Napapiksi ako at mabilis na umusod palayo sa kaniya. Kasunod niyon ay pinukol ko siya ng masamang tingin. “Nandito lang tayo para mag-usap. Kaya kung ano man iyang binabalak mo, magtigil ka. Hindi ako mangingiming gulpihin ka rito!” asik ko sa kaniya. Natawa naman siya kaya lalong nalukot ang aking mukha. “Gusto ko lang namang tumabi sa iyo, kaya lang ito namang kamay ko, eh, kusang mapagdesisyon. Napapahawak sa iyo,” palusot pa niya, kaya inirapan ko siya. “Huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa. Sabihin mo na sa akin ang lahat. Paanong nangyaring magkasama tayo sa… basta alam mo na iyon. Paanong nangyari ang lahat ng iyon?” pasumbat na tanong ko sa kaniya. Kumunot naman agad ang noo niya at para bang hindi makapaniwala sa tanong ko. “Hindi mo natatandaan ang nangyari? Parang napaka-im

