Chapter 19

2735 Words

Chapter 19   Denim Jacket   Napahawak ako sa labi ko habang pumapatak ang butil-butil na tubig na nagmumula sa shower. Kanina, iyon ang ikalawang beses na hinalikan niya ako. Napangiti ako at ipiniling ang ulo ko.   Binilisan ko na ang pagligo dahil alam kong naghihintay siya sa sala. Siya na nga rin ang naghugas ng mga pinagkainan namin para daw makaligo na ako.   Matapos kong magbihis sa banyo ay lumabas ako na may towel na nakapaikot sa ulo ko. Pinuntahan ko siya sa sala habang nanonood siya ng telebisyon. Nang maramdaman niya ang paglapit ko ay inilipat niya ang tingin sa akin at nginisian ako. I grin back and sat beside him.   "Anong oras duty mo bukas?" Tanong niya bigla at muling ibinalik ang tingin sa screen.   "Gabi pa. Ikaw, kailan ulit ang alis mo?" Tanong ko pabalik

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD