Addie’s POV Nagising ako na may humahaplos sa noo at buhok ko. Sinubukan kong idilat ang mga mata ko pero muli akong napapikit. Naramdaman ko kasi ang pagsakit ng ulo ko kaya napangiwi ako. Ngunit mabilis din akong napadilat nang maalala ang uling pangyayari sa akin. Kasama ko si Dominic pagkatapos… s**t! “Addie? Are you okay, now?” Napasinghap ako at agad nilingon ang pinanggalingan ng boses. Ganoon din kabilis na napuno ng luha ang mga mata ko nang makita sa gilid ng kama si Marco na ang mga mata ay tigib ng pag-aalala. “Marco!” umiiyak kong tawag sa kaniya. Tumayo siya ng mabilis at ikinulong ako sa mga bisig niya. Doon lalong bumuhos ang mga luha ko at nanumbalik ang pinaghalong matinding galit at takot sa ginawa ni Dominic sa akin. “Shh… it’s alright. Ligtas ka na. Nandito na a

