3

1184 Words
Stephanie POV Kinabukasan, maaga akong nagising. Hinintay ko na tawagin ako ni Sir Harrison, baka may gusto siyang ipagawa sa akin ng maaga mas maigi na maihanda ko ito sa oras na nais niya. Alas singko na nang umaga, nasa tapat na ako ng room niya. Hindi ko na siya kinatok, hinintay ko nalang na tawagin niya ako. Ngunit makaraan ang ilang oras, hindi parin ako tinawag nito. Nangalay na nga ang mga tuhod ko sa kakatayo, napaupo ako at napasandal sa pader. Tulog pa kaya siya? Napatingin ako sa relo na nasa wrist ko. Alas diyes na nang umaga, namataan ko yung lalaking nagturo sa akin kahapon kung nasaan ang bar room. Napatayo ako at binati siya. " Magandang umaga ho, Sir" " What are you doing here? Have you eaten?" " Po?" " Ang sabi ko anong ginagawa mo diyan ? Kumain ka na ba?" " H-hindi pa ho, Sir. Hinihintay ko kasi na tawagin ako ni Sir Harrison" " Dito ka...naghihintay?" " O-opo" " What is your name again?" " Stephanie po" " Stephanie, si Kiel kasi minsan tumatawag yan sa landline na nasa baba at doon niya sinasabi ang mga bagay na inuutos niya. Hindi mo ba alam?" Napamulagat ako. Napalinga-linga. " Hindi po" " Bumaba ka na, let me wake him up. May lakad kasi kami ngayon" " Sige ho" Bumaba na nga ako at tumapat sa may landline phone. Kung alam ko lang na tatawag lang siya hindi na ako naghintay sa labas ng room niya. Hindi naman kasi nasabi iyon ni Miss Agent, para tuloy akong tangang naghihintay sa wala. Ang bobo ko talaga, hindi naman kasi lahat alam ko. Bawal nga kasi raw magtanong sa kanya, kaya minsan naging boba ako. Gosh! Kakayanin ko sana ito. Huwag niyo naman ako'ng pahirapan masyado, Lord. Pabaitin niyo naman si monster. HARRISON KIEL POV Napabalikwas ako ng bangon dahil sa tindi ng sikat ng araw na tumama sa mukha ko, napatalukbong ako ng kumot ko. Ngunit may umagaw sa kumot na hawak ko. " Ano ba?! Natutulog yung tao eh" " Get dress, Kiel. May usapan tayo, hindi ba?" " Usapan?" " I forgot, lasing ka pala kagabi. Hindi ba napag-usapan natin na lalabas tayo ngayon, boys out" Napasapo ako sa noo ko. " I change my mind, gusto ko pa'ng matulog" Hinablot niya muli sa akin ang kumot na hawak ko. Naparolled-eyes ako. " Pwede ba bigyan mo naman ng instruction ang bago mo'ng maid" " What for?" " Kasi kanina nakita ko siya kanina sa labas ng room mo, hinihintay niya na gumising ka. Kawawa naman yung tao, hindi pa kumakain para lang hintayin ang paggising mo. Be a good man na, Kiel" " Stupid woman. Hindi ko naman sinabi na maghintay siya sa labas ng room ko ah" " Kaya nga kausapin mo siya bigyan mo ng instruction para alam niya ang mga gagawin niya" " Bakit ba napaka-concern mo sa maid na yun ? Do you know her?" " Her name is Stephanie, I only knew her name. What I'm saying is, give her instruction para alam niya kung ano ang trabaho niya. Don't be so rude, Kiel. Kahit amo ka pa niya, maging mabuti ka naman " " Whatever! Fine, gagawin ko yan. Pero hindi muna ako lalabas, please? I want to stay alone, just me" " Don't forget to do what I'm saying, Kiel" " Oo na , Attorney Benny" Napaismid ito at lumabas na ng kwarto ko. Nagugutom ako, tatawag na nga ako sa istupida ko'ng maid. " Hello?" Her voice..bakit iba ang naramdaman ko ng marinig ko ang boses niya mula sa kabilang-linya. Gago! Gutom ka lang yan. " Sir Harrison?" " Y-yes its me..will you please prepare my breakfast. Magdala ka ng notebook at pen may pag-uusapan tayo at baka need mo yun. Okay?" " Yes, Sir. Pero ano po yung gusto niyong breakfast?" " Adobong pusit. Hurry up" " Coming, Sir" Ibinaba ko na ang telepono at nagtungo na sa banyo. Masarap kaya siya magluto? Well let us see.. naligo na ako at nag-ayos na rin ng sarili. STEPHANIE POV Nang maluto na ang adobong pusit na inihanda ko para sa suplado ko'ng boss, agad ko itong inilagay sa mangkok at inayos sa lalagyan ng tray. Dahan-dahan akong umakyat sa taas at kinatok ang pinto niya, bumukas iyon at iniluwa siya. " Put it in there" Napatango nalang ako ay inilapag ko nga ito sa side table na malapit sa kama niya. " Have a seat, Stephanie" Wait? Alam niya ang pangalan ko? Nagpakilala na ba ako sa kanya? Ay oo nga pala ipinakilala ako sa kanya ni Miss Agent. Napaupo naman ako, bakit...ang bait ata niya ngayon? Kinuha ko yung maliit na notebook at pen sa bulsa ng uniform ko. " Ay oo nga pala, Sir. Heto nga pala yung notebook at pen na pinadala niyo sa akin" " Keep it" " Bakit po?" " I have some important discussion for you that you have to write it in that notebook" " Tungkol ho saan, Sir?" " Tungkol sa trabaho mo, kasi nalaman ko lately na hinihintay mo raw ako kanina sa labas? Is it true?" " O-opo" " At first hindi naman ako maagang nagigising, Stephanie. Second, banda alas otso dapat ginigising mo na ako. Pagkagising ko dapat may nakahanda nang pampaligo ko't susuotin ko na damit. Kailangang nakahanda na rin ang breakfast ko. Ilagay mo sa note ang mga kakainin ko this week. Okay?" Napatango ako ng marahan. " Wala ka bang sasabihin? Wala ka bang itatanong?" " Kasi sabi niyo pinakaayaw niyo yung matanong kaya hindi na ho ako magtatanong" Pansin ko ang pagkunot ng noo nito. " Makakalabas ka na" Nainis ata ang mokong. Lumabas nalang ako na may halong ngiti sa labi, ayan nakaganti rin ako. Napakunot ko rin yang mga noo mo. Bumaba na ako at kumain na rin. Ginutom ako. Bakit naman kasi sa dinami-dami ng pagsisilbihan ko, siya pa talaga. Natigil ako sa pagsubo ng pagkain, nang mamataan ko ang isang babaing nakasimangot. Batid ko taga mansiyon din ito, magara kasi yung suot at maganda. Tinapos ko na ang pagkain ko at ginawan ko siya ng lemonade. Napatingin naman siya sa akin ng iabot ko ang lemonade na gawa ko. " Are you...knew here?" " Ay opo, Ma'am. Ikalawang araw ko po ngayon sa trabaho, yung lemonade po kung ayaw niyo sabihin niyo lang" " No, I like lemonade. Thank you for this, who hired you by the way? At saan ka naka set up?" Napangiwi ako.. " Kay Sir..Harrison Kiel po, Ma'am" " Kay kuya? Really? Oh my gosh, bago na naman ang maid ni Kuya. Napakarude talaga niya. Is he treating you bad?" " Ay naku, Ma'am. Kasalanan ko naman po, tsaka okay lang ho. Bilang katulong kailangan ko lang pagbutihin ang trabaho ko " " I see , kaya lang napaka-rude niyan si Kuya. Heartbroken kasi siya" Heartbroken? Marunong palang masaktan si mokong? Hindi na ako nakapagtanong ng bakit dahil namataan ko si Sir Harrison na bumaba ng hagdan. Napatikom ako ng bibig at nagtungo sa kusina..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD