Masaya akong papasok ng bahay. Walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman ko. Gusto kong maulit muli iyon pero alam kong napaka-imposible ng mangyari. Bantay sarado ako ni Henrico. Kung hindi siya nag out of town---malamang nakakulong ako maghapon sa loob ng kuwarto. Madilim na ng mapagpasyahan kong umuwi. Eto ang pinaka-una unahang nangyari na nagpasayang muki sa akin, simula ng maghigpit si Henrico sa akin. "Where have you been?!" Nagulantang ako sa sigaw na iyon ni Henrico. Paanong nangyati na andito siya? Di ba, umalis siya at bukas pa ang balik? Hindi ko alam kung haharap ba ako o didiretsong takbo sa aking kuwarto. Bigla tuloy akong natakot sa oagsigaw niya at sa kaalamang nandidito siya at hindi umalis. What happened? "Uulitin ko pa ba ang tanong ko Lailanie? O gusto mong iku

