Chapter 2 Wildest Night

4420 Words
Nang sumunod na araw ay mugtong-mugto ang mga mata ko. Kahit gutom na gutom na ako ay hindi ako lumabas ng silid dahil nahihiya ako na makita ni lola ang hitsura ko. “Addie, apo, gising ka na ba? Hindi ka ba papasok? Tanghali na.” Napalingon ako sa may pintuan nang marinig ang boses ni lola. Gusto ko na namang maiyak pero pinigilan ko ang sarili. “Masama po ang pakiramdam ko, ‘la,” pagdadahilan ko. Muli pa akong napalunok dahil minamalat pala ang boses ko. “Aba, iba nga ang boses mo, ah? Buksan mo nga ito at nang matingnan ko ang lagay mo. Bakit ba kasi naka-lock ito ngayon, eh, tayong dalawa lang naman ang naririto sa bahay,” may halong sermon na utos ni lola. “Okay lang po ako, ‘la. Ayaw ko po munang bumangon kasi nahihilo ako. Lalabas na lang po ako mamaya kapag may gana na akong kumain,” muli ay pagsisinungaling ko. Hindi naman agad ito sumagot. “Sige. Magluluto ako ng tinola sa tanghalian para makahigop ka ng sabaw,” maya-maya ay sabi rin niya. “Thank you, ‘la. Tulog na po ako ulit,” kunwa’y paalam ko. Pagkaalis ni lola ay bumangon ako at tiningnan ang aking cellphone. Maraming missed calls at chats mula kay Lester pero wala akong balak buksan. Sa tuwing maalala ko ang nakakahindik na eksenang iyon ay nasusuka talaga ako. Mga taksil! Mga hayup talaga! Ngunit nabaling ang atensiyon ko nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko. Tumatawag na naman si Lester. Marahas akong nagbuga ng hangin at napagpasiyahang sagutin ang tawag. Siguro nga ay mas mabuting tapusin na namin ito ngayon. Kaya sinagot ko na lang. “Hello, Addie? Please, mahal talk to me,” pakiusap agad nito nang sagutin ko ang tawag. “Mag-break na tayo, Lester. Wala na tayong dapat pang pag-usapan!” diretsahang sagot ko. Muli ay parang pinipiga na naman ang puso ko. Kahit sabihin kong magpapakatatag na ako ay hindi ko pa rin maiwasan ang hindi masaktan. “No! Ayaw kong makipaghiwalay. Addie, please. Hindi ko na uulitin iyon, pangako! Please patawarin mo na ako, okay? Nandito ako sa labas ng bahay ninyo,” pakiusap pa niya. “Sabi ni Ate Ethel, talagang makikipaghiwalay ka naman na sa akin, ‘di ba? Puwes, maghiwalay na tayo ngayon din! At wala na akong balak makipagbalikan pa sa iyo pagkatapos ng nakita ko. At umalis ka na dahil–” “Addie, naman. Mag-usap tayo ng matino. Hindi ganito, okay? Second chance lang naman ang hinihingi ko. Please, Addie!” putol pa niyang pagsusumamo sa akin. Ngunit mabilis akong umiling. “Umalis ka na, Lester. Magpakasaya na lang kayo ni ate. Wala na akong pakialam sa inyo. Gawin ni’yo kahit ano’ng gusto ni’yo!” pinal kong saad at pinatay na ang tawag. Tumatawag siyang muli ngunit binitiwan ko na ang cellphone ko at ibinagsak ang katawan sa maliit kong kama. Muli na naman akong nag-iiyak. Tinatanong ko talaga ang sarili ko kung ano pa ba ang kulang sa akin? Dahil ba sa ayaw kong pumayag makipag-s*x sa kaniya ay hahanapin na niya iyon sa iba? Saka alam ba nina tito at tita ang ginagawa ni Ate Ethel? Doon pa talaga mismo sa bahay nila? Yuck lang talaga! Bandang hapon na ako nakalabas ng kuwarto. Nakaligo na ako at hindi na rin masiyadong halata ang pamumugto ng mga mata ko. Naiiyak ko na lahat, kaya tama na iyon. Hindi na ulit ako iiyak dahil sa walang kuwentang lalaking iyon! “Apo? Kumusta na ang pakiramdam mo? Gusto mo na bang kumain?” sunod-sunod agad na tanong sa akin ni lola, saka kinapa ang noo ko. Tumango naman ako at tipid na ngumiti sa kaniya. “Sige po, ‘la. Salamat po.” Naupo na ako at tulalang tumitig sa kawalan. Ipinainit naman ni lola ang tinola saka inihain. Pinilit ko ang sariling kumain kahit wala akong gana. Pagkatapos niyon ay nagbihis na ako para sa pagpasok ko sa aking trabaho. Ngunit paglabas ko ng gate ay palabas rin ng gate nila si Ate Ethel. Sinikap kong bilisan ang paglalakad at huwag siyang tapunan ng tingin. “Hoy, Addie! Mag-usap tayo!” tawag niya sa akin. Napahinto ako sa paglalakad pero hindi ko siya nilingon. “Wala akong sasabihin sa iyo,” pabalang ko agad na sagot at magpapatuloy na sana sa paglalakad pero mabilis siyang humarang sa daraanan ko. “I see. Mukhang tanggap mo na agad kung ano ang dapat. Para sabihin ko sa iyo, mas nauna kaming nagkakilala ni Lester. Pero bigla kang sumingit kaya–” “Alam mo, ate, wala akong pakialam. Isaksak mo si Lester sa baga mo at magsama kayo! Wala akong paki. Kaya huwag ni’yo na akong guluhin pa. Sabihan mo rin siya na huminto na sa katatawag at kacha-chat sa akin kasi kahit ano pa’ng gawin niya, hindi na ako makikipagbalikan sa kaniya. Na-realize ko lang na hindi ang katulad niyang pumapatol sa isang cheap ang worth it para sa akin!” salag ko agad sa gusto niyang ipamukha sa akin. Agad namang umasim ang mukha niya at tumalim ang mga mata niyang nakatingin sa akin. “At mayabang ka pa, ha? If I know, ilang drum ng luha ang ibinuhos mo dahil sa sama ng loob. Huwag kang magkunwaring hindi ka affected dahil kilalang-kilala kita, Addie. As if naman ang isang katulad mo lang ang nababagay sa kaniya?” ganting pang-iinsulto niya sa akin. Pero hindi ko alam kung bakit ako biglang natawa. “Alam mo, Ate Ethel, mataas ang respeto ko sa iyo dati, eh. Pero iyong ikaw pa itong matapang kahit alam nating ikaw ang nang-ahas ng boyfriend, biglang nawala lahat ng respeto ko para sa iyo. At least, kahit magharap pa kami ni Lester, proud ako na hindi kami lumampas sa mga dapat lampasan. Eh, ikaw? Sixteen ka pa lang noong mawala mo ang dangal mo dahil sa kalandian mo, ‘di ba?” hindi ko na napigilang ipamukha at isumbat sa kaniya. Sino siya sa palagay niya para insultuhin ako gayung siya na nga ang nanakit sa damdamin ko? Magpinsan kami pero wala man lang siyang delikadesa. At boyfriend ko pa talaga ang inahas. “Talagang bastos ka ring babae ka, eh ano?” singhal naman nito sa akin. Akmang sasampalin niya ako pero mabilis kong nahawakan ang kamay niya. “Wala kang karapatang sampalin ako. Saka huwag mong ipadadapo sa akin iyang marumi mong kamay! Ano kaya’ng sasabihin nina tito at tita na iyong anak nila, hindi lang mang-aahas ng boyfriend, sawsawan pa ng bayan!” marahas kong binitiwan ang kamay niya kaya muntik na siyang mawalan ng balanse. Mabilis ko siyang tinalikuran at humakbang na papalayo. “Hoy, ipokrita! Akala mo naman hindi ko alam na ikaw ang habol nang habol kay Lester pero hindi ka naman niya sineseryoso!” pahabol pa niyang sigaw sa akin pero hindi ko na siya pinansin pa. Dama ko ang matatalim niyang mga mata na nakatingin sa akin kahit hindi ko nakikita. Noong may dumaan na tricycle ay agad ko itong pinara at sumakay. Pagdating ko sa trabaho ay doon ko na ibinuhos ang kinikimkim kong sakit at sama ng loob. Mabuti na lamang at wala pa kaming kliyente kaya malaya ko pang mailalabas ang pait na nararamdaman ko. Kahit pala sinabi ko nang hindi na ako magiging affected, meron at meron pa rin palang sakit sa dibdib kapag ipinapamukha na sa akin ang lahat. Kasalanan ko ba talaga kaya bumaling sa iba si Lester? Kailangan ba talaga na kapag mag-boyfriend ay ibigay mo na rin sa kaniya ang lahat-lahat? “Addie, ano’ng nangyari?” Umangat ang mukha ko nang marinig ang nag-aalalang boses ng kaibigan ko. “Letty, wala na kami ni Lester. Nahuli ko siyang nakikipag-s*x sa pinsan ko,” umiiyak kong sumbong sa kaniya. Agad bumalatay ang matinding gulat sa mukha niya. “Ano? Paano mo nahuli? I mean saan nila ginawa?” hindi makapaniwalang usisa niya. Naiyak na naman ako nang alalahanin ang tagpong iyon na dumurog sa puso ko. Isinalaysay ko sa kaniya ang lahat mula umpisa hanggang sa pangungulit sa akin ni Lester at pang-aaway ni Ate Ethel kanina. “Naku! Kaya hindi ko talaga bet iyang pinsan mong iyan kahit noon pa. Naalala mo noong sinasabi ko sa iyong kakaiba iyong mga tingin niya sa boyfriend mo? Naalala mo iyon noong birthday ng lola mo?” paalala naman niya. Saglit akong nag-isip at tumango. “Sana pala nakinig na lang ako sa iyo noon. Mabuti na lang din talaga at hindi ako pumayag makipag-s*x sa kaniya kahit ilang beses niya akong pinipilit. Hindi nga siya ang karapat-dapat na pagbigyan ko ng puri ko. Napakawalang kwenta niyang lalaki. Papatol na nga lang sa iba, doon pa sa pinsan kong haliparot na iyon! Nakakadiri sila!” paghihimutok ko at muli na namang umiyak. Iniwan ako ni Letty nang may dumating na customer. Naghilamos naman ako at inayos ang sarili. Nasa oras kami ng trabaho kaya hindi ko dapat dalhin dito ang personal kong problema. Lumipas pa ang ilang mga araw. At kasabay niyon ay ang araw-araw din na pangungulit sa akin ni Lester, sa school at maging sa bahay. Pero sinabihan ko si lola na huwag na huwag siyang papasukin. Hindi ko pa sinabi kay lola ang totoong nangyari. Basta ang sabi ko lang ay hiwalay na kami ni Lester. “Addie, nagyayaya ang mga kaklase natin na magparty-party sa Primus Bar. Ano, sama ka? Saka wala namang klase bukas kaya mag-enjoy naman tayo!” Nilingon ko si Letty. Bakas ang excitement hindi lang sa boses niya kung hindi mas lalo sa mukha niya. Napaisip naman ako sandali. “Eh, wala akong sobrang pera, eh. Nakakahiya naman kung wala akong maiambag kung sakali,” nag-aatubiling sagot ko. Napakamot naman siya sa ulo niya. “Huwag mo nang alalahanin iyon kasi sasagutin daw ng mga boys ang bill. Tapos birthday pa ni Alfon, kaya wala tayong gagastusin. Sige na sumama ka na,” pilit pa niya sa akin. Tumingin pa ulit ako sa mukha niya saka bumuntong-hininga. “Sige, susubukan kong makapagpaalam kay lola mamaya. Ipanalangin mo na pumayag siya,” natatawang tugon ko naman. Bahagya pa siyang sumimangot at napalabi. “Papayag iyon! Ay, alam ko na, ipapaalam na lang pala kita. Tapos sasabihin ko, doon ka na sa bahay matutulog,” suhestiyon niya. Nagliwanag naman ang mukha ko at agad na tumango. Close si Letty sa lola ko at kapag ito ang nagpapaalam para sa akin ay pumapayag agad si lola. Kasama kasi ni lola sa church ang parents ni Letty kaya kahit papaano ay medyo close sila. Gaya nga ng inaasahan namin ay madali lang napapayag ni Letty si lola. Ang hindi ko lang nagustuhan ay nagsinungaling siya at sinabing may gagawin kaming project kaya doon ako sa bahay nila matutulog. Ayaw na ayaw ko namang nagsisinungaling kay lola. Kaya lang wala ng chance bawiin ang sinabi ni Letty dahil baka sa susunod ay hindi na maniwala si lola. “Bakit kasi nagsinungaling ka pa? Dapat sinabi mo na lang kay lola iyong totoo, eh!” maktol ko habang nakasakay na kami ng tricycle papunta doon sa bar. Ang Primus Bar ay nasa bayan. Fifteen minutes mula sa bahay namin kapag ganitong tricycle ang sasakyan. “Hayaan mo na, ngayon lang naman! Basta magpapakalasing tayo ngayon. Kalimutan mo muna iyang boyfriend mong–” “Ex-boyfriend!” pagtatama ko agad sa kaniya. “Bakit? Sure ka ba na hindi na talaga kayo magkakabalikan pa? Naku, if I know, mahal mo pa rin ang Lester na iyon. Tapos todo effort pa ngayon sa pagsuyo sa iyo,” tugis naman niya sa akin. Napalunok ako. Sa totoo lang, kitang-kita ko rin naman talaga iyong sincerity sa effort ni Lester para lang patawarin ko siya at tanggaping muli. Pero kaakibat din no’n ay ang sakit sa tuwing maalala ko ang ginawa nila ni Ate Ethel. Mula nang mangyari iyon ay hindi na ako muling tumuntong pa sa bahay nila. Kahit noong mag-celebrate ng birthday si tito noong isang araw ay nagdahilan akong hindi makakauwi dahil may tatapusin akong reports. Naiirita pa rin ako kapag nakikita ko ang pagmumukha ni Ate Ethel. Nadidiri rin ako sa kaniya dahil para siyang mauubusan ng lalaki. Lahat na lang pinapatos basta guwapo. “Ikaw ba, Letty, sa palagay mo ba ay karapat-dapat pa siyang bigyan ng isa pang chance?” mahina kong tanong. Nahihiya kasi ako dahil baka marinig ng driver ang pinag-uusapan namin. “Well, araw-araw ka niyang sinusuyo sa school at halos bantayan ka na rin niya sa trabaho. Kahit napapahiya na siya sa kahahabol sa iyo, hindi pa rin siya tumitigil. Siguro nga puwede mo siyang bigyan ng chance kapag talagang hindi na niya uulitin,” komento naman nito. Hindi ako nakaimik at bumuntong-hininga lang. Pagbaba namin ng tricycle ay nakita na namin sa labas ng bar ang mga kaibigan namin. Binati agad kami ng mga ito nang mamataan kami. “Bakit nandito kayo sa labas? Hindi ba puwedeng doon sa loob maghintay?” tanong ni Letty kay Gino. “Hinihintay namin si Alfon dahil dito pa lang, babatiin na natin siya. Nando’n kay Hannah iyong cake,” Nilingon naman namin ang inginuso niya. Napangiti naman kami nang kumindat si Hannah at bahagya pang itinaas ang hawak niyang cake. Nakatago siya sa may gilid ng pintuan. Maya-maya lang ay dumating na ang kotse ni Alfon. Tama, may sariling kotse si Alfon kasi nga anak mayaman. Magdo-doktor ito kaya kumukuha ng nursing na course. “Happy birthday!” sabay-sabay naming bati nang ganap na siyang makababa sa sasakyan niya. Masayang-masaya naman itong ngumiti sa amin. Doon lumabas si Hannah dala ang cake na may nakasindi na ring kandila. Napapatingin at napapangiti pa ang lahat ng mga dumaraan at pumapasok sa bar habang kumakanta kami ng birthday song. “Thanks, guys!” pahayag ni Alfon bago hinipan ang kandila. Sabay-sabay na kaming pumasok sa bar at iyong mga kasama ni Alfon ay may mga inilabas na mga pagkain mula sa sasakyan niya. Tatlong lamesa ang pinagdugtong-dugtong para magkasya kaming lahat. Habang lumalalim ang gabi ay mas umiingay ang buong paligid. Na-fully book ang buong bar at kahit marami pang nagdadatingan kanina ay wala na rin talagang mapagpupuwestuhan. Ramdam ko na rin ang pagkahilo dahil medyo naparami na rin iyong naiinom ko. Mas malala nga lang itong si Letty na ginagawa na yatang tubig ang alak. Ayaw na rin paawat sa kakakanta mula pa kanina. “AZ, kayo na ba ulit ni Lester?” maya-maya ay tanong ni Gino kaya kumunot ang noo ko. Nagkibit-balikat naman ako. Sa totoo lang pinag-iisipan ko pa rin iyong sinabi ni Letty kanina habang papunta kami rito. “Ewan ko kung makikipagbalikan pa ako sa kaniya. Pinag-iisipan ko pa,” pag-amin ko. Tumawa naman siya at umiling. “Huwag ka nang makipagbalikan doon,” sagot naman nito kaya lalong kumunot ang noo ko. “Bakit naman?” nagtatakang tanong ko. Nakipagpalitan siya ng upuan kay Hannah kaya magkatabi na kami ngayon. “May ipapakita ako sa iyo. Kase-send lang ni Kuya Marky,” bulong niya sa akin. Hindi naman ako nagsalita at tiningnan ang ipinapakita niya sa cellphone niya. Abala ang iba kaya hindi nila kami napapansin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang pasilyo ng hotel. Ngunit ang nagpakabog sa dibdib ko ay nang makilala ko kung sino ang halos magkayakap na habang tila naghahanap ng room number nila – sina Ate Ethel at Lester. Mabilis na itinago ni Gino ang cellphone niya nang lumapit sa gawi namin si Letty. Kagagaling nito sa restroom. “Room 227 daw sila sabi ni Kuya,” bulong niya sa akin saka ako iniwan. Nagtagis ang mga ngipin ko at tila ramdam kong lalo ang epekto ng alak sa utak ko. Napuno ng galit ang buong sistema ko. Biglang-bigla ay gusto ko silang sugurin. “Addie? Bakit?” tanong sa akin ni Letty nang bigla akong tumayo. Bahagya pa nga akong sumuray nang subukan kong humakbang. “CR lang ako,” kaila ko at makahulugang tiningnan si Gino. Tila naunawaan naman nito ang ibig kong sabihin kaya tumango ito. Pasimple akong lumabas ng bar. Dama ko ang hilo ko pero mas ramdam ko ang matinding pagpupuyos ng dibdib ko. Kung kelan pinag-iisipan kong patawarin ang lintek na Lester na iyon, nasa hotel na naman pala ito kasama ang malanding pinsan ko. “What do you want? Puntahan natin?” alok agad sa akin ni Gino nang makalapit na ako sa kaniya. “Uminom ka muna ng tubig? Ang pula-pula ng mukha mo,” dagdag pa niya at iniaabot sa akin ang bottled water. Tinanggap ko naman