Parking No. 06

2052 Words
 George Point of View “Diyan ako sa loob matutulog, ikaw magbantay ka!” sabi ni Lyndon na pumasok sa loob. Kinuha ko ang bag ko sa loob at dinala sa likod ng pick up.   Pasampa na ako sa likod ng dumungaw siya sa bintana, “Huwag kang matulog at baka may dumaan na sasakyan humingi ka ng tulong,” sabi pa ulit niya.   “Wow ha!” sabi ko at sumakay na sa likod ng pick-up. “Opo kamahalan, sleep well!” sabi ko pa at saka humalukipkip.   “Mas masarap kayang mahiga dito kaysa sa loob!” nilakasan ko pa ang sabi ko .   Bigla kong na-miss si papang kapag pinapadala sa kanya ang saskayan ng kanyang amo ay palagi kaming gumagala at humihinto sa isang mataas na lugar. At saka kami maglalatag ng picnic napkin at magkakanya-kanya ng higa.   Titingin sa langit tulad ng ginagawa ko ngayon may oras pa nga na nagpapadamihan kami ng mabilang na bituin. Nagulat ako sa lagabog ng pick-up sumakay sa likod si Lyndon na may dalang unan.   “Akala ko ba doon ka? Bakit nandito ka?” tanong ko sa kanya.   “Masikip doon hindi ako makatulog,” sagot niya sa akin at saka tumabi.   Hindi ko na siya pinansin at bagkus ay hinayaan ko na lang siya sa gusto niya wala naman mangyayari kung makikipag talo ako sa kanya. Tumayo ako ng biglang pigilan niya ako sa braso. Akala ko tulog na ito?   “Saan ka pupunta? Iiwan mo ako dito?” tanong niya sa akin.   “Iihi sasama ka?” sabi ko na ikinangiti niya ng maluwag.   “Pwede ba?”  nakalolokong tanong niya.   Tinapampal ko nga ang noo niya,” Ulol mo, huwag mo ako igaya sa mga babae mo!” sabi ko at tumalon na ako pababa.   “Ang sadista mo naman, alalahanin mo amo mo ako!” galit na sabi niya.   “Hindi ikaw ang nagpapa sweldo sa akin!” sabi  ko sa kanya at naglakad na palayo sa kotse.   Kainis ang taong iyon akala mo naman siya ang nagbabayad hindi naman. Tapos akala ba niya sa akin ay tulad ako ng mga babae niya? Suntukin ko siya sa balls niya e.   “Hoy! Huwag kang masyadong lumayo, bumalik ka kaagad!” sigaw ni Lyndon.     “Lalayo ako manyak ka kasi!” sigaw ko pabalik. “Hindi ako manyak! Wala ako kasama dito, Bilisan mo!”  napailing na lang ako napakagaling mambabae pero takot sa dilim.   “Bahala ka d’yan!” sigaw ko.     Nang makita ko na hindi na niya ako natatanaw ay humanap na ako ng pwest  mabuti na lang at may dala akong cellphone para gawing flash light.  Nang makakita ako ay pumuwesto na ako.   “Tabi-tabi po! Makiki-ihi lang po! Mabilis lang po!” ilang beses ko iyon binanggait, iyon kasi ang turo sa akin ni Mamang kapag i-ihi ka daw sa gubat o kung saan. Kinilig ako ng mailabas ko na ang ihi ko at saka ako tumayo at umalis na masukal na d**o na iyon. Baka mamaya may ahas pang lumabas.     Nagtaka ako kung bakit hindi nawala siya siguro ay nakatulog na iyon. Naglakad na lamang ako papalapit sa kanya at nasa unahan ako ng makitang hindi siya mapakali. Nagtago ako at hindi muna nagpakita sa kanya.     “Nasaan na ba iyong babae na iyon? Ilang galon ba ang iniihi at hindi pa nakakabalik?” dinig kong reklamo ni Lyndon.     “Duwag,” bulong ko sa sarili ko. Kung makikita mo lang ang mukha niya ngayon ay parang na tatae na ewan.   “Ang tagal naman!” sabi pa ni Lyndon.   Napangiti ako ng malawak ng may naisip akong gawin na tiyak na  ikatutuwa niya.Isang galong pala ang ihi ko ahh! Sige! Pumuwesto ako sa may gilid. 1….... 2…… 3…….   “AHHHHHH!!!!!!!” tili ko.   “Nasaan? Nasaan ang multo? Huwag ka lalapit!” hindi niya alam kung ano ang gagawin kung tatalon ba o magtatalukbong. O magtatago sa pick up!   Ha Ha Ha HaHa Ha Sobrang lakas ng tawa ko sa itsura niya nawalan ng kulay ang kanyang mukha.     “Kung makikita mo lang ang mukha mo daig mo pa ang nilagyan ng suka sa sobrang putla,” natatawa kong sabi.   “Bakit mo ginawa iyon ha? Gusto mo ba akong patayin sa takot?” sabi niya. Halata ngang natakot siya sa ginawa kong pag sigaw. Para sigaw lang multo na kaagad ang sinabi niya.     “Ang duwag mo kalalaki mong tao takot ka sa multo,” sabi ko at sumapa na ako sa pick up.   “Hoy! Anong? Hindi ako takot sino may sabi na takot ako?” tanong niya. Aish kaila pa more.     “Kitang-kita kanina na sobrang takot na takot ka tapos ikakaila mo pa,” sabi ko sa kanya . Hinawakan niya ang braso ko.   “Hindi  totoo iyan at respetuhin mo ako dahil ako ang amo mo!” pagmamatigas ni Lyndon tinatanggal ko ang kamay ko sa kanya  pero malakas ang pagkakahawak niya sa akin.   “Bitawan mo ako kung ayaw mong ibalibag kita!” pagbabanta ko sa kanya.   “Subukan mo!” talagang hinahamon n’ya ako sige tingnan natin ang tapang mo.   Pumorma na ako na ibabalibag ko siya nang bigla niya akong hinatak at napa-ibabaw ako sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng munti ng magtama ang ilong namin konti na lang at lalapit na talaga. Ewan ko bakit hindi ako maka-alis sa tayo ko umangat ang kanyang kamay sa aking buhok at tinanggal ang pamusod ko dahilan ng pag lugay ng mahaba kong buhok.   Nag-rereflect ang ilaw ng bituin sa kanyang mga mata na nagmukhang nag ni-ningning. Doon na ako natauhan at umalis na sa ibabaw niya hindi naman niya ako pinigilan at umupo ako sa may dulong side ng pick up.   Ilang sigundong tahimik at tanging huni ng mga kuliglig lamang ang maririnig mo. Talagang walang dumadaan dito sa gabi kaya wala kaming magagawa kundi ang maghintay ng umaga ng makahingi kami ng tulong.     “Matutulog na ako,” sabi ni Lyndon at saka ibinato niya ang isang pamaypay sa akin.   “Anong gagawin ko dito?” tanong ko sa kanya.   “Paypayan mo ko malamok,”sabi niya.   “Driver lang ako  at hindi mo ko katulong kaya maglubay ka!” sabi ko at ibinalibag pabalik ang pamaypay.   Wala naman akong nakuhang sagot pa s akanya kundi ang hilik niya n’ya na alam mo namang peke. Hindi ko na lang s’ya pinansin at dumukdok na lamang ako sa may gilid hanggang sa makatulog ako.   Nagising ako sa mula sa busina ng isang sasakyan. Napa-upo ako kaagad ng maayos at nakita ko ang isang maliit na truck. Bumaba doon ang driver na matandang lalaki kaya bumaba din ako sa pick up.   “Iha! Ano ang ginagawa n’yo sa gitna ng daan?” tanong ng matanda sa akin. Nakita ko din ang pagbaba ng isang matandang babae naman.   “Nasiraan ho kami kagabi at wala po kaming makitang ibang bahay dito,” paliwanag ko sa kanila. Tumingin sa akin ang matanda at saka sa likod ko tiningnan ko naman ang tinitingnan niya at nakita ko si Lyndon na pababa na din ng pick up.     “Mabuti at hindi kayo napahamak sa buong magdamag, delikado pa naman ang lugar na ito?” sabi ng matandang lalaki.   “Totoo ho ba ang sinasabi n’yo Tatang?” biglang sabi ni Lyndon na kinakabahan na naman.   Tumawa ang matandang bababe, “Huwag kayong maniwala dine sa asawa ko at ito e talagang mapag biro,” sabi ng matandang babae sa puntong parang Batangeño.   “Diba ho nasa La Union na kami?” tanong ko sa kanila.   “Oo iha huwag mo ng pansinin ang punto e ako’y taga Batangas itong asawa ko la-ang taga dine sa La Union,” sabi ng Matandang babae napatango naman ako.     “Saan ba kayo paroroon dalawang mag kasintahan?” nanlaki ang mata ko sa sinabi ng matandang lalaki. Talagang pilyo ang Matanda halata sa kanyang mukha pero mukhang mabait naman.     “Hindi kop o siya boyfriend,” paliwanag ko sa kanila, “ Saan ho ba dito may pagawaan ng sasakyan?” tanong ko sa kanila.     “Malayo pa ilang bayan ba ang kailangan n’yong lakbayin para marating iyon, pero ang anak naming lalaki ay marunong gumawa sumama kayo sa aming bahay,” sabi ng Matandang babae.     “That’s great saan po naming s’ya makikita?” tanong ni Lyndon.     “Hindi naming maaring hatakin sapagkat an gaming truck ay maliit lamang. Sumakay na kayo sa amin at papabalikan na lang natin iyan sa aking anak para mahatak ng mas malaking truck,” sabi ng Matandang lalaki.     “Diyan tayo sasakay?” napatingin ako kay Lyndon ng tanungin niya ang dalawang matanda. Nahagip ko pa ang paglunok nito kaya napangisi ako.   Lumakad ako para kuhanin ang bag ko ng sabihin nila Tatang na ligtas naman daw ang lugar na ito dahil bihira lamang ang dumadaan. Dalawang metro ang layo ng bahay nila mula rito sa tinatayuan namin.     Nag-deliver pala sila kahapon ng hapon ng mga manok sa pamilihang bayan nila kaya ngayon lamang sila pauwi. Nagsisiksikan kami ni Lyndon sa likod na upuan ng truck. Maliit at masikip ang truck kaya sa tangkad ni Lyndon ay naka yuko na lamang siya.     “Aray ko naman dumasog ka nga doon,” bulong ni Lyndon sa akin na pilit akong pinapa-isod. “Wala na nga nandito na ako sa gilid, bakit ba kasi dinala mo lahat ng gamit mo pwede mo naman kasing iwanan doon sa kotse,” nakakainis lahat ba naman ng gamit niya ay dinala kesyo baka daw manakaw. Ipinaliwanag na nga nila Tatang na safe doon e.   “Ang sikip!” reklamo pa ulit niya.   “Magtiis ka e di sana nagpa-iwan ka na lang sa sasakyan!” singhal ko sa kanya.     “Nakakatuwa kayong tingnan,” biglang sabi ng matandang lalaki. Kaya napatingin kami sa kanya.   “Diba irog noong panahon na kabataan natin parati tayo magka-away kita mo nga naman ngayon ay asawa na kita,” nakangiting sabi ng matang lalaki sa matandang babae.     “Oo nga, ganyang-ganyan kami noon ni Roberto di ko akalain na ako’y mabibihag din sa kanya kahit na mortal kaming magka-away dahil sa pagtitinda,” napalunok ako sa sinasabi nila.     “Naku Tatang kung siya lang ho huwag na!” sabi ko pa sa kanila.   “Pihikan ka pa, swerte ka na sa akin kaso lang hindi kita papatulan,”  tumingin sa kabilang bintana si Lyndon at ganun’ din naman ako sa kabila.   Kahit tumawa lang ang dalawang matanda ay hinayaan ko na lamang. Hanggang sa makarating kami sa munting bahay ng mag-asawa . Nakanginga ako ng maluwag ng makalabas kami ng sasakyan. Sinalubong kami ng dalawang binatang lalaki at ng isang asong kulay puti.   Napahawak ako kay Lyndon na ikinatingin niya. Takot kasi ako sa aso dahil baka makagat ako.   “Mabait ang aso namin, ito nga pala sina Nilo at Tirso ang mga apo namin,” pakilala ng matandang babae sa amin. Nagmano naman sila sa dalawa.   “Wala ho si Ama nagpunta lang po saglit sa bukid,” sabi ni Nilo.   “Ganoon ba e dalhin n’yo ang truck na isa para mahatak n’yo ang sasakyan nila doon sa may pakurbada,” sabi ng matandang lalaki sa dalawang lalaki.     “Sige ho Lo,” sabi nila.   “Ingatan n’yo sasakyan ko ha at baka magasgasan,” nabatukan ko tuloy si Lyndon. “Aray! Nakaka sakit ka na ah!” daing at reklamo niya sa ginawa ko.     “Hindi ka na nahiya sila na nga tutulong gasgas pa ang nasa isip mo!” sabi ko sa kanya.   Lumayo na lang si Lyndon para tingnan ang cellphone niya. Kakamot-kamot si Lyndon ng ulo habang itinataas ang kanyang cellphone siguro ay naghahanap siya ng signal. Wala siya pinagbabago kahit saan ay dinadala niya ang ugali niya.   “Mahihirapan lang siya walang signal ang telepono dito sa aming lugar,” sabi ng matandang babae at inabutan ako ng tasa ng kape.     “Salamat po,” sabi ko sa kanya.     Nasa maliit na dampa kami ngayon at presko ang hangin hindi kagaya sa Manila na puro polusyon ang nakukuha. Nakakunot ang noon a bumalik si Lyndon sa dampa.   “Walang signal, gaano ho kalayo dito ang biyahe papuntang Barukbok?” tanong ni Lyndon.     “Sobrang layo pa noon dito, bakit iho?” tanong ng matandang lalaki.     “May pinapatayo ho kasi akong gasulinahan doon,” paliwanag ni Lyndon.   Ilang oras ang inintay namin ng dumating ang truck na hila ang pick up ni Lyndon. Natawa ako sa itsura niya ng makakita siya ng gasgas dahil sa pagkaka kawit ng kadena. Dumating din ang anak ng mag-asawa na gagawa ng sasakyan namin.   “Madali lang itong gawin ang problema lang ay hindi kayo makakatawid papunta sa may Barukbok bumagsak ang tulay na dadaanan ninyo noong isang lingo pa ang sabi ay mga sa isang araw pa daw ito maaayos,” sabi ni kuya Lino.   “No! This can’t be happening! We can’t go back kailangan ko ng maisaayos ang pwesto sa balukbok” iritadong sabi ni Lyndon.   “Eh di maghintay tayo dito ng hangga’t maayos ang daan,” sabi ko kay Lyndon.   “Bakante naman ang isang kubo namin maari kayo doong tumuloy muna,” sabi ng matandang babae.   “What?” hindi ko maipaliwanag ang mukhang naka rehistro ni Lyndon. Grabe iritado ba siya dahil hindi kami makakarating doon?   “Problema mo?” tanong ko sa kanya. Siya na nga nagsabi na baka ilang araw kami dito kahit hindi pa namin alam na sira ang daanan.   “Hindi ako makakapag-browse hindi ako sanay na walang internet!” napasapo ako sa sinabi ni Lyndon.   Masisiraan yata ako ng bait kay Lyndon akala ko naman ang laki ng problema niya signal lang pala para sa internet.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD