Kinabukasan ay maaga akong naligo at nagbihis. Inihanda ko na agad ang gamot ni Ma’am Marinelle para eksakto sa breakfast niya mamaya. Makalipas lang ang tatlumpong minuto ay lumabas na rin ng kani-kaniyang silid sina Ma’am Marinelle at Ma’am Melinda. “Good morning po,” magalang na bati ko agad sa kanila. Tumango at ngumiti naman sila sa akin. “Good morning, hija! Si Marco, gising na ba?” tanong ni Ma’am Marinelle sa akin. “Hindi ko pa po siya nakikita, Ma’am,” sagot ko naman. Tumango-tango lang siya at niyaya na kami sa dining area. “Precy, umalis na ba ang Sir Marco mo?” tanong ni Ma’am Marinelle nang makaupo na kami. “Lumabas po kanina. Baka magja-jogging po iyon, Ma’am,” sagot naman ni Ate Precy. “Mauna na tayong kumain at marami pa tayong gagawin, ate,” sabi naman ni Ma’am Me

