Chapter 18 Hindi Madali I watched Honey as she walks away with a triumphant smile on her face. Hindi ko na kailangang magtanong at mag-analyze dahil malinaw pa sa sikat ng araw na natulog si Honey sa pad ni Yael. Why does that Honey has to always appear just to ruin my moment? I hope she'll get stung by bees. Kagabi lang ay ang saya ko pero ngayon naman ay sirang-sira na ang araw ko. "Beatrix..." Yael called me softly. Tiningnan ko siya at binigyan ng pilit na ngiti. "Siya pala yung tiningnan mo kagabi?" I let out a forced laugh to make it sound casual. Kaya pala halos kahalating oras din siyang nawala dahil pinuntahan niya ito. Hindi ko itatanggi ang inis at pagkainsulto na nararamdaman ko ngayon pero wala naman akong karapatan na maramdaman ang mga iyon, diba?

