Iyak ako nang iyak. Hindi ko inasahan ang ginawa ni Henrico sa akin ngayon. He just hit me. Sinaktan niya ako, hindi emosyonal kun'di physical na pananakit.
Umiling iling ako, "nakainom lang siya kaya nasaktan niya ako. Hindi niya iyon magagawa sa akin kapag matino siya. He's just under the influence of alcohol."
Tumango tango na akong umiiyak at pilit na pinupunusan ang luha na tumutulo sa aking mga mata. Pati ang dugong umaagos sa gilid ng aking labi. Ang hirap paniwalaan na kaya na niya akong saktan.
At sinisisi ko akg aking sarili dahil doon. Kung sana nagpaalam ako or tumawag man lang dito---baka hindi mangyauari ang pananakit niya sa akin.
Habang umiiyak ay tumayo ako at nilinis ang mga basag na baso na nakakalat sa sahig. Ayoko namang datnan niya na magulo pa din ang kuwarto. Ayokong mas magalit pa ito.
Gusto kong lumaban kanina sa kanya pero paano? I'm at fault. Bigla na lang akong umalis ng walang paalam. Oo, at emergency iyon, pero mali pa din ako na umalis na lang bigla. Hindi ko naisip na magagalit si Henrico. And now---this happens. It's my fault.
At kapag lumaban ako---mas lalala lang ang lahat kapag nagkataon. Mas matatagalan ang pag alis ko sa tabi niya. Mas lalala din kapag nalaman ni Marianne.
I'll keep it a secret to myself.
Hindi pwedeng malaman ni Marianne ang pananakit ni Henrico sa akin. Dahil alam ko na hindi ito magdadalawang isip na kunin ako dito. At tiyak na hindi iyon aalis sa bahay na ito ng hindi niya ako kasamang aalis. Kilalang kilala ko si Marianne, at gagawin niya ang alam niyang tama.
Pagkatapos kong maglinis ay pumasok ako sa kuwarto ni Ella at doon tahimik na umiyak. Doon ko ibinuhos lahat ng sama ng loob ko. Wala akong mapuntahan.
Gusto kong puntahan si Marianne para mayakap, kaso alam ko naman na hindi pwede. Ayokong lumala ang lahat.
I don't know what to feel right now. Iniisip ko na lang talaga na lasing lang siya kaya nangyari iyon at dala lang ng kalasingan niya.
Nakaupo ako sa gilid ng kama sa kiwarto ni Ella at pinagmamasdan ang mahimbing na tulog ng aking anak. I wanted to wake her up for a hug, but I don't want to disturb her sleep. Ayokong magising ito at umiyak gaya ko.
Tama na ang ako na lang ang umiiyak. Blangko ang isip ko.
Naokupa ni Marianne ang isip ko kanina dahil aa sobrang pag aalala sa nanagyari sa kanya. Marianne ia my sister at ayokong may mangyari sa kanyang masama. When I receive the news from Bryle---hindi na ako nakapag isip pa ng tama.
Mabilis pa sa alas kuwatrong umalis ako ng bahay. Ni hindi na nga ako nakapagpalit. Pati sa katulong sa bahay ay hindi ko na din nasabihan. Basta ang nasa isip ko lang ay ang kalagayan ng kapatid ko. Nakapaa nga lang akong umalis ng bahay ng hindi ko pansin. Ganoon kalutang ang aking isipan.
Basta naglakad lang ako nang naglakad hanggang aa makasakay ako ng taxi papuntang hospita.
And I was relieved when they said she's fine. Takot na takot ako kanina. She's the most important person in my life. At hinding hindi ko kakayanin kapag nawala siya.
At ang isang reason lang ang naiiaip ko kung bakit nagalit at nasaktan sako ni Henrico.
And it's all my fault. I am the reason. Pinagbawalan niya akong lumabas at kumausap sa iba and yet ginawa ko pa din.
Pero sana, this is an valid excuse. Pero hindi, dahil pinaghinalaan niya lang ako at mas lalong napasama ang imahe ko dito.
Henrico wouldn't hurt me. He's not gonna do far from that. Nabigla lang siya at alam kong pagbalik nito ay kusa itong magsosorry sa akin. He'll beg for my forgiveness.
Magsosorry na lang ako dito at tanggapin ang kamalian ko. Itinaas ko ang dalawa kong paa sa ibabaw ng kama at yumukyok sa aking mga tuhod. Iyak ako nang iyak dahil hindi talaga matanggap ng puso ko. Hanggang sa makatulog na lang akong hindi ko namamalayan.
~~~~
Lumipas ang mga araw, pero hindi man lang ito humingi ng tawad sa akin. Even once, para wala lang talaga ang nangyari sa amin at ibinaon niya lang ito sa limot.
Kahit na ganoon ay umaasa pa di akong magsisi siya sa ginawa niya, pero mali pala ako. He stayed angry with me. The same treatment he was giving me. Ni konting pagsisi ay wala akong maramdaman o mahagilap sa kanya. Mas humigpit pa nga ito sa akin at kulang na lang ay itali niya ako na parang aso.
Bawal lumabas ng hindi siya kasama. Halos hindi ko na hawak ang telepono ko. Tuluyan na niyang pinagbawal ito sa akin. Kahit isang text o tawag man lang ay hindi talaga pupwede. It's unfair, pero wala akong magawa.
Kaya kailangan kong panaka-nakang tumawag kay Marianne para mangamusta at makausap ang anak ko. Pumupuslit lang ako dahil hindi ko kayang mawalan ng komunikasyon sa kapatid ko. Oo, ipinagbawal niya pero hindi ko magawang sundin siya kahit na pumayag ako sa kagustuhan niyang layuan ko si Marianne.
Katulad ngayon---binibilinan niya akong huwag aalis dahil may business trip ito sa ibang bansa at bukas pa ang kanyang balik.
Lihim akong sumaya dahil balak ko talagang umalis at bisitahin sina Marianne. That's the first thing on my list. Ngayon pa man ay tila lumulundag na ang aking puso sa saya.
"Aalis ako mamayang alas diyes at bukas pa ng hapon ang balik ko. Hindi ka pwedeng lumabas. Huwag ko lang malalaman, Lailanie dahil makakatikim ka sa akin." Babala niya na hindi ko pinansin. Hindi naman niya malalaman kaya ayos lang. Aalis siya at sisiguraduhing hindi niya ito malalaman.
"Opo, pwede ko bang tawagan si Marianne kahit saglit lang?" Nagbabakasakaling tanong ko na ikinasama nito ng tingin sa akin. Sabi na nga ba, eh. He won't like the idea.
"Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa'yo na bawal mo siyang kausapin, ha, Lailanie? Hindi ka ba marunong umintindi o sadyang tanga ka lang!" Tumaas ang boses nito at padabog na binitawan ang hawak nitong folder sa mesa.
"Minsan lang naman, Henrico. Matagal tagal ko na siyang hindi nakakausap. Alam kong nag aalala na iyon sa akin. Please naman, Henrico, kahit ngayon lang. Kahit saglitan lang." Pamimilit ko pa na mas ikinagalit niya at itinapon sa akin ang mga damit na nasa tabi niya.
" Ayusin mo ang mga gamit ko at hindi ang mga walang kuwenta ang sinasabi mo. Andito ka para pagsilbihan at gampanan ang trabaho mo bilang asawa ko. Tang'na! " Mura nitong muli at pabalibag na tinabig ang maleta na inaayos ko. Imbes na matapos ay mas dumami ang aking gagawin dahil sa ginawa niya. Kumalat kasing lahat ng mga nai-empake ko na sa sahig.
Hindi ko siya napansin na tumayo. Galit na galit na naman ito sa akin. Araw araw ay sumusubok ako para makausap ang pamilya ko pero matigas siyang tao. Naging bato na ang puso niya.
Sinabunutan niya ako at pinaharap ako sa kanya bago ako dinuro.
"Kung sinabi kong walang lalabas at walang komunikasyon sa mga walang kuwentang tao na mga iyon---ibig sabihin huwag mo ng ipilit dahil hindi mangyayari ang gusto mo. Subukan mo akong suwayin at makakatikim ka ng mas matinding parusa. Baka magulat ka na lang na pati iyang iniingatan mong kapatid at pamilya na sinasabi mo ay mapahamak ng dahil sa kagagahan mo. Umayos ka, Lailanie bago pa mandilim ang utak ko sa'yo. " At pabalang na niya akong binitawan. "Ayusin mo na iyan at nang makaalis na ako." Utos na nito at nilayasan ako sa aming kuwarto.
Kahit hirap na hirap na akong pakisamahan siya ay wala akong magagawa, kung hindi ang malungkot na mapatingin sa papaalis nitong pigura.
He really changed a lot. Wala na atang pag asang makawala pa sa piling niya. Malakas akong napabuga ng hangin at pinulot ang mga itinapon niyang mga gamit. Halatang pinapahirapan niya ako ng husto.
"Ito na ata ang mapait kong kapalaran. I never thought that helping a friend will make me suffer this consequences. Naging mabait naman ako at hindi nagloko. I stayed loyal to him, pero bakit ganito siya sa akin? He was always having a hard time giving me his trust. Tila wala talaga siyang tiwala sa akin." Bumubulong na sambit ko habang nagpupulot.
Gusto ko siyang sumbatan pero ayoko nang lumala pa ang alitan naming dalawa kaya nanatili na naman akong tahimik.
Nang matapos akong magligpit ay binaba ko na ito sa sala para hindi na ako mahirapan pang magbuhat mamaya. Yes, dinaig ko na po ang katulong dito dahil nagtatrabaho na po ako para sa kanya.
Naglalaba, namamalantsa, nagluluto, naglilinis at marami pang iba. Pati nga pagbisita ko sa anak ko at palihim na rin dahil pinagbabawalan din niya ako. Buti na lang ay mabait si Lora at hinahayaan niyang kargahin at alagaan ko siya kahit saglit lamang.
Kahit papaano ay natutuwa ako at nawawala ang bigat ng aking kalooban. Kapag wala kasi si Henrico ay patago din nila akong kinakamusta at nagtatago din sa mga camerang iniwan nito sa buong bahay.
Yes, I know all of it. Kaya alam ko kung saan ako pupwesto para makatawag lang kina Marianne.
Isang oras pa ang hinintay ko bago bumalik si Henrico at dinala na ang mga gamit niya. Ang kaninang lungkot ko ay napalitan na nang saya. Maski sina Lora ay natutuwa din. Sila na daw ang bahala sa lahat.
"Mga bilin ko sa'yo, Lailanie. Huwag na huwag kang magtatangka dahil may kaakibat iyan na parusa. Don't test my patience, okay?" Nagbibilin na saad niya at kinuha si Ella.
Napakunot ang aking noo.
"Anong ginagawa mo?" Kunot na kunot talaga ang aking noo. Paano ba naman, eh, aalis na siya at isinasama si Ella.
"Iiwan ko ang bata kina Mom. Wala akong tiwala sa'yo." harap harapan nitong saad na ikinatingin ko dito at malungkot n bumuntong hininga.
"Why, Henrico? Anak ko din si Ella pero bakit pinagdadamot mo? Okay lang na ipagdamot mo siya sa akin pero huwag mo namang ilayo ng ganito. Ako pa din ang ina niya. Let her stay with me, Henrico. Gusto kong ako mag alaga sa kanya." Nakikiusap na wika ko. Hindi man lang niya ako pinakinggan.
Tinignan niya lang ako mula ulo hanggang paa bago tinalikuran.
" Put my things on my car. Aalis na kami. " Imporma nito at naglakad na papuntang sasakyan niya. Hindi ko siya sinunod. Sinundan ko ito at hinawakan sa kanyang kamay.
"Please, Henrico. Let Ella stay here. Magpapakabait ako basta huwag mo namang ilayo ang anak ko sa akin." Nagmamakaawa na ako. Kahit si Ella na lang ang nagpapasaya sa akin. Kahit na pahirapan niya ako lagi basta huwag na huwag lang na ganito.
Sobrang nasasaktan ako dahil tuluyan na nitong inilalayo sa akin ang anak ko. Halatang halata na ang ginagawa niya.
"My things, Lailanie. Malalate na ako. Huwag ka nang umasa na iiwan ko sa'yo ang anak ko dahil hindi iyon mangyayari. I don't trust you, so, get the f**k off your hands on mine." Seryoso at madiing saad niya sabay tingin nito sa nakahawak kong kamay sa kanya. Tila nandidiri na siya sa akin kung makawaksi siya.
Nanghihina akong sumunod kahit labag na labag sa loob kong payagan sila. Oo, mas madali sa akin ang ganito na wala si Ella, para wala akong iniisip pero---sinasadya na niyang ilayo ang anak ko sa akin.
Pumasok na ito ng sasakyan at hinintay lang na mailagay ko ang mga gamit niya, bago pinaharurot ang kanyang sasakyan paalis.
Tahimik lang ako na nakaupo sa sementadong garahe habang nakatingin sa papalabas na sasakyan ni Henrico. Hindi ako makapaniwala na ibibilin nito ang anak ko sa kanyang magulang imbes na ako ang nag aalaga.
I sighed in frustration.
Iniisip ko na lang na mas okay na nandoon ang bata para makaalis na din ako sa bahay at mabisita ang kapatid ko.
Tumayo na ako sa pagkakasalampak sa semento at pumasok na sa loob para magbihis at makaalis na din. Para naman kahit papaano ay maibsan ang mga dinaramdamdam kong sama ng loob at pagkamiss sa kapatid ko.
Bawal pero wala siyang magagawa. I need to see her dahil baka mabaliw na talaga ako dito. Kailangan kong mailabas ang mabibigat na nasa aking kalooban.
Pagkasara ng gate ay mabilis akong umakyat sa taas at nag ayos na din para mas matagal ang pagkukwentuhan namin ni Marianne. Kahit papaano ay mawawala ang lungkot ko sa kaalamang mayayakap ko si Marianne mamaya.