CHAPTER 3

1311 Words
ONLINE din si Rodney nang mga sandaling iyon. Tamang-tama. Agad siyang sumagot sa email nito. Can you login to skype now? I have provided my ID in the previous mail. Para siyang tanga, naisip niya. Puwede namang tawagan kung bakit sa email pa sila nag-uusap. Okay, wait... Halos dumagundong sa kabog ang dibdib niya nang sumagot si Rodney. Eto na. Eto na talaga! Wala nang urungan ito. Ilang sandali lang ay nakita niya sa skype ang lalaki. In fairness, ang guwapo niya! "You are Rodney Samonte, 26 and a resident of Las Piñas City," panimula niya. "That's correct, and I presume you are Cheska Divino based on your email address." "Oo, real name ko 'yon." "So, anong naisipan mo at naghanap ka ng boyfriend sa dating site sa iyon? Maganda ka naman." Nakita niya sa screen na parang natatawa ang lalaki pero pinipigilan lang nito ang sarili. "Okay, I'll be very honest," sagot niya. "Peer pressure. Gusto kong magka-boyfriend na once and for all para hindi na ako ang butt of jokes every time na nag-uusap kami ng mga kaibigan ko." "Iyon lang?" Ayaw ba nitong maniwala sa kanya? "Pero maganda ka naman. Very beautiful, actually. Bakit kailangan mo pang maghanap?" Pinormalan niya ang kausap. "I am the one who is supposed to interview you." "Oh, I'm sorry. You may now start with the interview." Hindi seryoso ang paghingi nito ng paumanhin dahil nangingiti ito, nakita ni Cheska. "It was stated in your resume that you are self-employed. What do you particularly do for a living?" "Ahm, well... I am into multi-level marketing business." "Networking?" taas-kilay niyang tanong. "Yeah. Why, is there a problem?" "W-wala naman. Ano naman ang products n'yo?" "Open-minded ka ba sa business? Can I invite you over a cup of coffee?" Muntik nang mapabunghalit ng tawa si Cheska. Ilang ulit na ba niyang narinig ang linyang 'yan? Lahat yata ang alam niyang networking business ay puro kape lang ang ino-offer kapag nag-invite ng prospective clients. Akala ko ba mayayaman ang mga nasa networking business, gusto niyang itanong. Bakit kape lang? Hindi ba puwedeng i-level up into fine dining man lang para mas convincing na kumikitang kabuhayan nga ang networking na 'yan? "No, marami na ang nag-attempt na i-recruit ako pero walang nagtagumpay. Networking is not for me," she said with conviction. "Well, it might be different this time around if you'll just allow me to discuss our products." Tila desidido si Rodney na ma-recruit ang kausap. "Ituloy na natin ang interview..." Nakita niyang nagkibit-balikat si Rodney. "Okay, ikaw ang bahala." "Bakit mo naisipang mag-apply bilang boyfriend ko?" "Bakit nga ba?" Tumingala pa ito sa kisame na parang doon hinahanap ang isasagot. "Na-curious ako. Akala ko noong una, joke lang. Seryoso pala. Seryoso, 'di ba?" "Paano kung joke lang?" Ano kaya ang gagawin ng lalaking ito? "Eh, 'di okay lang. Masaya ka namang kausap. Yayayain na lang kitang mag-networking." Networking na naman! "Hindi nga ako mahilig sa networking. Hindi para sa akin ang ganyang business." "So, ano? Pasado na ba ako bilang boyfriend mo? Ano ba ito, may bayad? Role playing lang ba o totohanan?" sunod-sunod na tanong ni Rodney. Hindi agad nakasagot si Cheska. Nalunok niya yata ang dila niya. "Huuy! Sabi ko, kunwari lang ba ito o totohanan?" "R-role playing lang." "Aww, sayang. Akala ko, magkaka-girlfriend na talaga ako. Pero 'di bale, okay na rin 'yun. Magkano ang talent fee?" "Saka ko na lang idi-discuss ang talent fee. Doon ko lang sasabihin sa mapipili kong boyfriend." "Ano? Hindi pa ba ako ang napili mo? May iba ka pa bang pinagpipilian?" Parang nalugi sa negosyo ang itsura ng lalaki. Umasa siya na magiging girlfriend niya si Cheska kahit kunwari lang. "Meron pang iba siyempre. Now, tumayo ka," utos niya rito. "Ha? Bakit?" nagtatakang tanong ni Rodney. "Aware ka naman sa qualifications ng hinahanap kong boyfriend, 'di ba?" "Oo, bakit?" "Tall... Ano pa?" "Dark and handsome," kumpiyansa nitong sagot. "Huh?! Walang dark sa qualifications. Hindi dark ang nakasulat do'n," pagtutuwid niya sa pagkakamali ni Rodney. "Eh, ano pala?" seryosong tanong ng lalaki. "Tall, daks and handsome." "Daks? Daku?" "Malaki. Dapat malaki ang itinatagong bagahe." "Titingnan mo?" Hindi makapaniwala ang itsura ng lalaki. Kung nahihiya ito o nae-excite ay hindi malaman ni Cheska. "Hubarin mo ang pantalon mo. Pati brief. Tapos, tumapat ka sa camera para makita ko kung pasado ka." Hindi alam ni Cheska kung paano niya nasasabi 'yon. Hindi pa siya nakakakita ng ganoon sa totoong buhay. Paano niya madi-distinguish ang malaki sa maliit? Ano ba ang standard para masabing malaki o maliit ang pribadong bahagi ng isang lalaki? "O, sige ready na ako." At bago pa nakakilos si Cheska ay nahubad na ni Rodney ang suot nitong pantalon kasabay na rin ang brief. Bumulaga kay Cheska ang bahaging iyon ni Rodney na tingin niya ay matikas at tila ba sumasaludo pa sa kanya. Inilapit pa ni Rodney ang sarili sa camera kaya mas lumaki pa iyon sa paningin niya. At tila tumatango-tango pa talaga! "Magsuot ka na ng pantalon! Okay na," natatarantang sabi niya kasabay ang pagpikit ng mga mata. Ngayon pa siya pumikit kung kelan nakita na niya ang pati singit ng lalaking ito. "Ano ba itong kalaswaang pinaggagagawa niya sa buhay? Kung kelan siya tumanda at saka pa siya gumawa ng ganitong kahalayan. Kababae niyang tao! Pagdilat niya ay suot na muli ni Rodney ang pantalon. Nakahinga siya nang maluwag. "Mukhang naisahan mo ako roon, ah. Nakita mo na ang lahat sa akin," nakangising pahayag ng lalaki. "Tapos, hindi ako mapipili." "Hindi kita pinilit na gawin iyon. Puwede kang tumanggi kung ayaw mo," depensa niya. "Eh, kaso nga gusto ko rin!" Napangiwi siya. "Sige, mag-e-email na lang ako sa'yo kapag ikaw ang napili ko. Salamat." "Sige, sana ako ang mapili mo. Thank you." Huminga nang malalim si Cheska nang sa wakas ay mawala sa screen ang mukha ng kausap niya. One down. May lima pa. Kakayanin pa ba niya ang mga susunod? Ang ikalawang at ikatlong sumalang sa interview ay kaagad niyang ni-reject. Gumamit ang nga ito ng ibang litrato at nang makita niya ang mga itsura nito ay kaagad siyang nagdesisyon na hindi papasa sa standard ng mga kaibigan niya ang itsura nito. Baka lalo lang siyang pagtawanan ni Kenly. Sasabihin nito na mabuti pa siya at kahit bakla ay napakagwapo ng boyfriend. Nakaramdam siya ng hiya sa sarili. Nagiging mapangmata na ba siya dahil sa ginagawa niyang panghuhusga sa itsura ng mga lalaking nag-apply para maging boyfriend niya? Pero naisip niyang isa lang naman ang kailangan niya sa anim na aplikanteng pumasa. Sa ayaw at sa gusto niya ay kailangan talaga niyang pumili ng isa lang. Kesehodang mas guwapo pa silang anim sa mga artista. Ang pang-apat na aplikante ay nakilala niya sa pangalang Uriel Canaleja. Twenty-seven years old ito, single, at isang engineer. Guwapo rin ito at may taas na 5"10". Papasang modelo ang inhinyerong ito kung ganda ng katawan ang pag-uusapan. "Pakihubad mo na ang pants at underwear mo para makita makita ko ang kuwan mo," nahihiya niyang sabi rito. Walang hiya-hiyang naghubad si Uriel. Wala itong itinira kahit isang saplot sa katawan. "Okay na..." Napakunot-noo si Cheska. Bakit parang wala siyang makita? "Puwede bang lumapit ka nang konti sa camera?" Takang-taka siya. Kung anong yabang ng kuwan ni Rodney ay siya namang mahiyain ng kay Uriel. Ganoon ba talaga 'yon? Bakit ang liit naman yata niyan? Hindi proportion sa tangkad mo. Gusto sana niyang itanong iyan pero nahihiya na siya. "Sige, okay na. Magbihis ka na. Mag-e-email ako sa mapipili kong maging boyfriend para pag-usapan ang mga dapat gawin." "Kahit hindi ako ang mapili mo, maging magkaibigan sana tayo." Isang pilit na ngiti ng isinagot niya sa lalaki at nagpaalam na siya rito. Pero naguguluhan pa rin talaga siya kapag naiisip ang kaibahan ng pribadong bahagi nina Rodney at Uriel. Ganoon ba talaga iyon? Diyos ko, may dalawa pa!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD