Paglabas ko ay walang tao sa sala, pero may naririnig akong ingay mula sa labas. Noong may pumasok na katulong na may dalang tray na walang laman ay sinalubong ko siya. “Ate Precy, nasaan po sina Ma’am?” magalang kong tanong. Ngumiti naman ito sa akin. “Nandoon sila sa may garden, sa tabi ng pool. Nagba-barbecue party sila. Kararating lang din nina Ma’am Ashnea at Sir Marcus,” sagot naman nito. “Sige, salamat po, ate. Punta na ako doon,” paalam ko. Tumango lang siya at dumiretso na sa kusina. Malakas na tawanan ang sumalubong sa pandinig ko habang papalapit ako sa malaking swimming pool. Grabe ang laki din ng bahay na ito, samantalang si Ma’am Marinelle saka iyong apat na katulong lang naman ang kasama niya. “Addie, join us! Maraming dalang pagkain sina Marcus!” tawag agad sa akin n

