Napasimangot ako ng may kumatok sa pintuan ng kuwarto ni Ella. Alam kong si Henrico iyon dahil narinig ko ang pagdating ng kanyang sasakyan sa garahe. Galit pa ako sa kanya dahil sa ginawa niya. He's so unreasonable. Hindi man lang niya pinakinggan ang mga rason. Talagang makasarili siya.
Hinihiling ko na lang na sana ay matauhan na siya sa mga ginagawa niyang mali. Kaya ko naman siyang bigyan ng pagkakataon para magbago pero ang mahalin siya ay hanggang kaibigan na lamang. Alam kong mali ako doon pero ito ang usapan namin sa umpisa pa lamang.
Hindi ko na lang pinansin ang kumakatok hanggang kusa na itong nagbukas. Alam naman pala niyang magbukas, kailangan niya pang kumatok.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko habang nakatalikod pa din at pinagmamasdan ang natutulog kong anak. Seeing my daughter sleep peacefully makes my mind at peace too.
"Visiting my daughter. Bakit pinagbabawal mo ba?" Lasing ang boses nito. He's been drinking lately. Hindi ba siya nag iisip.
Bumangon ako at tinignan siya. Kailangan ko pa din siyang asikasuhin dahil asawa ko pa din siya kahit papaano.
"Bakit ka na naman uminom? Alam mong masama iyan sa'yo." Nag aalalang pangaral ko dito na tinawanan niya lang. Heto na naman po siya sa nakakainis na ugali niya. Medyo madilim ang puwesto nito. "Saan ka ba galing?"
"Kina Marianne," nagulat ako sa sinabi niya. Eh ano naman ang ginawa niya doon?
"Don't tell me, you did something again. Henrico naman." Nawawalan ng pasensiyang sambit ko. "Kailan ka ba titigil?" Inalis ko ang coat niya at inayos ang kanyang pagkakaupo. Pagkabukas ko ng lampshade sa tabi nito, nagulat ako sa sugat sa kanyang gilid ng labi. "What did you do?"
"Bakit ako? Hindi mo ba tatanungin kung anong ginawa ng asawa niya sa akin?" Tanong nito pabalik na ikinapikit ko. Kailan ba talaga siya titigil.
"What happened?" Yan na lang ang naitanong ko dahil ayokong may maisil na naman siyang mali kapag sinermonan ko na naman siya. Utak pa man din niya ay iba iba.
"He just punched me." Nagkibit balikat lang ito na para bang wala lang sa kanyang ang nangyari.
"Why did he do that?" Tanong ko. Hindi kasi ako maniwala na basta na lang mananakit si Bryle ng walang dahilan. "Baka naman may ginawa ka na hindi niya nagustuhan." Sabi ko na lang at umupo sa kaharap nitong upuan.
"Sinabi ko lang sa asawa niya na layuan ka niya at huwag ng magpapakita pa sa'yo." Nagulantang ako sa sinabi niya. Did he just say that?
"What? Pakiulit nga, Henrico. Nabingi ata ako sa sinabi mo." Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi niya. Gusto kong magalit at intindihin siya. Pero alsobra na ata ang hilingin niya kay Marianne na layuan ako. Wala na siya sa tama niyang pag iisip.
" Sinabi kong layuan ka niya at wag na wag ng magpapakita pa sa'yo." Parang wala lang sa kanya ang sinabi niya. Ang sarp niyang muramurahin.
Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. Ayokong magsimula na naman ang away naming dalawa.
Pero kaya ko bang intindihin ang mga pinaggagawa niya?
" You have no right to asked that to Marianne. Kapatid ko siya at hindi daoat fanoon ang sinasabi mo. Why are you such a jerk, Henrico? Bakit mo ako pinapahirapan? Huwag mong palayuin ang mga taong mahal ko sa akin." Pakiusap ko dito. "Taman na, Henrico. Huwag mong palalain pa ang lahat. Let's just mind our own business. Hindi mo sila kailangang iganyan. Why are you like this Henrico?"
Gusto ko siyang maintindihan sa mga pinagdadaanan niya pero ayaw niya akong pakinggan. His mind is close at walang tama sa kanya kung hindi ang desisyon niya. Ang hirap makipagtalo sa kanya.
" Enough of siding them, Lailanie. Ako ang asawa mo, so act like my wife. Ako dapat ang kinakampihan mo at hindi ang ibang tao." Nakapikit na sabi niya.
Gusto ko siyang batukan sa baluktot na pananaw niya.
"Marianne is my sister at hindi siya kung sino sinu lang. Naging kaibigan mo din siya Hnerico. Why are you like that?" Ginagawa ko ang lahat para hindi magalit sa kanya at intindihin na lang siya. Wala naman akong mapapala kung magtatalo kami dito sa kuwarto ng anak namin.
" Not anymore. Masama siyang impluwensiya sa'yo. At kung gusto mong magkaayos tayo---iwasan mo sila and never contact them ever again." Gusto kong umalma sa sinasabi niya. Pero iniisip ko, baka mas maganda ngang gawin iyon sa ngayon habang ganito pa siya.
Madali na lang baguhin ang utak niya kapag maayos na kami at bumalik na siya sa dati. I will agree for now.
" Okay, gagawin ko iyan. Just let me talk to Marianne for the last time. After that---I won't contact them. Basta ipangako mong aayusin mo ang problema natin at lalayo ka na din sa kanila. You won't give them problems anymore at lalong lalo na ang pasakitan sila. Promise me. " Gusto kong makipag negotiate sa kanya. Kung ito lang ang makabubuti sa amin ay gagawin ko.
Gusto kong matahimik na ang buhay namin pansamantala.
" Okay, I'll hold on to that. Kapag sumuway ka---theres a punishment waiting for you. " Pagpayag nito na ikinatuwa ko. Kahit papaano ay makakausap ko muna si Marianne. Hindi ko man maipaliwanag lahat sa kanya---atleast nagwowork ang plinaplano ko.
"Okay, salamat, Henrico. I'll try my best for this relationship to work. Sana ganoon ka din." Nagmulat ito at tinitigan ang aking mga mata. Lumapit ito sa akin at umupo sa tabi ko. Dahan dahan nitong inilapit ang kanyang mukha sa akin. Hindi ko alam kung itutulak ko ba siya o hindi.
Iniisip ko na ngayon ang consequence ng mga kilos ko. Ayokong magkaroon na naman ng issue. Nang maglapat ang labi namin ay hinayaan ko itong halikan niya ako.
Nang maghiwalay ang labi namin ay napangiti na siya. Ngiti na matagal ko ng hinahanap sa kanya. Ngiting nagpapakita ng tunay na siya at ngiting nagsasabi na magiging maayos din ang lahat.
Naging masaya naman ako at hinintay na ibigay niya ang telepono ko sa akin. Pero dumating na ang kinabukasan ay hindi pa din niya ibinibigay.
Nagbago nga siya pero ganoon pa din siya kahigpit. Bawal pa din akong lumabas. Pati ang phone ay bawal din. Akala ko naman ay pagagamitin niya na ako ng phone para tawagan si Marianne pero nagkamali pala ako. Hindi siya tumutupad sa usapan namin.
Kailangan kong makausap si Marianne kahit saglit lang.
Nang makapaghanda na ako ng almusal ay tinawag ko na ito. After naming kumain ay kakausapin ko itong muli kung pwede kong mahiram ang phone ko para makausap si Marianne. Iniisip ko na lang na baka nakalimutan niyang ibigay kagabi.
Nang magkaharap na kami sa mesa ay pinagsilbihan ko siya. Masaya siyang kumakain kaya masaya na din ako. Kaysa naman sa nagsusungit at nang aaway na lang siya lagi. This is way better. At ayokong iispoil iyon kaya mamaya ko na lang hihiramin ang phone ko, bago siya pumasok sa trabaho.
Pagkatapos naming kumain ay inihahatid ko na siya sa sasakyan nito bago ako nagsalita.
"Hihiramin ko sana ang phone ko, Henrico. Tatawagan ko lang si Marianne, after that ibabalik ko din."
He didn't looked at me but he stopped entering his car. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Mamaya magalit na naman siya sa akin. Sabihin pang makulit ako.
" Okay, nasa kabinet ang phone mo. You'll only have to use it for how many minutes after that---you have to bring it back. I'll check later if you followed me or not. Hindi ka na makakaulit pa kapag sinuway mo ako." Napangiti naman ako at yumakap dito. Kahit papaano ay napasaya niya ako. Akala ko naman ay hindi ito papayag kaya kinakabahan talaga ako.
" Salamat, Henrico. I promise saglit lang talaga. Ingat ka sa pagpasok." Masayang bilin ko dito na hindi man lang nito pinansin. Pumasok na ito sa loob at mabilis na umalis. Naiwan akong nangingiti sa garahe.
Kung ganito sana lagi ay wala kaming magiging problema. Susundin ko lahat ng gusto niya.
Nag ayos muna ako ng kusina at inayos lahat ng kalat. Nagdilig pa ako ng halaman sa sobrang kasiyahan ko. Alam ko na hindi sila kailanman magkakabati ni Marianne pero gagawa ako ng paraan. This is the new beginning at susubukan kong baguhin siya sa tamang panahon.
Ayoko namang iwan ito ng hindi pa maayos ang buhay niya. He's my responsibility. Pagkatapos ng gawain ko ay umakyat na ako para kunin ang phone ko.
Excited akong tawagan si Marianne. Kailangan kong magpaliwanag sa nangyari kahapon. I need to cover Henrico about that. Ayoko namang tuluyan talaga itong magalit sa kanya.
Dinial ko ang numero ni Marianne na agad naman nitong sinagot.
"Thank God! What happened? Bakit umalis kayo agad? Did he hurt you?" Ngumiti ako at umiling.
"Don't worry, I'm fine. Kumusta si Yanyan?" Tanong ko dahil saglit lang ako kahapon sa kanila at hindi ko man lang nakasama ng maayos ang anak ko.
"Ayon ang daming tanong pero pinaliwanag ko naman ng mabuti. Bumalik pala ang asawa mo dito kagabi." Napabuntong hininga ako.
"Sinabi nga niya, sorry about that." Ako na ang humingi ng tawad dito.
"Gusto ko din siyang intindihin, Lanie pero bakit ang hirap? Masyado na siyang matigas at walang pinakikinggan. Tama bang palayuin niya ako sa iyo at hindi na makipagkita pa? He's insane, Lanie! That's ridiculous! Kaya ayon---nasuntok siya ni Bryle dahil sa mga pinagsasabi niya." Napahinga na naman ako ng malalim sa sinabi nito.
Ganoon pala kagrabe ang ginawa niya doon. Kaya mahirap siyang ibida kung sakali.
" Hayaan niyo na, Marianne. Medyo nagkatampuhan lang kami kaya ganoon kagrumpy iyon. Marerealize din niya ang mali niya in time. Hayaan muna natin siyang makapag isip. I can change him in time, Marianne, kaya wag ka na mag alala pa." Sinusubukan kong pagaanin ang loob ni Marianne dahil halatang galit na galit talaga ito kay Henrico. Hindi ko naman siya masisisi dahil na din sa kagagawan niya.
" Kung kailangan mo ng tulong, andito lang kami. Huwag ka magtiis sa gagong iyan." Dugtong pa nito.
" Tama na, Marianne. I called because I wanted to say something." I sighed. Mahirap gawin ito pero kailangan para magbago na si Henrico.
"At ano naman iyon?" Curious na tanong nito. Halos ayokong ibuka ang bibig ko dahil alam kong magagalit siya at hindi papayag.
"Ganito kasi iyon..." umpisa ko at tumikhim. "Ito kasi ang makakabuti sa ngayon. Hindi muna ako magpaparamdam at tatawag sa inyo for a couple of months. Hayaan niyo muna akong resolbahin ko ang problema sa pagitan namin ni Henrico."
"Are you f*****g out of your mind, Lanie? Sumasang ayon ka ba sa plano ng gagong iyon? Are you planning to avoid us completely?" Galit na tanong nito. Sinasabi na nga ba at magagalit talaga ito sa akin.
"Listen, Marianne. Hindi ako sang ayon sa plano niya dahil hindi kita kayang iwasan at kalimutan kahit kailan. Kapatid kita at hindi na iyon mababago pa. I just needed time to change him and bring him back to the old Henrico we used to know. At alam ko na makakaya ko iyon. He's changing a lot lately at nangangamba ako." Saad ko at napaupo sa kama. Ayoko din naman ng desisyon na ito pero kung sa ikababago niya---kaya kong magtiis.
" Pero, Lanie---makakasiguro ka bang kaya mo pa siyang baguhin? " Marianne asking for assurance.
" Maybe, Marianne, hindi ko alam pero gagawin ko ang lahat. Pero kapag dumating ang araw na hindi ko na kaya---ikaw ang unang hihingan ko ng tulong at alam mo na ang gagawin mo. Just let me handle this for now. Sana maintindihan mo ako." Pagpapaliwanag ko pa rin.
She sighed on the other line.
" Okay, as you wish, Lanie. Basta siguraduhin niya lang na hindi ka niya sasaktan dahil mananagot siya sa amin. If you have time balitaan mo ako kahit palihim lang." Naoangiti ako at tumango dahil iyon talaga ang gagawin ko.
" I will, Marianne salamat sa pag intindi. Kailangan ko ng patayin ang tawag. Madami pa akong gagawin dahil pupunta kami sa mga magulang niya. Ingat ka lagi diyan and kiss Yanyan for me. Tell him that I love him so much at magkakasama din kami pagdating ng araw. Ikaw na muna bahala sa kanila. Bye, Marianne and I love you." Paalam ko.
" I love you too, Lanie. Mag iingat ka diyan. Ako ng bahala sa kanila. Basta kapag makapuslit ka---maghihintay ako lagi. Bye..." paalam na din nito bago ko pinatay ang tawag.
Napatulala ako sa kawalan at nag isip ng gagawin. Alam ko na hindi ko siya basta basta mababago pero gagawin ko ang lahat. Hindi na iyon mahirap dahil naumpisahan ko na.