iyon at agad na ininom. “Hindi na, ako na lang ang bahala. Huwag mong sasabihin sa kanila, ha? Saan nga pala iyong eksaktong lokasyon ng hotel?” Tumaas ang kilay niya sa akin at natawa pa nga. Sa huli ay ibinigay rin niya sa akin ang itinatanong ko bago bumalik sa loob. Ibinilin kong sabihin na lang niya kay Letty na nauna na akong umuwi. Pagdating ko sa Hotel ay sinabi kong naghihintay sa akin ang kasama ko sa room 227. Mabuti na lang at hindi sila nagduda at pinayagan akong makaakyat sa palapag kung nasaan ang hinahanap kong kuwarto. Hindi ko rin maintindihan kung bakit parang lalong umiinit ang katawan ko. Dahil kaya sa dami ng alak na nainom ko? "Hi, Miss! Where are you going?" nahihilo man ay nilingon ko ang pinanggalingan ng boses. Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko nang makitang napakaguwapo nito at may magandang mga ngiti. Hindi ko alam kung dala ba ng matinding kalasingan dahil sa sama ng loob o ano pero kusang sumilay ang ngiti ko para sa kaniya. "Hoy, pogi, alam mo ba kung nasaan ang room 227 dito? Pupuntahan ko lang iyong gagong boyfriend ko na hiniwalayan ako para lang doon sa malanding pinsan ko!" dire-diretsong tanong ko sa kaniya. Bigla pa akong sumuray mabuti na lang at mabilis niya akong nasalo. Kung hindi ay baka napilayan ako. Hindi ko alam kung paano nangyari at napapayag ako ng estrangherong lalaking ito sa nais niya. Natagpuan ko na lang ang sarili na nasa isang napakagandang silid at panay ang ungol dahil sa ginagawa niya sa akin. Pareho na kaming hubo’t hubad maliban sa natitira niyang boxer at totoong nag-eenjoy ako sa mga haplos at halik niya sa iba’t ibang bahagi ng katawan ko. Ngunit napanganga ako nang tumayo siya sa harap ko at mapadako ang tingin ko sa nakabakat na nagmamalaking ari niya. Buhay na buhay iyon at para pang gusto nang kumawala sa natitirang saplot na tumatakip sa kaniya. "Huwag mong masiyadong titigan. Iyang titig mo, parang gusto mo na itong hawakan, ah," pilyong sambit niya. Bumangon ako pero ang mga mata ko ay nakatutok lang doon. "Puwede ba?" tanong ko. Para kasing masarap hawakan iyon. "f**k!" I heard him groaned and came to me. Suminghap ako nang tuluyan na niyang hubarin ang huling saplot at nagmamalaking kumawala ang p*********i niya. "Please. I want to touch it," hilong-hilo na ako pero malinaw ang gusto ko. Lumapit naman siya sa akin kaya kusang umangat ang dalawang kamay ko. Ikinulong ko sa palad ko ang malaki at mahaba niyang ari. Makinis ang balat niyon pero napakatigas at pumipintig. "Damn! Move your hands, baby," pakiusap niya. Hindi ko alam kung dala ba ng kalasingan o pag-iinit ng katawan ko pero tuwang-tuwa akong sinunod ang sinabi niya. Sunod-sunod siyang nagmura nang simulan ko siyang himasin pataas-pababa. Tila lalo iyong tumitigas at lumalakas ang pintig. Nararamdaman ko naman ang kiliti sa p********e ko dahil sa ginagawa ng kamay ko sa kaniya. Shit! I want you now," umatras siya kaya nabitiwan ko ang kaniyang p*********i. Muli niya akong inihiga sa kama saka umibabaw sa akin. Sinibasib niya ako ng halik at tinugon ko naman agad. Tumindi ang init na nararamdaman