Bumuga muna ako ng hangin at nagbilang ng hanggang tatlo bago lumabas ng sasakyan. Andito kami ngayon sa pamilya ni Henrico. Dito daw kami magdidinner pero sa tingin ko ay dito kami matutulog dahil sa dami ng damit ni Ella.
"Mam Lailanie, idederetso po ba si Ella sa loob o sa kuwarto na po?" Tanong ng Yaya nito sa akin. Napatingin ako kay Henrico dahil siya ang magdedecide. Ayokong mangialam kahit gusto ko pa man na ako ang magdecide.
"Give her to me," utos nito na agad namang sinunod ni yaya. Ang bossy na niya magsalita ngayon. "Ideretso mo sa guest room sa baba ang mga gamit ng bata. Dito tayo matutulog ngayon. Bukas na tayo uuwi. Ang mga damit namin ng Mam mo, sa taas mo ilagay. Nakuha mo ba?"
"Opo, sir." sagot nito at nag umpisa ng kumilos.
Ni hindi man lang niya ako inayang pumasok o kaya ay tinawag man lang. Nauna na itong naglakad papasok na tila ba hindi niya ako kasama. Tila sila lang na dalawa ni Ella ang pumunta dito. I don't know but it feels awkward. Okay kami sa mata ko pero ramdam ko ang coldness niya. Hindi siya sweet sa akin. More on sinasaktan niya ako emotionally and verbally.
Hindi ko alam kung sinasadya niya o ano. Lagi niya akong pinapagalitan at inilalayo kay Ella. Ramdam ko iyon maghapon. Gabi ko na nga lang nakasama ang bata. Kapag nakikita nitong hawak ko ang bata ay ipapakuha niya ito agad kay Yaya at uutusan ako. Gaya ngayon, dapat ako ang nakahawak sa kanya muka sa bahay hanggang makarating dito pero ni hindinko nahawakan ang bata. Mas gusto nitong ipahawak kay yaya kaysa sa akin.
Nakasunod lang ako sa kanya hanggang sa makapasok na kami sa loob. Nang makita kami ng pamilya nito ay agad silang nagsitayuan at sinalubong kami ng yakap at halik sa pisngi. They welcomed me with a warm hug. Kahit papaano ay napangiti ako doon.
Halatang pati sa pamilya nito ay iniiwas niya na din ako. Dahil papaupuin sana akonngvTita nito ng bigla niya akong utusan kahit na may katulong naman sa malapit.
"Get Ella's milk, Lailanie. Nagugutom na ang bata. Hindi mo man lang naisip na magdala. Such a stupid mother. Kumilos kanng naaayon sa reaponsibilidad mo." Napamata ako sa sinabi niya. Did he just called me stupid? "Ano pang tinutunganga mo diyan? Bakit hindi ko pa kunin ang gatas ni Ella? Balak mo ba siyang gutumin, ha?"
Nagtatakang tumingin ang mga magulang nito sa akin. Parang hindi makapaniwala sa naririnig nila. Nagtatanong ang kanilang mga mata sa akin. Hindi ko din alam kung ano ang isasagot ko kaya nagkibit balikat na lang ako at nahihiyang tumalikod para sundin ang utos ni Henrico. Bakit bigla na lang siyang naging ganyan? Okay na kagabi.
Why the sudden change? Bakit bigla na lang siyang galit? Pinapahiya niya pa ako sa harap ng mga magulang at mga kamag anak niya. Na hindi niya naman ginagawa dati kahit naong galit niya.
I didn't do anything. Naiiyak na ako sa pagkapahiya ko pero pinipigilan ko lang. Baka mainit lang ang ulo niya dahil sa dami ng inaasikaso niya nitong nakaraan. Hindi na ako nasanay sa init ng ulo niya.
Pagkakuha ko ng gatas ni Ella ay nag aalangan talaga ako kung babalik din ako agad o hindi muna. Parang nahiya na akong ipakita pa ang pagmumukha ko sa pamilya niya. Pero kailangan ni Ella ang gatas kaya agad ko din itong ipinunta. I have no other choice.
Only to know na mas ipapahiya lang pala niya ako sa ibang tao. He's not contented yet.
"A useless wife! Tsk." Iritableng saad niya at inagaw sa akin ang bote ng gatas ni Ella. Tila ako natulos sa kinatatayuan ko sa mga naririnig ko sa kanya. "Ano pang ginagawa mo dito? Tumulong ka sa kusina. Huwag kang pabisita."
"Henrico!" Saway ng Ina nito. Halata mong nag uumpisa na ang galit na makikita sa mukha ng magulang nito. Hindi aila makapaniwala sa inaasta ng kanilang anak. He's being rude.
"What Mom?" He asked innocently.
"Stop insulting your wife. Aba! Kanina ka pa, akala mo hindi namin napapansin?" Hindi nakatiis na sambit ni Mom sa kanya na ikinasama lang nito ng tingin sa akin. Tila ba sinasbaing humanda ako mamaya.
"She deserves it. Hayaan niyo na nga siya. Wala namang ginagawa iyan sa bahay kaya dapat lang na tumulong siya sa kusina. Para naman may silbi at hindi pasarap buhay lang." Ang sama na ng tingin ng magulang niya sa kanya. Maski ang mga kamag anak nito ay hindi din makapaniwala sa naririnig nila mula dito.
" Sige po, Mom, Dad---sa kusina po muna ako. " Paalam ko at hindi na hinintay pang magsalita sila. Naiiyak na ako sa sobrang hiya. Ngayon lang niya ginawa sa akin ang ipahiya sa harap ng maraming tao at lalong lalo na sa pamilya niya.
"Hija..." pagpapatigil ni Mom sa akin pero sinaway lang siya ni Henrico.
"Let her, Mom. Ano ba kayo? Mas importante ba siya kaysa sa amin ng apo niyo?" Panunumbat ni Henrico.
Aalma pa sana si Mom kaso tumingin ako dito at inilingan siya. I mouthed na hayaan na nila. Wala na siyang nagawa kung hindi ang mapabuntong hininga na lang at hinayaan akong pumunta ng kusina kahit na labag sa kalooban nila.
Pagdating ko doon ay tumulong na lang ako para naman mawala ang pagkapahiyang nangyari sa akin sa salas. Hindi ko alam pero nasasaktan ako sa ginagawa ni Henrico sa akin.
Nagbago nga siya. Hindi niya ako sinisigawan pero sinasaktan niya ako emotionally. Parang sinasadya nitong saktan ang damdamin ko. Tapos bawal ding lumabas at bawal ding makipag usap sa kahit na kaninong katulong sa loob ng bahay. Pinagbawal niya iyon. At kung sino ang sumuway ay tatangalin sa kanyang trabaoho. Para na akong preso sa nangyayari. Wala na akong kalayaan.
Iniisip ko na lang na kailangan kong tiisin para maging maayos kami at ang sitwasyon namin. Siguro ay sinusubukan niya lang ako para makita nito kung hanggang saan lang ang kaya kong tiisin.
Napatigil ako sa aking ginagawa ng may humawak sa kamay ko at hinila ako sa kung saan.
It's Mom.
Pagpasok namin sa isang silid ay napayuko na lang ako. Nahihiya akong tumingin dito dahil sa inaasal ng kanilang anak.
"Bakit mo hinahayaang ganonin ka ni Henrico, Lailanie? Hindi tama iyon." Naramdaman ko ang pagtabi nito sa akin at iginiya ako paupo sa sofa. "May problema ba na hindi namin alam?"
Mabilials akong umiling. Ayokong malaman nila ang nangyayari dahil kapag kinausap nila si Henrico baka lumala pa ang lahat. Imbes na maayos ay mas lalo lang siyang magwawala.
"Wala naman pong nangyayari, Mom. Baka pagod lang siya dahil sa inaasikaso niya nitong nakaraan. Hayaan na lang natin siya Mom. Magiging okay din siya." Ani ko pero hindi ako makatingin sa kanya. Natatakot akong mahulog ng kusa ang luha sa aking mga mata.
"Hija, hindi mo kami kaaway dito. Alam ko na kami ang may kasalanan kung bakit ka nasa sitwasyon mo ngayon. Kami ang nakiusap sa'yo noon. Kaya kung may problema, sabihin mo. Huwag mong sarilinin dahil kami ang makakatulong sa'yo." Hinagod ni Mom ang aking likuran. Hindi ko na tuloy napigilan ang humikbi at yumakap dito ng napakahigpit. Sa yakap ko sa kanya ako kumukuha ng lakas at tapang para kayanin pa ang lahat.
I need her hug right now dahil sukong suko na ako. Kinakaya ko lang.
" Mom bakit siya ganoon?" Humihikbing tanong ko. " Ginagawa ko naman po ang lahat pero parang hindi niya iyon nakikita."
"Hayaan mo at kakausapin ko siya mamaya---" I cut Mom off.
"Huwag po, Mom. Baka kapag kinausap niyo ay mas lalo niya akong pag initan. Hayaan niyo na lang po muna sa ngayon. Baka pagod lang siya." Pigil ko sa binabalak nitong gawin. Natatakot ako sa maaaring mangyari kapag kinausap niya si Henrico.
"Kuwento mo sa akin lahat ng nangyayari, Lailanie. I promise na hindi ko sasabihin sa kanya. I just want to know everything. Para alam ko kung paano kita matutulungan." Halata sa boses ni Mom ang awa. Kahit naman anong gawin nila ay hindi nila mapipigilan ang kanilang anak.
"Nasa ibang bansa pa lang kami ay nag umpisa na siyang maging ganyan. Moody, palasigaw, palautos at higit sa lahat kinukulong ako. Bawal akong lumabas o makipag usap man lang sa iba. Kung noon ay nakakausap ko pa ang mga katulong sa bahay---ngayon ay hindi na. Bawal akong lapitan ng kung sino man. Dapat ay nagtatrabaho din ako sa bahay at pinagsisilbihan siya. Maski si Ella ay inilalayo niya din sa akin, Mom. Wala akong ginawa para magkaganyan siya. Lahat sinunod ko kahit labag sa kalooban ko---" naputol ang aking sasabihin ng biglang umalingawngaw ang galit na boses ni Henrico sa loob ng silid. Hindi namin narinig ang pagpasok niya. Namutla ako sa aking kinauupuan.
" Anong na naman ang sinusumbong mo!" Sigaw nito at lumapit sa akin at hinila ako sa aking braso. Napaigik ako sa sakit. "Ang kapal ng mukha mong siraan ako sa Mom ko!" Sigaw pa din nito at mas hinigpitan pa ang pagkakahawak nito sa aking braso.
"Nasasaktan ako, Henrico." Nanginginig na saad ko at hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa aking braso.
"Bitawan mo ang asawa mo, Henrico. Hindi mo ba naririnig na nasasaktan na siya? Wala ka bang naririnig?" Saway ni Mom at pilit nitong tinatanggal ang kamay ni Henrico kaso mas dinidiinan nito ang pagkakahawak at ang sama ng tingin nito sa akin.
"Huwag kayo makialam dito Mom. Lumabas muna kayo at mag uusap lang kami ng babaeng ito. Hindi ata kami nagkaintindihan ng stupidang ito." Pagpapalayas nito sa Mom niya. Umiiyak na ako sa sakit. Lalo na ang loob ko. Kahit anong itawag niya sa akin ay tinatanggap ko. Ayoko lang na magalit siya pero bakit ganito? Kapag hindi ako lumalaban ay mas lalo niya akong pinapahirapan.
" You're treating your wife badly, Henrico. Wala ka ng respeto sa kanya. Pinakasalan mo siya para alagaan, respetuhin at mahalin hindi ang saktan. Bitawan mo siya Henrico!" Si Mom naman ngayon ang sumigaw.
Umiiyak lang akong nakahawak sa braso ko. Ni hindi ko na magawang magmakaawa pa.
" Leave us alone Mom. Please lang layasan mo muna kami. Usapang mag asawa ito at wala na kayong kinalaman. Just leave Mom. Leave! " Pati sa mga magulang nito ay wala na siyang respeto.
Ayoko namang marinig na ginaganyan niya ang kanyang mga magulang kaya kahit umiiyak ay tinanguan ko na lang si Mom. Ayaw pa sana nitong umalis pero sinigawan na naman ito ni Henrico kaya wala na siyang nagawa.
"I'll be behind that door, Lailanie. If he hurt you, just scream. Kahit anak ko siya hindingbhindi ko siya kokonsintihin." Paalala niya na tinanguan ko na lang at pumikit. Mas lalo kasing humigpit ang pagkakahawak nito sa aking kamay.
Nang makalabas na ang mom nito ay pabalya niya akong binitawan na ikinasadlak ko sa semento. Nasaktan ang balakang ko dahil iyon ang unang bumagsak. Iyak lang ako nang iyak.
"Ang kapal ng mukha mo para magsumbong kay Mom. Sinungaling kang babae ka! From now on, hinding hindi ka na lalabas ng kuwarto mo. Tandaan mo yan! We'll go home!" Sigaw nito at lumapit sa akin. Hinawakan nito ang panga ko at hinigpitan iyon. "Isa pang sumbong ang gawin mo---sisiguraduhin kong hindi mo makikita ang anak natin." Banta niya.
"Don't do this Henrico. Hindi na mauulit. I'm sorry. Huwag mo lang ilayo sa akin si Ella. Nagmamakaawa ako sa'yo. Saktan mo na ako't lahat lahat---huwag na huwag mo lang siyang ilalayo." Nakikiusap at nagmamakaawang ani ko.
"I'll keep that in mind. Umayos ka, Lailanie kung ayaw mong mawala ang anak mo sa'yo. Hindi kita tinatakot dahil alam mong kaya ko iyong gawin. Isang salita mo pa kay Mom, malilintikan ka talaga." Banta nitong muli at binitawan ang aking panga.
Umiiyak akong naiwan sa silid na iyon. Nasasaktan ako. Akala ko ay hindi niya ako kayang saktan ng physical pero nagagawa na niya. Ang sakit lang isipin na nagkakaganito na si Henrico at hindi na siya ang dating Henrico na kilala ko.
Pagkalabas nito ay naririnig kong nagtatalo sila ni Mom. Gusto ko mang sumabat ay hindi maaari. Ayokong totohanin niyang ilayo sa akin si Ella. Hindi ko kakayanin. Hanggat kaya kong magtiis ay magtitiis ako. Alam kong babantayan at gagabayan ako ng Diyos sa lahat ng ito.
Everything has a reason.