NANG muling magkita silang apat na magkakaibigan sa apartment ni Kenly ay nabanggit ni Cheska ang tungkol kay Gordon. "Oy bakla, ikaw pala ang nagbigay ng address ko kay Gordon," sita niya kay Kenly. "Naku, huwag ka nang magbibigay do'n ng kahit na anong information tungkol sa akin." "Bakit naman? Mabait naman 'yung tao, ah?" "Mabait nga, napakakulit naman. Alam na ngang may boyfriend na ako ipipilit pa ang sarili niya. Nakakaloka! Bigla na lang lumilitaw sa bahay at may dalang bulaklak." "Ayaw mo no'n? Kung dati ay walang bubuyog na gustong sumimsim sa bango mo, ngayon dalawa pa silang gustong tumikim sa'yo!" natatawang sabi ni Kenly na ikinatawa rin nina Mariel at Portia. "Ang laswa mo, bakla! Kadiri ka!" Hinampas niya sa braso ang kaibigan pero nakaiwas kaagad ito kaya hindi niya t

