Tulala lang akong nakatingin sa kawalan. I can't believe that he did that to me. Gusto kong maintindihan at sabihing kasalanan ko ang lahat, pero---iba ang ginawa niya. He knows what we agreed for. At hindi kasali iyon ang pakikipagsex sa kanya. Pumayag siya pero ano ang ginawa niya? Dahil lang sa pag alis ko at pagsuway ko? Pinagsamantalahan niya ako at pinaghandaan niya ang lahat. Umiyak na naman ako sa sulok. Nasasaktan ako para sa sarili ko at para na din kay Henrico. Galit ako sa kanya dahil doon. Pero wala ng mababago. Napayukyok ako sa aking tuhod at tahimik na umiiyak. Hindinko din pinansin ang kumakatok sa pintuan. Wala akong pinapasok kahit isa at hindi din ako lumabas ng kuwarto. Mas gugustuhin kong magkulong na lang ng kuwartong ito. "Senyorita Lailanie..." malakas na taw

