Chapter 2

2041 Words
John Ace's POV; NAKANGITI ako habang pinagmamasdan ko ang asawa kong si Heira na mahimbig na natutulog. Hindi ko maiwasang pagmasdan sa t'wing maaga akong nagigising. I can't imagine na araw-araw ko na siyang makakasama. Parang kelan lang noong una kaming nagkakilala dalawa. Naiinis ako sa kanya noon dahil masyado siyang madaling mapaniwala ng ibang tao masyado siyang mahina. Sabi ko noon ayoko ng ganoong babae. Dahil mahirap pakisamahan. Pero nagkamali ako. Ako pala ang naging mahina mas nauna akong nainlove kesa sa kanya. Ngayon mas mahal na mahal ko siya. Mahal ko siya pati ang magiging anak naming dalawa. Sa dami ng napadaan naming dalawa mas naging matatag kami at mas minahal namin ang isa't-isa. Napabalik ako sa pagkakahiga ko ng maramdaman kong kumilos siya kaya naman nagpanggap akong tulog. Baka kasi mahuli niya akong pinagmamasdan ko siya. Naramdaman kong tumagilid siya ng higa at niyakap niya ako. Kaya naman tumagilid din ako ng higa at niyakap ko siya ng mahigpit. Bahagya ko pang inilapit ang bibig ko sa tenga niya at bumulong ako. "I must be the luckiest guy alive because every day I see the same girl who I saw in my dreams the previous night. Good morning asawa ko." Tapos ipinikit ko ang mga mata ko upang matulog. Ngunit ilang saglit pa naramdaman kong bumulong din sakin si Heira. If I had to choose my best day ever , my finest hour, and my wildest dream come true , mind you always be you. I love you too Dark Bumilis ang pintig ng puso ko ng marinig ko iyon. Paglingon ko sa kanya. Nakatingin siya sakin habang nakangiti. Kaya naman umiwas ako ng tingin sa kanya. Nakakahiya kasing makita niya ang pamumula ng pisngi ko. "Uy! Dark. Bakit mo ako tinalikuran? Kinikilig ka sa sinabi ko noh?" Tinusok-tusok pa niya ang tagiliran ko. "Hindi noh! ASA ka pa!" "Haha! Kung hindi ka kinikilig bakit mo ako tinalikuran?" Napilitan tuloy akong humarap sa kanya. Para patunayan sa kanya na hindi ako kinilig sa ibinulong niya. "Inaamin ko natuwa ako sa ibinulong mo sakin. Hindi ko kasi naisip na marunong kang mag-english." Alibay ko. "Nabasa ko lang yan sa google. Nagandahan ako kaya kinabisado ko. Ang hirap ngang magkabisado." "Low IQ ka talaga Hippo konting sentence lang yan nahirapan ka pa." Sabi ko sa kanya habang salubong. Ang kilay ko sa kanya. "Ang sakit mo naman magsalita! Low IQ talaga! Pag-ako tumalino. Who you ka sakin! Palibhasa matalino ka eh." Inis niyang sagot sakin. Bumangon ako upang lumabas nang kwarto. Hindi narin naman ako makatulog. "Hippo! Lumabas na tayo ng kwarto." Sabi ko pa sa kanya. Ngunit hindi niya ako pinakinggan. Sa halip tumagilid siya at nagtakip ng kumot. Pailing-iling akong bumalik sa kama. Heto na naman kami. Kailangan ko na namang lambingin ang buntis. Tinanggal ko ang pagkakatakip niya sa kumot niya tapos muli akong humiga at niyakap siya. "Asawa ko... Tara na bumaba na tayo. Mag-almusal na tayo. Si Shawn pa naman ang magluluto ngayon ng almusal past eight na oh!" Sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako dahil hindi siya tumugon sa mga sinabi ko. "Asawa ko galit ka ba?" "Tinatanong pa ba yan? Slow ka din eh." Inis niyang sagot sakin. Pasalamat talaga at buntis siya kung hindi baka napisil ko ang ilong niya. Barahin ba naman ako. "Eh, di hindi ka na galit sakin kasi sumagot ka sakin." Balik kong tanong sa kanya. Humarap siya sakin habang nakasalubong ang kilay. "Kapag sumagot ba? Ibig bang sabihin non. Hindi na galit? Hindi ba pwedeng sumagot lang ako kasi ayokong mag mukha kang tanga!" "Aba't loko to ha!" "Sige na sorry na! Wag na tayong mag-away asawa ko." Sabi ko na lang. Ayoko na lang pahabain ang pagtatampo niya sakin dahil baka makasama sa Baby namin. Kahit na nga alam kong minsan nakakaasar na talaga siya. Umingos siya sakin. "Aminin mo na kasi na kinilig ka din sa sinabi ko." "Psh! Yon lang ba ang dahilan ng pagtatampo mo sakin?" Tumango siya sakin. "Pakipot ka pa kasi eh, asawa mo naman ako." "Oo na! Sige na! Kinikilig na ako. Paano ba naman kasi ang sweet mo." Sagot ko. Ang kaninang simangot ng mukha niya napalitan ng ngiti. "Sabi ko na eh, kinilig ka Dark. Tara na kumain na tayo!" Ngumiti ako tapos bigla ko siyang binuhat. Napatili siya sa pagkagulat sa ginawa ko. "Ayy! Dark naman eh! Baka mahulog kami ni Baby!" Sabi niya. "Kumapit ka lang sakin hindi kita bibitwan. Hindi ko kayo bibitawan ni Baby." "Ibaba mo na ako Dark! Mabigat na ako!" Nguniti hindi ko siya pinakinggan. Kinarga ko siya hanggang sa makarating kami sa kitchen. Naroon sila Daddy at Mommy. "Goodmorning Mom and Dad." Bati ko kanila." "Goodmorning John Ace and Heira!" Ani Daddy. "Mag breakfast na kayong dalawa. Katatapos lang namin kumain." Ani Mommy. "Opo Mommy!" Sagot ko. Pagkatapos nag-umpisa na kaming mag-almusal dalawa. Sila Mommy. Umalis na din kung kaya't dalawa na lang kaming dalawa ni Heira ang nag nasa kusina at kumakain. "John Ace at Heira!" Tawag samin ni Yaya Chedeng. Nang lumingon kami. Kumunot ang noo ko dahil halos matakpan na si Yaya at ang dalawang katulong na kasama niya ng mga bulaklak na dala nila. "Yaya! Kanino po yan?" Usisa ko. Ipinatong muna ni Yaya Chedeng ang Mga bulaklak sa bakanteng table bago sinagot ang tanong ko. "Para daw yan kay Heira." "Para sakin?" Humarap sakin si Heira. "Dark talaga ang sweet mo naman." Nakangiti niyang sagot sakin. Sumimangot ako at nakaramdam ng inis. "Its not me." "Kung hindi ikaw sino?" Reak niya. Tumayo si Heira upang tingnan ang nagpadala ng bulaklak. Sumunod din ako may kutob kasi akong si Shrek ang nagpadala kay Hippo ng bulaklak. Kinuha ni Heira ang Card na nakaipit sa Mga puting rosas. Kitang-kita ko ang ngiti ni Heira ng basahin niya ang message card. "Good morning dream wife. Hope you like it. Love Khyzzer Ace. "Si Bestfriend pala nagpadala ng mga bulaklak alam na alam talaga niya ang paborito kong bulaklak." Sa sobrang inis ko. Hinablot ko ang card at pinagpupunit ko sa harapan niya. "Manang pakitapon nga lahat ng bulaklak!" "Teka! Bakit mo itatapon yan! Hindi naman sayo ibinigay eh." Reak ni Heira. Kung nakakamatay lang ang mga matatalim kong tingin baka napatay ko na ang asawa ko dahil sa sobrang galit ko. Pakiramdam ko lahat ng dugo ko sa katawan umakyat sa ulo ko. "Itatapon ko yan! O ipapatay ko siya sa mga Mafia!" Seryosong sagot ko sa kanya. "Ang sama mo naman hindi ka naman pinakikialaman ng tao. Papapatay mo sa Mafia." Mataas na din ang boses niya. "The Fuckin Hell i care he pissed me off! He wants to get you!" "Get me? Wag masyadong OA nagpadala lang ng bulaklak si Khyzzer Ace." Gigil na gigil akong nakatitig kay Heira. Bumuntong hininga ako upang mabawasan ang galit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi sasabog na ako sa matinding selos. "I can buy flowers for you!" "Weh? Di nga?" Bigla ko siyang binuhat palabas ng mansion. "Saan tayo pupunta?" Tanong niya sakin. Hindi ako umimik sa kanya. Naiinis kasi ako sa kanya. Wala siyang believe sakin. Mabilis kong pinaharurut ang sasakyan ko hanggang sa makarating kami sa pinakamalaking bilihan ng mga bulaklak. Inalalayan ko pa siya palabas ng kotse at binuhat ko siya papasok sa loob ng boutique. Wala akong pakialam kung kami ang naging center of attraction ng mga tao doon. "Hi Sir and Ma'am. Pili na po kayo ng gusto nyong mga bulaklak." Nakangiting sagot ng isang Tindera don. "Asawa ko! Pumili ka ng mga bulaklak na gusto mo! At bibilhin ko kahit isang truck pa yan!" "Dark.. Hindi mo naman kailangang gawin ito. Magsasayang lang tayo ng pera." Sagot niya sakin. Sinalubong ko ang mga tingin niya. "Bakit gusto mo ba si Shrek ang magbigay ng bulaklak sayo?" "Shrek?" Nakataas pa ang kilay niya. "Shrek! Yung bestfriend mong si kingkong!" "Dark devil! Khyzzer Ace ang name niya hindi Shrek or Kingkong. Ang ganda ng pangalan niya pinapapangit mo." "So Mas mahal mo na siya kesa sakin?!" Inis kong sagot. Tumaas ang kilay niya. "Dark! Nagseselos ka ba?" "Yes! I'm jelous! At ayokong may ibang lalaking nagbibigay ng bulaklak sayo. Ako lang dapat! Lalong-lalo na ayokong inaagawan ako ng pag-aari ko na importante pa kesa sa sarili ko." "Kyaahh!" Sabay pa kaming napalingon ni Heira. Paglingin naming dalawa nakita naming namimilipit sa kilig ang mga sales lady at customer habang pinapanood kami. Saka lang namin naalala na wala kami sa mansion. Pareho kaming nahiya ni Heira kaya para makaalis na kami don. Bumili ako ng isang dosenang Puting rosas bago kami umalis doon. Habang nasa daan kami pauwi. Naramdaman ko ang pagsandig niya sa braso ko. "I'm sorry na Dark. Wag kang magselos kay Khyzzer ikaw lang naman ang gusto ko. Ang mahal na mahal ko." Sa sinabi niyang yon. Nabawasan ng kaunti ang galit ko. Hininto ko sa isang tabi ang sasakyan ko. Pagkatapos niyakap ko siya ng mahigpit. "Ayoko lang na may umagaw sayo. Mahal kita Hippo. Bakit ba ganoon si Shrek?" Napangiwi siya sa tawag ko sa matalik niyang kaibigan. Ayoko talagang bigkasin ang buong pangalan niya nakakasira ng araw. "Nangako kasi ako sa kanya noon na maghihintay ako sa pagbabalik niya. Kasi daw pakakasalan niya ako. Kami na lang daw ang bubuo ng pamilya namin. Pero syempre nagbago ang lahat ng iyon dahil nakilala kita Dark." Ngumiti pa siya sakin. "Psh! Sorry na lang siya pero wala na siyang hahabulin sayo. Akin ka lang Hippo. Magkakamatay kaming dalawa bago ka niya makuha sakin!" Seryosong sagot ko sa kanya. "Hindi ko na siya gusto Dark. Sana magtiwala ka naman sakin. Kaibigan na lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay kapiling ng mga magiging anak natin." "May tiwala ako sayo Hippo. Sa kanya lang wala! Kaya please hangga't maari lumayo ka sa kanya." Tumango naman siya sakin. "Oo sabi ng Asawa eh. Takot ko lang!" Biro pa niya sakin. Niyakap ko siya ng mahigpit. Hindi ko na yata kayang mawala si Heira sa paningin ko. Sobrang mas minahal ko siya kesa noon. "Dark.. Teka lang may tumatawag sakin. Naririnig ko ang ringtone ng Cellphone ko." Bumitaw naman ako sa pagkakayakap sa kanya. Tapos nang mabasa niya ang pangalan ng tumatawag sa kanya tumingin siya sakin. "Dark si Khyzzer Ace tumatawag sakin." "Bigay mo sakin Asawa ko kakausapin ko." Agad naman niyang ibinigay sakin ngunit pinidot niya ang loud speaker upang marinig niya ang pinag-uuspan namin. "Hi future wife! Narecieve mo ba ang flowers na binigay ko sayo? Paboritong bulaklak mo yon." Sabi pa niya. Nag-umpisa na namang uminit ang ulo ko sa kanya. "Yon ba? Tinapon ko at pinunit ko ang card message mo sa ASAWA ko." Sinadya ko pang lakasan ang boses ko sa pagkakabigkas ko sa huling salita ko. "Asshole Frodie! Sagabal ka talaga sa plano ko." Umiwas ng tingin si Heira sakin ng titigan ko siya. Siguro dahil hindi niya nagustuhan ang naging sagot ng bestfriend niya. Kaya naman inioff ko ang loud speaker upang hindi na niya marinig ang pag-uusapan namin ni Shrek. "Kahit anong gawin mo! Hindi mo makukuha ang asawa ko. Kaya umasa ka sa wala Shrek." "Haha! Sigurado ka ba dyan? Siguraduhin mong mahigpit ang pagbabantay mo kay Heira dahil oras na makakita ako ng pagkakataon. Wala kang magagawa kung hindi ang umiyak na lang! Tandaan mo Frodie. Ako ang unag minahal niya at alam mo bang first love never die. Konting lambing ko lang ko lang dyan. Makukuha ko na ulit siya mula sayo!" Halos nanginginig ang panga ko sa galit sa kausap ko. "Tandaan mo din! Una ka nga niyang minahal pero ako ng pinakasalan niya. Ako ang una lahat sa kanya. Ibig sabihin mas minahal niya ako kesa sayo dahil hindi niya binigay sayo kung anong binigay niya sakin ngayon." "The hell i care!" "You must be aware! Kasi baka maranas mo ang impyerno kapag inagaw mo ang pag-aari ko." Sabi ko pa. Pagkatapos pinatay ko ang tawag niya. "Okay ka lang Dark?" Tanong ni Heira. Tumango ako sa kanya. "Yes! Let's go!" Tapos pinaharurot ko ang sasakyan ko pauwi ng mansion. Isa lang ang nasa isip ko. Hinding-hindi ko bibitawan si Heira anumang mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD