Napayakap ako nang napakahigpit kay Marianne pagkapasok ko pa lang sa loob ng kanyang bahay. Hindi nito inaasahan ang pagpunta ko sa kanya. Alam kasi nitong bawal akong pumunta sa kanya. Kaya gulat na gulat itong makita ako sa harapan ng kanyang bahay. Alam ko na sinabihan ko siya, pero wala naman ang bantay ko at nagbabawal sa akin. So, I am free to visit her kahit ngayon araw lang. “Buti at pinayagan ka ng asawa mong pumasyal dito? Himala at nandito ka. Nagpakabait na ba ang asawa mo?” Sunod sunod na tanong nito at inilayo niya ako sa kanyang katawan. Hindi talaga ito makapaniwala. Tinignan niya ako mula uli hanggang paa. Sinusuri niya ang aking katawan na tila ba may gusto itong makita na kahit ano sa akin. Hindi ko siya masisisi, dahil alam nito ang lahat. And I am grateful to h

