Sa buong biyahe ay hinayaan lang ako ni Marco na umiyak nang umiyak. Nakayakap siya sa akin at dire-dretso lang ding hinahagod ang likod ko. Kalaunan ay kumalma rin ako. “Here. Uminom ka muna. I’m sorry that I didn’t handle that. I forgot about the media. Nakalimutan ko ring napakamahiyain mong tao kaya alam kong matinding pagkagulat ang naranasan mo kanina. I’m really sorry, Addie,” paulit-ulit niyang hinging paumanhin. Sumisinghot-singhot pa rin ako pero mas kalmado na ako ngayon. “Hayaan mo na. Hindi mo naman kasalanan iyon. Sobrang na-overwhelm lang ako sa dami ng taong sumalubong sa atin kanina. Tapos lahat sila ay tinatanong ako. Lahat sila, pinipilit akong sagutin ang mga nais nilang malaman. Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa akin kanina,” pag-amin ko naman. “Maybe you ha

