naman. Mahal na mahal kita,” tugon ko. Lumapad ang ngiti niya at muling tinudyo-tudyo ang mga labi ko. “I love you, too, AZ,” sabi niya at muling sinakop ang mga labi ko. Mas mapusok na ngayon ang mga halik niya at halos hindi na ako makasabay. May kung ano’ng init din ang gumagapang hanggang sa p********e ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito pero hindi ko alam kung bakit may takot ding umuusbong sa puso ko. Napadilat ako nang dumako ang kamay niya sa dibdib ko. Agad kong hinawakan ang kamay niya para pigilan nang akmang pipisilin niya ang dibdib ko. “L-Lester, huwag ganito…” kinakabahang pigil ko sa kaniya. “It’s alright, babe. I just want to feel you,” pabalewala niyang sagot. Lalo akong kinabahan nang hawakan niya ang dalawang kamay ko at ilagay sa ulunan ko. Pagkatapos ay sinimulan niya akong halikan sa aking leeg kaya dumoble ang kabang nararamdaman ko. “Wait! Lester, huwag! Ayaw ko ng ganito!” Nagpupumiglas na ako pero nakadagan siya sa akin at sadyang malakas siya. Itinuloy lang niya ang ginagawa habang hawak niya ang dalawang kamay ko. “Lester, ano ba! Sabing ayaw ko, eh!” galit ko nang asik sa kaniya. Ngunit hindi niya ako pinansin at muli ay pilit na hinuhuli ang mga labi ko pero iniiwas ko ang mukha ko. Ginamit ko ang buong lakas ko para mabitiwan niya ako. Nang magtagumpay ay isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kaniya. “Sabi na ngang ayaw ko! Bakit mo ba ako pinipilit?!” naiiyak sa galit kong sigaw sa kaniya. Pero pinanlisikan niya ako ng mga mata. Napaigik pa nga ako nang bigla niyang mahigpit na hawakan ang mga buhok sa likod ng ulo ko. “Ang arte-arte mo! Normal lang na ginagawa ito ng magkasintahan. Masiyado ka kasing nagpapaniwala sa lola mo kaya pati pag-iisip mo makaluma!” singhal niya sa akin at akmang hahalikan akong muli pero hindi ako pumayag. Itinulak ko siya kaya lalong nanlisik ang mga mata niya sa akin. Pero hindi ko siya pinansin at mabilis na binuksan ang pintuan ng kotse niya. “Mag-usap na lang tayo kapag hindi ka na lasing!” sabi ko at pabagsak kong isinara ang pintuan. Mabuti na lang at may taxi naman agad na paparating. Mabilis kong pinara iyon at sumakay. Doon na ako umiyak nang umiyak. Ngayon lang niya ako pinilit ng ganoon at alam kong nagawa lang niya iyon dahil lasing siya. Ngayon magagastusan pa ako dahil sumakay ako ng taxi. Usually, MRT, bus at jeep lang sinasakyan ko para makatipid. Pagdating ko sa gate ng bahay ay nakita ko agad ang pinsan kong si Ate Ethel. Gaya ng nakagawian ay naka-short ito ng maikli at naka-spaghetti strap na pang-itaas. “Hindi ka ba nilalamig diyan sa suot mo, Ate?” pansin ko agad sa kaniya. Pero umismid lang siya sa akin. “Huwag mo ngang pakialaman itong damit ko. Ikaw, iyang hitsura mo ang tingnan mo. Pinaiyak ka na naman ng boyfriend mo, ano? Sabi ko kasi sa iyong hiwalayan mo na iyon dahil halata namang hindi ka niya mahal!” tila may pang-uuyam na sermon niya sa akin. Nabigla naman ako sa sinabi niya. Akala mo naman talagang kilalang-kilala niya si Lester. “Hindi kami nag-away, Ate. Saka mahal ako ni Lester kaya hindi kami maghihiwalay. Lahat naman ng relasyon ay dumadaan sa pagsubok. Hindi ibig sabihin no’n, hiwalayan na agad,” kontra ko naman sa sinabi niya. Nginisian pa niya ako at iyong uri ng tingin niya ay makahulugan. “Tingnan natin. Kahit magpustahan pa tayo, pagsasawaan ka lang no’n, pagkatapos ay iiwan ka na lang sa tabi na parang basahan.” Mahihimigan pa rin ang pang-iinsulto sa boses niya. Gustuhin ko mang sigawan siya at ipaglaban ang sarili ko ay mas pinili ko na lang na tumahimik. Kilala ko si Ate Ethel, sa kahit na anong usapan ay hindi ito magpapatalo. “Sige na, Ate. Pagod ako. Maaga pa ako bukas,” paalam ko na lamang sa kaniya. Hindi naman siya sumagot at tinalikuran na ako. Pinanood ko pa ang matambok niyang puwet na parang sumasayaw habang naglalakad siya pabalik sa bahay nila. Bumuntong-hininga ako bago binuksan ang gate at tuluyan nang pumasok. “’La, nandito na po ako!” Tinanggal ko ang sapatos na suot ko at inilagay sa nakalaang lagayan. “Tamang-tama at kakain na tayo,” tugon nito. Kalalabas lang niya galing sa kusina kung nasaan ang hapag kainan. Si lola na lamang ang kasa-kasama ko sa buhay mula noong mamatay ang mga magulang ko may sampung taon na ang nakalilipas. Kasama nilang nasawi ang kuya ko noong mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang truck. Nagde-deliver ng mga saging at pinya sa karatig-bayan ang mga magulang ko noon. Dahil walang pasok ay sumama sa biyahe sa kanila si kuya. Naalala ko pang iyak ako nang iyak noon dahil gusto ko ring sumama kaya lang hindi pumayag si mama dahil nga hindi rin naman daw ako magiging kumportable roon. Isa pa ay magiging alagain lang daw nila ako o kaya baka maligaw lang ako kung sakali. Ngunit hindi ko akalaing iyon na pala ang huling pagkikita-kita namin. Sa edad na sampu ay naging ulila ako sa mga magulang at kapatid kaya si lola na ang nagpalaki sa akin. Ang nag-iisang kapatid naman ni papa na si Tita Ramona ay ayaw akong ampunin dahil nga hirap na raw sila sa tatlo nilang anak kaya hindi na nila kayang magdagdag ng isa pang palamunin. Si Lola Iska ang tumayong nanay at tatay sa akin. Mayroon siyang sari-sari store. May mga kapatid din si Mama na willing akong kunin at alagaan pero hindi pumayag si Lola. Ako na lang daw kasi ang natitirang alaala ni papa kaya kahit mahirapan daw siya ay igagapang niya ako para makapagtapos sa aking pag-aaral. Bilang ganti naman ay nag-aaral akong mabuti at nagtatrabaho rin para naman makatulong sa kaniya. Pagkatapos kumain ay nag-shower na ako at nagbihis. Dumiretso ako sa maliit kong kama at kinuha ang aking cellphone. Napasimangot ako na wala man lang tawag o chat si Lester. Hindi man lang ba siya magso-sorry sa ginawa niya? Nahiga ako at hanggang ngayon ay hindi pa rin makatkat sa isipan ko ang nangyari kanina. Ganoon na lamang ang takot ko dahil buong akala ko ay may mangyayari na sa amin ni Lester. Hindi pa ako handang isuko ang sarili ko sa kaniya. Naniniwala ako na dapat ay kasal muna bago gawin ang bagay na iyon. “O? Hanggang ngayon hindi ka pa rin kinokontak niyang boyfriend mo? Apat na araw na mula noong mag-away kayo, ah!” tawag-pansin sa akin ni Letty. Breaktime ngayon at mamaya pang ala-una ang susunod na klase namin. Hindi rin ako nakatiis at ikinuwento ko rin sa kaniya ang nangyari nang gabing iyon. “Hindi nga rin sinasagot ang mga tawag at chat ko,” malungkot ko pang sagot. “Pinuntahan mo na ba sa building nila? Baka naman may iba nang pinopormahan kaya nakalimutan na niyang may girlfriend siya?” bakas ang pagdududa kay Letty nang magtanong. Sa totoo lang, usap-usapan na rin sa campus na may nakakakita kay Lester na may kasamang isang babae na dinadala pa raw niya sa hotel. Dati-rati, kapag nag-aaway kami ay ako ang unang humihingi ng sorry kahit siya naman iyong madalas na may kasalanan. Pero iyong huling ginawa niya ay nakipagmatigasan na rin talaga ako. Pero mukhang kayang-kaya nga niya akong tiisin. Apat na araw na nga at hanggang ngayon ay wala man lang paramdam. Ni walang sagot sa mga tawag at chats ko. “Nakakahiya naman kasing pumunta roon. Baka isipin pa nilang masiyado akong control freak na girlfriend,” pag-amin ko naman. Marahas na nagbuga ng hangin si Letty at naniningkit ang mga matang tumingin sa akin. “Puwede ba, Addie, masiyado kang maganda para maging tanga,” asik niya sa akin at biglang tumayo kaya nagulat ako. “Ano’ng ginagawa mo?” napapatdang tanong ko. Hawak na niya kasi ang kamay ko at pinipilit akong tumayo. “Halika, puntahan natin iyang boyfriend mo! Para magkalinawan na kayo kung ano ba talaga–” Pero napahinto siya sa pagsasalita nang malingunan ang mga barkada ni Lester na masayang nagtatawanan. Ngunit kumunot ang noo ko dahil hindi nila ito kasama. “Iyan, tanungin mo iyang mga gagong kaibigan niya!” utos sa akin ni Letty at inginuso pa ang mga tinutukoy niya. “Parang nakakahiya naman,” may pag-aatubiling saad ko pa, pero tumayo na rin ako. “Jed!” Napasinghap naman ako nang tawagan ni Letty ang isa sa mga ito. Napalunok ako at biglang kinabahan nang dumako ang mga paningin nila sa amin. Sa umpisa ay may pagtataka nila kaming tiningnan pero nang lumaon ay lumapit na rin ang mga ito sa amin. “Letty! Bakit mo naman ako tinatawag sa kalagitnaan ng magandang araw? Yayayain mo ba akong kumain ng tanghalian?” nanunudyong tanong ni Jed kay Letty. Matagal na ring nanliligaw ito sa kaibigan ko pero ilang beses na rin siyang ni-reject ni Letty. “Asa ka! Nasaan si Lester? Himala at hindi ni’yo yata kasama?” mataray na tanong ni Letty. Tumaas naman ang kilay ni Jed at tumingin sa akin, iyong ibang mga kasama nila ay nakangisi rin habang nakatunghay sa amin. “Aba, ang alam ko, nagpunta siya kina Addie,” mabilis namang tugon ni Jed. “Oo nga. Kaya hindi sasabay sa amin dahil pumunta raw sa inyo. Mukhang may LQ yata kayo, eh!” natatawang sabad naman ni Harold. Napatitig naman ako sa kaniya at hindi makapaniwalang tiningnan siya. “Bakit naman siya pupunta sa amin, eh, alam niyang nandito ako sa school?” dudang tanong ko. Nagkibit-balikat naman ito. “Iyon ang paalam sa amin, eh. Mabuti pa umuwi ka o kaya tawagan mo para malaman natin kung naroroon ba talaga siya o ano!” katuwiran pa ni Harold. Halata din naman kasing hindi siya nagbibiro. Nagkatinginan kami ni Letty. Kumibot pa nga ang kilay ng kaibigan ko. “Sige. Tatawagan ko na lang.” Inilabas ko ang aking cellphone at tinawagan si Lester. Pero nakailang ulit na ako ay ‘cannot be reached’ pa rin naman. “Baka lowbat o empty na ang battery niya,” narinig kong komento ni Jed. Nakita niya sigurong hindi ko ito matawagan. “Baka nga. Sige, uuwi na lang ako saglit. Tutal alas-onse pa lang naman. Magkita na lang tayo sa classroom mamayang ala-una,” paalam ko kay Letty. Tumango lang ito at sinabihan akong mag-ingat. Nang marating ko ang bahay ay napangiti ako nang makita ang kotse ni Lester. Kaya lang ang ipinagtataka ko ay bakit sa tapat ng gate nina Ate Ethel nakaparada ang sasakyan niya? Hindi ko na pinansin iyon at dumiretso na ako sa loob ng bahay. Nagulat pa nga si lola nang dumaan ako sa tindahan niya. “Lola, nandito po ba si Lester?” agad kong tanong sa kaniya. Kumunot naman ang noo niya. “Aba’y hindi ko pa naman nakikita? Ikaw pa lang naman ang dumarating,” sagot nito. Baka nakita ni Ate Ethel kaya diyan na niya sa kanila pinatuloy. “Di bale na po, Lola, baka nandiyan siya kina ate Ethel. Nakaparada po kasi iyong sasakyan niya sa tapat ng gate nila.” Tumango naman ito. May sinasabi pa siya pero hindi ko na naintindihan pa. Excited na rin kasi akong makita si Lester dahil nga nami-miss ko na siya. Mabilis ko lang nabuksan ang gate at dumiretso na kina Ate Ethel. Kapag ganitong oras ay wala sina Tito at Tita dahil parehong nagtatrabaho sa City Hall. Si Kuya Erwin naman ay nagtuturo sa isang private school habang ang bunsong si Eddie ay nasa school. Si Ate Ethel kasi ay kaga-graduate lang ng BS in Hospitality Management at naghihintay ng tawag sa mga in-apply-an niyang trabaho. Kaya siguradong naririto rin siya. Nakailang katok na ako ay walang sumasagot kaya napilitan na akong buksan ang pintuan. Mabuti na lamang at hindi iyon naka-lock. Pagpasok ko ay wala ring tao sa sala. “Ate? Lester?” mahinang tawag ko sa kanila. Habang papalapit ako sa kuwartong nasa ibaba ay tunog ng palabas sa TV naman ang naririnig ko mula sa kuwarto ni ate Ethel. Bahagya pang nakaawang ang pintuan kaya doon ako unti-unting lumapit. Hahawakan ko pa lang ang seradura para sumilip sana sa loob ay nagimbal ako nang makarinig ng mga ungol ni Ate. Malakas iyong sound ng TV pero parang nakikipagsabayan din ang ungol niya. Biglang-bigla ay tumambol ang puso ko at agad akong kinabahan. Hindi ko tuloy alam kong itutuloy ko pa bang sumilip dahil mukhang alam ko na kung ano ang nangyayari sa loob. Pero kung– “f**k! Ang sarap mo, Ethel. Sige pa! ohh… ang galing mo, sige pa!” Napasinghap ako nang marinig ang boses ni Lester. Nanginginig ang mga kamay kong hinawakan ang pintuan at isinilip ang ulo ko sa maliit na awang. Madilim ang buong kuwarto at tanging ang liwanag mula sa nakaandar na TV ang nagbibigay ilaw roon. Pero huminto ang paghinga ko nang makita ang dalawang hubo’t hubad na katawan sa ibabaw ng kama. “s**t, Lester! Ahh… ahh…shit!” Sumisigaw na ungol ni Ate Ethel habang nasa ibabaw ni Lester at gumigiling ang balakang. Pareho silang nakapikit habang ang dalawang kamay ni Lester ay pumipiga sa puwitan ni Ate Ethel at halatang idinidiin ito sa kaniya. “Mga baboy!” Hindi ko na napigilang kumawala ang sigaw kong iyon dahil sa matinding sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na rin namalayang umaagos na pala ang mga luha ko. Nanlaki ang mga mata ni Lester nang makita ako at agad na itinulak si Ate Ethel na nasa iabbaw niya. “Aray, ano ba!” reklamo naman ni ate. Ang awkward pa nang puwesto niya sa kama habang si Lester ay mabilis na bumaba at sinamsam ang mga damit at isa-isang ibinabalik sa katawan niya. “Addie, I can explain!” natatarantang sabi nito sa akin at halos hindi maisuot ng maayos ang kaniyang pantalon. “Explain? At anong ie-explain mo? Na dahil hindi mo makuha ang gusto mo sa akin, kaya itong malandi at ahas kong pinsan ang tinitira mo?!” bulyaw ko sa kaniya habang umiiyak. “Hoy! Magdahan-dahan ka sa pananalita mo, Addie! Matagal na kaming may relasyon ni Lester at sumingit ka lang! Binabawi ko lang kung ano ang akin!” Napalingon naman ako sa sinabi ni Ate Ethel. “Shut up, Ethel!” singhal naman ni Lester sa kaniya. “At bakit? Sabihin mo na sa kaniya ang lahat, tutal makikipaghiwalay ka na rin naman sa kaniya, ‘di ba? Mas mabuti na ring malaman niya kung ano ang totoo!” walang pakundangang sambit pa ni Ate Ethel. “I said, shut the f**k up!” bulyaw na sa kaniya ni Lester. Pero hindi ko na matagalan ang nakikita ko kaya tumakbo ako palabas ng kuwartong iyon hanggang sa makalabas din ako ng gate. “Addie, come back here! Addie!” narinig ko ang malakas na boses ni Lester pero hindi ko na siya pinansin. Dumiretso ako sa bahay at kahit tinatawag ako ni Lola ay hindi ko na rin pinansin. Pumasok agad ako sa aking kuwarto at ini-lock iyon. Pagkatapos ay padapa kong ibinagsak ang katawan ko sa kama. Doon ay ibinuhos ko ang lahat ng sama ng loob ko sa nalaman ko ngayon araw lamang na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD