Chapter 3

2101 Words
Heira's POV "Nay! Hindi po pwede! No way!" Paulit-ulit ang pag-iling ko kay Nanay habang pinipilit niya akong mapapayag sa gusto niyang mangyari. Hinawakan pa ni Nanay ang braso ko at nagsusumamo siya sakin. "Psh! Nay! Alam nyo ba ang hinihingi nyo saking pabor? Mag-aaway lang po kami ni John Ace nyan eh." Sinalubong ni Nanay ang tingin ko sa kanya. Kitang-kita ko sa mata niya ang pagsusumamo sakin. Kaya naman mas lalo akong mahirapang magdesisyon. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagpalakad-lakad ako habang ang mga kamay ko ay nakahawak sa balakang ko. Nahihirapan na kasi akong maglakad dahil malaki na ang tyan ko. "Heira.." Bumuntong-hininga ako tapos tumingin kay Nanay. "Kakausapin ko muna si John Ace Nay. Ayoko talagang pag-awayan namin yon." Bagsak ang balikat ni Nanay ng sabihin ko yon. Nakiusap kasi si Khyzzer Ace kay Nanay na kung pwede pilitin akong dumadalaw sa bahay nila kasama naman daw siya at si Hairu. Gusto ko sanang pagbigyan si Nanay para magkaroon sila ng pagkakataong makapagbonding ng Bestfriend ni Nanay na nag-ampon kay Khyzzer Ace. Ayoko lang talagang magalit si John Ace "Bakit kasi kailangang ipaalam mo ang lahat ng ginagawa mo sa asawa mo na si Frodie?" Sabay pa kaming napalingon ni Nanay si Khyzzer Ace kasama si Hairu. "Nay, pinapasok ko na po kasi hinahanap po kayo. Kanina pa siya nasa labas." Tinapunan pa ako ng tingin ni Hairu. Nagmano siya kay Nanay. "Nay! May dala po akong pagkain meryenda po." Itinaas pa nito ang box ng Yema cake na hawak niya. "Salamat Khyzzer mukhang masarap yan ah." Sagot pa ni Nanay. "Bakit po hindi natin tikman Nay para malaman natin." "Mabuti pa nga kung gano'n Khyzzer." Tapos tumayo si Nanay upang magtungo sa kusina. Iniwan nila akong dalawa na mag-isa sa Sala. Noon pa naman kasi close na close si Nanay at Khyzzer Ace. Madalas siyang nasa bahay noon minsan pa nga tumutulong si Khyzzer Ace pamimili ng paninda. Palagi din siyang nasa tindahan kasama kong magbantay kaya nahulog ang loob ko sa kanya. Bigla nga lang nagbago ang nararamdaman ko ng mainlove ako sa isang John Ace Santiago Lahat ng nararamdaman ko para sa kanya noon naglaho. Ngayon kaibigan na lang ang turing ko sa kanya. "Ang sarap ng Yema cake. Saan mo binili to Khyzzer?" Nagkandahaba-haba ang leeg ko para lang silipin sila at baka sakaling maalala nila ako. Maambunan ng kahit konting yema cake. Ngunit talagang Ang madhid nila hindi man lang ako naalala. "Si Nanay talaga basta pagkain nakakalimutan na ako!" Sa inis ko nanood na lang ako ng Tv kesa mainggit sa kanila. "Oh! Baka sumakit pa ang tyan mo. Kumain ka. Pinagtimpla pa kita ng Juice." "Salamat Khyzzer." Sabi ko ngunit hindi ko naman yon tinikman. Naalala ko kasi ang sabi ni Dark. Wag daw akong kakain ng bigay ni Khyzzer may gayuma daw yon at gamot nakakapalaglag ng bata. Umupo siya sa tapat ng kinauupuan ko at nakatingin sakin. Napansin nya siguro na hindi ko ginagalaw ang dala niyang pagkain. "Bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain na yan?" "Eh.. Baka kasi may gayuma." Humalakhak siya na kinainis ko. "May nakakatawa ba?" "Hindi ka parin nagbabago Irish. Komedyante ka parin." "Wag mo nga akong tinatawag na Irish!" Lumapit siya sakin at tinitigan niya ako. Yumuko naman ako. Bigla kasi akong nakaramdam ng hiya hindi ko siyang kayang titigan. "Namiss kita Irish." "May asawa na ako Khyzzer Ace." "So? Ako naman ang una mong pinangakuan diba? Umaasa ako no'n. Nagsikap akong mag-aral ng mabuti sa Amerika para makabalik ako agad ng pilipinas. Para makasama na kita." Dumilim ang paningin niya. "Pagbalik ko ibinigay mo na ang sarili mo sa ibang tao. Dahil ba mayaman sila? Huh?" "Mahal ko talaga si Dark kahit hindi siya mayaman mahal ko parin siya." "Tsk! Nasasabi mo lang yan ngayon pero ang totoo minahal mo siya dahil mayaman siya O baka naman Kaya mo siya minahal para mapalapit ka sa Daddy niya? Diba? Ang Daddy naman nya ang gusto mo noon pa?" Isang sampal ang pinadapo ko sa kanya. Nanginginig ang panga ko sa galit sa kanya. "Wala kang karapatan na husgahan akoo!! Kahit mayaman ang asawa ko ni minsan hindi ko nilustay ang pera niya!" Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko dahil sa galit. "I'm sorry Irish.. I din't mean to hurt you." Pinipilit pa niya akong hawakan pero umiiwas ako sa kanya. "Umalis kana!!" Sigaw ko pa sa kanya. "Irish! I'm sorry!" "Umalis kana sabi eh!" Napahawak pa ako sa tyan ko dahil bigla na lang itong kumirot. Pinagmasdan niya ako tapos bumungtong-hininga siya at umalis. Tuluyan ng tumulo ang luha ko dahil sa galit sa kanya. Napakapit pa ako sa tiyan ko habang namimilipit ako sakit. "Baby wag ka munang lalabas. Hindi pa ngayon please!" Nay!! Nanay!!" "Bakit anong nangyari sayo Anak?" "Nay, tulungan nyo akong dalhin sa Hospital sumasakit ang tiyan ko." "Diyos ko! O-oo S-sige Tatawagin ko lang si Hairu." Agad namang tumakbo si Nanay palabas upang puntahan si Hairu. Agad naman itong dumating at inalalayan nila akong makasakay ng kotse mabuti na lang at palagi akong may kasamang driver kapag dinadalaw si Nanay at Hairu. PAGMULAT ng mga mata ko mukha na agad ni Dark ang bumungad sakin. Pilit siyang ngumiti sakin. Kahit na nga punong-puno siya ng pag-aalala sakin. "Dark... Si Baby? Kamusta na ang Baby natin?" Anas ko. Nakita ko ang pagpatak ng luha niya. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalik-halikan niya. "Asawa ko.." "Anong Nangyari?" Bigla akong kinabahan. Kinapa ko ang tyan ko maumbok pa naman siya. Bakit ganon ang drama ni Dark? "Sagutin mo ako Dark! Anong nangyari sa Baby natin?" Kinakabahan kasi ako sa mga kinikilos kasi niya. Umiling siya. "Safe siya Asawa ko. Safe kayong dalawa ni Baby." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Pero bakit malungkot parin siya? Ano kayang Trip ni Dark? "Bakit malungkot ka parin?" Pinagmasdan niya ako tapos humugot ng malalim na paghinga. "Naiinis ako sa sarili ko asawa ko kasi wala ako sa tabi nyo ng makaramdam ka ng sakit. I'm sorry Hippo hindi ako naging mabuti asawa sayo." "Asawa ko lapit nga sakin." Sabi ko pa. Yumuko naman siya upang makalapit sakin. Nang sobrang lapit na namin. Bigla kong pinisil ang Pisngi niya. "OUCH! Hinawakan pa niya ang pisngi niya. Bakit mo ginawa yon Hippo?! Ang sakit ng pagkakakurot mo!" Hawak-hawak pa niya ang pisngi niya. Ngumiti ako sa kanya. "Ang OA mo na kasi eh, may mga bagay na hindi talaga natin kayang panghawakan at hindi maiwasan. Kaya wag mong sisihin ang sarili mo." Bigla kong naalala si Khyzzer Ace. Siya ang may dahilan kung bakit ako namilipit sa sakit. "Hippo pagdating sa inyong dalawa ni Baby hangga't maari gusto kong nasa tabi nyo ako. Hanggang sa lumabas na siya." "Ang sweet mo naman Dark." Abot tenga pa ang ngiti ko nang sabihin ko yon. "Masaya na akong makasama kita asawa ko. Hinalikan pa niya ako sa pisngi." "Umuwi na tayo Dark." Tumango siya sakin. "Sigurado ka bang okay kana?" "Oo kasi nandito kana sa tabi namin ni Baby." "Sige aayusin ko lang ang bill mo. Saglit lang Asawa ko." "Sige Dark." "Irish..." "Bakit ka nandito?" Salubong pa ang kilay kong nakatingin kay Khyzzer. Pagkalabas kasi ni John Ace siya namang dating ni Khyzzer. Lumapit siya sa tabi ko at umupo sa gilid ng kama. "I'm sorry.. Hindi ko sinasadya." "Umalis kana Khyzzer baka maabutan ka pa dito ni Dark." "Hindi ako aalis kung hanggat hindi ko ako pinapatawad. I'm sorry Irish ako ang may kasalan kung bakit ka nandito ngayon. I'm sorry sa mga nasabi ko sayo." Hindi ko na nagawang magsalita ng makita kong nakatayo si Dark sa harap ng pintuan. Kuyom ang kamao niya habang matalim na nakatitig kay Khyzzer. "Jusko! Hindi ko nga sinabi ang dahilan kung bakit ako sumakit ang t'yan. Itong si Khyzzer ginisa niya ang sarili niya sa sarili niyang mantika." "D-dark!" Bago pa makalingon si Khyzzer lumipad na ang kamo ni Dark sa mukha niya. "Hayupp kaa!! Papatayin kita! Anong ginawa mo sa Asawa ko!!" Hawak-hawak pa niya ang kwelyo ni Khyzzer. "Itigil nyo yan! Wag kayo dito mag-away! Dark.. Khyzzer!" Nguni kahit anong paliwanag ko hindi sila nakinig sakin. Nakipagbunuan din si Khyzzer kay Dark kaya naman tumayo ako upang humingi ng tulong. "Brent! Zach! awatin nyo si John Ace at Khyzzer." Agad naman silang lumapit upang awatin ang dalawa. Inalalayan naman ako ni Maezy at Phoebecate. "Ayos ka lang Heira?" Tanong ni Maezy. Tumango ako sa kanilang dalawa. "Ayos lang ako si Dark at Khyzzer." "Kaya na 'yon ng dalawa wag kang mag-alala." Ani Meazy." Ilang saglit pa lumabas na si Dark at Khyzzer. Hindi na maipinta ang mukha ni Dark dahil sa sobrang galit. Hinila niya ang kamay ko. At walang sabi-sabi kaming umalis dalawa. Sinundan naman ni Maezy at Phoebecate si Khyzzer. "Damn!" Hinampas pa niya ang manibela niya. Sa takot ko sumiksik ako sa gilid. Alam kong galit na galit siya lalo na sakin. "Sinisisi ko ang sarili ko kasi wala ako sa tabi mo ng sumakit ang t'yan mo! Tapos malalaman ko! Ang hayup na si Kingkong lang ang dahilan kung bakit ka nagkaganyan!! Bullshit!" "I'm sorry Dark.." "Hippo naman! Gaano ba kaliit yang utak mo?! Bakit hindi mo maintindihan ang sinasabi ko sayo!! Diba? Sabi ko wag kang lalapit sa kanya? Wag kang makikipag-usap! Anong ginawa mo? Lumandi ka pa rin!! f**k!" Tumulo ang luha ko sa mga masasakit na salitang sinabi niya sakin. Wala naman akong kasalan eh. Ang mali ko lang hindi ko sa kanya sinabi agad. Pero ang sabihin niya saking Malandi ako sobra naman yata yon." "Ang sakit mo namang magsalita Dark! Hindi naman ako lumandi. Siya ang pilit na nakikipag-usap sakin." "Gusto mo naman! Aminin mo na kasi gusto mo parin siya hanggang ngayon!" Mapait ang pagkakangiti ko sa kanyan. "Ganyan pala ang tingin mo sakin. Kung gano'n maghiwalay na lang tayong dalawa." Nanahimik siya.. Ako naman tahimik ang pag-iyak ko habang pauwi kami ng mansion. "Anong nangyari Ate Heira?" Tanong ni Jhoace sakin. Hindi ako kumibo dire-diretso akong nagtungo sa silid namin tapos inilock ko ang pintuan at kinuha ko ang mga gamit ko sa cabinet at inilagay ko sa malate. Uuwi na lang ako ng bahay kesa naman patuloy niya akong pagsalitaan ng masasakit kahit hindi naman totoo. Isang oras yata ang ginugol ko sa pag-aayos ng mga gamit ko. Pagkatapos binuksan ko ang pintuan ng kwarto upang lumabas. Pagbukas ko nasa harap ko na si Dark. Agad niyang napansin ang bitbit kong maleta. "Aalis ka Hippo? Iiwan mo na ako?" Tanging pagluha na lang ang nagawa ko. Hindi ko kayang magsalita. Sobrang sakit kasi ng nararamdaman kong sama ng loob. Hinapit niya ang bewang ko pero hinampas ko siya. "Bitiwan ko ako!" "Asawa ko i'm sorry! Nadala lang ako ng galit kaya ko nasabi yon. Sorry!" Pag-susumamo niya sakin. "Uuwi na ako ng bahay!" Tinulak ko siya. Ngunit hinila niya ang braso ako at walang sabi-sabi niya akong binuhat at pinasok muli sa kwarto. Pinaupo niya ako sa kama. Tapos siya lumuhod sa harapan ko. "I'm sorry Hippo..wag nyo akong iwan ng anak natin. Hindi ko na kayang mabuhay na wala kayo sa tabi ko. " tumutulo na din ang mga luha niya sa pisngi. Bakit ba ang hirap tanggihan ng isang John Ace Santiago. Nadudurog ang puso ko habang nakikita kong umiyak siya. "Please! Forgive me." Bumuntong hininga ako. "Tumayo ka na dyan! Tapos pakibalik ng mga damit ko sa cabinet." "Thank you!" Tapos niyakap niya ako ng mahigpit. "I'm sorry asawa ko. Salamat sa pagtanggap mo. Mahal na mahal kita. Nadala lang ako ng galit ko. Nadala lang ako ng selos." "I'm sorry din Dark. Hindi ko agad nasabi sayo. I'm sorry." "Ssshh! Magpahinga kana. Masyado na kitang pinahirapan ngayong araw. I'm sorry. Promise babawi ako sayo." Ngumiti pa siya sakin. Tapos pinunasan niya ang mga luha ko sa pisngi. "Tabi tayong dalawa. Alam kong pagod ka at puyat dahil galing kang Company." Kumikislap ang mga mata niya habang pilyo siyang ngumiti. Tapos bumulong siya sakin. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya tapos kinurot ko siya sa tagiliran. "p*****t! Matutulog lang tayo noh!" Lumalabi ko pang sabi sa kanya. Habang ang pisngi ko pulang-pula na. Hinuli niya ang labi ko tapos siniil niya ng halik. "Namiss kita asawa ko." Tapos niyakap niya ako ng mahigpit. "Wag na wag mo akong iiwan Asawa ko. Mamatay ako." Bulong pa niya. "Hindi yon mangyayari Asawa ko." Sagot ko sa kanya. Tapos magkayakap kaming dalawa habang magkatabi kaming natutulog. A/N: Later ko na i-edit. Work mo na ako. Bye! Busy much
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD