“I used my credit card earlier. Hindi mo ba napansin? Saka huwag mo nang alalahanin iyon. Ano ba’ng tingin mo sa akin, manloloko?” nakangising tanong niya. Nahihiya naman akong nagbawi ng tingin. Ipinagbukas niya ako ng pintuan at inalalayan pa ang braso ko sa pagsakay. Inilagay pa niya ang isang kamay sa ibabaw ng ulo ko kanina para siguro hindi ako mauntog pero nakita ko naman iyong taas ng sasakyan niya. Sa totoo lang lihim akong napangiti kasi parang napaka-gentleman naman ng kaniyang gesture. “Addie,” tawag niya sa akin habang nasa kalagitnaan na kami ng biyahe. “Hmm?” “May boyfriend ka na ba?” Nilingon pa niya ako saglit bago muling itinuon ang pansin sa daan. Umiling ako. “Wala. Walang time mag-boyfriend dahil kailangan kong kumita ng pera. Masiyado nang malaki ang naging aba