ko dahil sa mga kamay niyang humihimas at pumipisil sa iba't ibang bahagi ng katawan ko. "Hindi ko na kaya. Please, I want to take you now," pagsusumamo niya at halos mabasag pa ang boses niya. Tumango lang ako dahil init na init na ako at parang may gustong maabot ang katawan ko. Ngunit nanlaki ang mga mata ko at napasigaw ako ng malakas nang ipasok niya ang p*********i niya sa akin. Para akong hinati sa dalawa at sa sobrang sakit ay para akong mawawalan ng malay. "You're a virgin? f**k!" I heard him curse multiple times, but I could feel his length and thickness still making its way deeper inside me. His hard and big c**k is stretching my tight walls painfully. “Huwag kang gagalaw, please…” mahinang pakiusap ko. Ang laki pala talaga no’n at tila kaunting galaw lang niya ay parang mawawasak na ang ibabang bahagi ng katawan ko. “Ahh…” malakas kong daing na may halong singhap nang bawiin niya ang p*********i niyang nakabaon sa akin. “Bakit hindi mo sinabing birhen ka? f**k! I do one night stand, but not with an innocent lady like you!” tila galit niyang saad. Kahit ramdam ko iyong hapdi sa p********e ko ay ayaw kong tumigil siya. Gusto ko lang na ituloy niya ang ginagawa. “Please… don’t stop,” lakas-loob kong pakiusap. Hindi ko rin alam kung saan nanggagaling ang lakas ng loob ko. Kung dahil ba sa espiritu ng alak o sa paghahangad kong makalimot sa ginawa sa akin ni Lester, hindi ko alam. I just want him to continue. “What? Sure ka ba? I think you’re a nice lady. Sorry kung sinamantala ko ang–” Napahinto siya sa pagsasalita nang hawakan ko ang kamay niya at hilahin siya pabalik sa akin. “Pangit ba ako?” naluluhang tanong ko. Nanlaki naman ang mga mata niya at agad na umiling. “No! Of course not! Ang ganda-ganda mo nga kaya naakit agad ako sa iyo,” mabilis naman niyang tanggi. “Kung gano’n, bakit ako ipinagpalit ng boyfriend ko sa pinsan ko? Pati ikaw, ayaw mo na ring ituloy iyong…” huminto ako sa pagsasalita dahil bigla akong naasiwang banggitin iyon. “That’s not the reason why I stopped. Tumigil ako dahil hindi mo deserve ang ganito,” paliwanag naman niya. Pero parang may ulap sa utak ko at hindi masiyadong tumatanggap ng paliwanag ang isip ko. Hindi ko rin maintindihan talaga kung ano’ng nangyayari sa akin. “Just do it. Gusto kong maramdaman kung paano maging tunay na babae,” matigas kong utos sa kaniya. Natigagal naman siya lalo na nang ibuka ko ang dalawang hita ko sa harapan niya. “f**k this! I hope I won’t go to hell for this.” Bumalik siya sa puwesto niya kanina at dahan-dahang ipinasok ang alaga niya sa akin. Napangiwi ako dahil muli kong naramdaman ang pagpuno niya sa akin. “After this night, I will make you mine,” narinig kong bulong niya at nag-umpisa nang maglabas-masok ng banayad sa akin. Noong una ay talagang naiiyak ako sa kirot ng bawat pagpasok niya sa kasikipan ko. Pero dahil sinasabayan niya iyon ng paghalik sa mga labi ko at banayad na pagmasahe sa dibdib ko ay unti-unting nawawala ang sakit. Hanggang sa masanay na ako sa kaniya, at lalong maging basa ang loob ko. “I will go faster now, baby…” Tumango naman ako. Inilubog niya ang mukha sa leeg ko at humalik doon saka nakakakiliting dinilaan ang balat ko. “Ohh, ahh… ahh…” napapahalinghing ako dahil napupuno ng kilabot ang puson ko dahil mayroon siyang tinatamaan sa loob ko. Masarap iyon at tila naghahatid ng kakaibang sensasyon sa p********e ko. Hindi ko kailanman naramdaman ang ganito kay Lester. “God! You’re too tight for me, baby,” mabangis niyang ungol at lalo pang bumayo ng mas mabilis. Napapasigaw na ako dahil sa pinaghalong kirot at sarap. Kanina, habang hinahalikan niya ako ay para akong napapaso at may kung anong init ang bumabangon sa katawan ko. At ngayong umabot na kami sa ganito ay para naman akong mababaliw sa sarap. “Ahh… ohh… ohh…” hindi na ako magkamayaw sa pag-ungol dahil para akong naiihi na ewan. Parang may sasabog sa sinapupunan ko na hindi ko alam kung paano kokontrolin, o kung makokontrol ko ba talaga ito. “Damn! You’re squeezing me so tight. I think you’re coming! Sabay tayo!” malakas din niyang ungol at binilisan pa ang mga pagbaon at paghugot niya. Halos titirik na yata ang mga mata ko at talagang napapasigaw ako sa nagbabadyang isang masarap na pagsabog. Bumaon ang mga kuko ko sa likod niya at namilipit kahit ang mga daliri ko sa paa. Maging ang paghinga ko ay tila mapupugto at mariin ding nakapikit ang mga mata ko. Sabay naming pinuno nang mahahabang ungol at halinghing ang buong silid nang magkapanabay naming abutin ang kasukdulan. Magkahinang ang mga labi namin at magkasalikop ang mga kamay. Nanginig pa siya sa ibaba ko nang ibuhos na niya ang lahat sa loob ko. Damang-dama ko iyon bago ako tuluyang hinila ng matinding pagkaantok at nakatulog. Nagising ako kinaumagahan na parang minamaso sa sakit ang ulo ko. Pakiramdam ko ay para akong lalagnatin na hindi ko maipaliwanag. Ngunit lalong nagising ang diwa ko nang direktang tumama ang malamig na hangin sa katawan ko. Doon ko pa lang napagtantong nakahubad ako. Nanlaki ang mga mata ko at agad iginala ang paningin sa buong paligid. s**t! s**t! Ano’ng nangyari sa akin? “Ahh…” napadaing ako nang maramdaman ang pagkirot ng p********e ko. Napalingon ako sa tabi ko at lalo akong nagimbal nang makita ang estrangherong lalaki. Kahit sobrang sakit ng ulo at katawan ko, lalo na ang p********e ko ay dali-dali akong bumaba ng kama. Nakakalat ang mga damit namin sa sahig kaya isa-isa kong pinulot ang akin at isinuot. Nanginginig ako sa matinding kaba. Dama ng katawan ko ang nangyari ngunit hindi gaanong maalala ng isip ko. Nang ganap na makapagbihis at maisuot ang bag ko ay muli kong nilingon ang nahihimbing na lalaki sa kama. Ang guwapo-guwapo niya! Shit! Inalis ko ang tingin sa kaniya at nagmamadaling lumabas ng silid. Paglabas ko ng hotel na iyon ay agad akong pumara ng taxi para makauwi. Habang nasa biyahe ay ibinuhos ko ang lahat ng luha at sama ng loob ko. Naipagkaloob ko ang sarili sa isang lalaking hindi ko kilala. Ano’ng nangyari at nauwi ako sa ganitong kalagayan? Tinakpan ko ang mukha ko at humagulgol nang humagulgol. Ano na lang ang sasabihin ni lola at ng mga kamag-anak namin kapag nalaman nila ito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD