HARRISON KIEL POV
Napakunot-noo ako nang makita ko'ng kausap ng personal maid ko ang bunso ko'ng kapatid. Nang makita niya ako, tumalikod na ito at nagtungo sa kitchen. Napabuntong-hininga ako nang makalapit ako kay Princess Analy.
" Anny, are you alone?"
" I am, Kuya. Wait, bago na naman ang maid mo. Don't tell me pinaalis mo na naman ang last maid mo"
" Ayoko ng gurang, Anny and you know that"
" I know, but your personal maid now is pretty"
" Pretty ? Saan banda?"
" Naku, kaunting ayos lang nun makikita mo rin ang ganda niya"
" Aba, ewan. Are you coming with me?"
" Saan?"
" Shopping"
" Naku, Kuya. Hindi ako pwede ngayon, I have cases na kailangang e-handled. So pass muna ako sa lakad mo"
" Kaya ayaw ko'ng mag-lawyer kasi napakaraming gagawin at walang oras mag unwind"
" Kuya, kilala mo naman ang parents natin. Hindi ba? As a lawyer dapat inuuna muna ang priority"
" Oo na po, attorney Anny. So una na ako"
" Sige, Kuya. Hoy, isama mo ang personal maid mo"
" What for? Maid lang siya hindi ko yan bodyguard"
" But you have to bring her with you"
" Fine. Stephanie" Tawag ko rito. Lumabas naman ito.
" Po, Sir?"
" Get dressed, sumama ka sa akin"
" Ho? Saan?"
" Huwag na maraming tanong. Get dressed now!" Nagmadali naman itong nag-ayos, hinintay ko siya sa kotse.
Paglabas nito, nakasuot lamang ito ng pulang blusa at maong na pantalon. Sumakay na siya sa kotse.
" Magsha-shopping ako tapos yan ang susuotin mo? Seryoso ka ba?" Napaismid ito.
" Sorry po kasi ganito lang naman ang mga damit ko"
" Whatever" pinaandar ko na ang sasakyan, at nagtungo kami sa isang shopping mall. Balak ko ring bilhan siya ng mga damit, ang baduy kasi niya sa suot niyang damit lalo na sa suot niya ngayon. Paano nalang kung may event sa bahay at mga ganoong damit ang suot niya. Nakakahiya.
Mabuti nalang isinama ko siya para magkaroon naman siya ng maayos, bago at komportableng damit.
STEPHANIE POV
Habang namimili siya ng mga damit, nagtaka ako nang magtungo kami sa isang pambabaing mga damit. Siguro..may pagbibigyan siya nito.
" Choose your clothes" Napamulagat ako at napaturo sa sarili ko.
" A-ako po, Sir?"
" Yes, ikaw nga. Mamili ka ng mga damit mo, ayoko kasi sa mga damit na isinusuot mo lalo na diyan sa suot mo ngayon. Ang baduy!" Tumaas ang isang kilay ko.
" Bakit po pati pananamit ko pinapakiilaman niyo, Sir?" Nagtiimbagang siya .
" So, ayaw mo?" Napatingin ako sa paligid.
" Huwag na wala akong pambayad tsaka yung igagastos ko sa damit mas mabuti pa'ng ipadala ko sa nanay ko na nasa probinsya "
Humagikhik ito, nainis naman ako sa tawang ipinakita niya.
" Ako naman ang magbabayad, alam ko naman na wala kang pera. As your boss mas gusto ko na maayos ang pananamit mo, kasi lagi kang nasa side ko ayoko namang pati ako mapahiya kasi wala ka sa ayos manamit. Don't mindmy words, Stephanie"
Anong don't mind? Iniinsulto ba niya ang pananamit ko? Aba! Ang kapal ng.
" Mamimili ka ba o ako ang pipili para sayo?"
" Heto na po" Gusto mo pala na magkaroon ako ng bagong damit ha. Fine! Pagbibigyan kita. Lahat ng natipuhan ko'ng damit ay pinili ko. Hindi ko na isinukat ito, inilapag ko ito sa kahera.
" Lahat yan?"
" Oo, maayos naman yan lahat. Ang sabi mo piliin ko yung gusto ko?"
" Halos lahat yata ng isang hanay ng nakasampay na damit kinuha mo na. Hoy, ibabawas ko yan sa sweldo mo. Masyadong marami "
" Sir, nakakahiya naman kung isusuli natin ito. Mayaman kayo hindi ba? Ikaw na rin ho ang nagsabi na mamili ako ng damit na maayos at komportable ako, so heto na nga iyon. Sinunod ko lang naman po ang utos niyo, Sir"
" Aba...talagang sumasagot ka pa" Inis na bulong niya sa akin. Ang cute pala niya mainis, wait ? Sinabi ko bang cute siya ? Hindi no. Yuck ! Nakakabuwesit nga eh.
.Kung pwede lang talaga magpalit ng amo, ginawa ko na. Kaya lang wala akong choice kundi pakisamahan siya.
JAMES KIEL POV
Napahilata ako sa kama habang iniisip ang nangyari kahapon sa amin ng personal maid ko. Hindi ko alam pero sumasagi sa isip ko ang halik na yun, tsk! Baliw na ata ako.
Bumukas yung pinto at iniluwa roon si Benny, ang kababata ko'ng pinsan. Isa rin siyang lawyer kagaya ng mga magulang namin. They want us to take their path, kasi raw kung mawala sila mayroon silang naiwang magmana nang pagiging abogado sa pamilya. Pero minsa tawag nila sa akin blacksheep, kasi raw suwail ako. Eh ayaw ko naman talaga maging abogado.
" What that's smile for? Thinking something funny?" Napaupo ako sa kama. Nakasuot lang ako ng boxer short, topless.
" Nothing. Do you want to drink?"
" No, I'm here to invite you" Kumunot-noo ako.
" Where?"
" May out of town case ako, baka kung gusto mo'ng sumama sa akin. Para hindi ka na palaging nakamukmok dito, what do you think? " Humiga muli ako sa kama.
" I don't think that's a good idea"
" Ayaw mo ba'ng umalis rito? Para makaiwas ka sa mood ng family mo, hindi ba yun ang gusto mo?"
Napaisip ako. Oo nga ano, kasi kung dito sa bahay kung hindi ako napagsasabihan ni Mommy mas worst si Dad. Masakit magsalita yun.
" Fine, I'm coming"
" Good. By the way, take Stephanie with you" Napaupo muli ako sa kama at sinamaan siya ng tingin.
" Bakit pati yung maid kasama? Hindi ba pwedeng maiwan nalang siya rito?"
" Kiel, sayo naka-assign ang trabaho ni Stephanie. Kung wala ka wala siyang gagawin, kaya isama mo na siya para hindi naman maputol ang sweldo niya"
" Fine, pero ayaw ko siyang katabi sa kotse ha. Please?"
" Bakit ba napaka-rude mo sa kanya? Mabait naman yung tao ah"
" Mabait ba yun?"
" Bahala ka nga, sige sa front seat ko na siya isasakay. Remember one month tayo doon. Okay?"
" Oo na po, Attorney"
" Get ready, mamayang gabi tayo aalis. Malayo din yun"
" Tatawagan ko nalang yung maid ko para asikasuhin ang mga dadalhin ko'ng gamit"
" Huwag na bababa nalang ako, let me do it. Mag-ayos ka na para pag-akyat niya mag-aayos nalang siya ng mga gamit mo "
Tumango nalang ako. Hinayaan ko na siyang makaalis, isang buwan akong mawawala sa bahay na ito. Isang buwan na hindi ko maririnig ang bulyaw ni Daddy sa akin. At isang buwan ko ring hindi makikita ang bunso ko'ng kapatid. Oo nga pala kailangan kong magpaalam sa kanya, bago ako lumabas nagsuot muna ako ng puting tshirt at nagtungo sa room ni Anny. Pero wala siya doon, ah baka nasa piano room siya. Doon nga ako nagtungo, I was right. Nandoon nga siya.
" Anny"
" Kuya" She ran unto me at she hugged me, ramdam ko ang mahinang paghikbi niya. Iginaya ko siya sa sofa at pinaupo.
Anong nangyari? Bakit siya umiiyak?