Parking No. 05

2376 Words
George Point of View   “Saan tayo pupunta?” tanong ko sa kanya ng makasakay siya ng sasakyan.   “Sa Gym” simpleng sagot niya.   “Okay!” sagot ko.   Ilang araw na siyang walang kibo simula ng magkita sila nu’ng Maki. Nakakapanibago hindi din siya pumupunta ng Pub.   “Sa Pub na lang pala,” sunod niyang tanong na ikinatingin ko sa kanya.   “Ganitong oras?” tanghaling tapat bukas ba ang Pub ng ganitong oras?     “Oo ano bang pakialam mo?” napangisi ako.   “Parang nahimasmasan na ang amo ko at naghahanap na naman ng luho sa kanyang katawan,”   “Kahit wala ako sa Pub ay kaya kong makakuha ng babae,” nanlaki ang mata ko bumabasa na ba siya ng nasa isip ng tao?   “Nadinig kitang bumubulong,” sabi niya at pumikit na lamang sa backseat.   “Ganu’n sana pala nilakasan ko na,” sabi ko at nagsimula ng mag drive.   Nang makarating kami sa pub ay ipinarada ko na lang sa gilid at hindi gaya ng dati na madaming nakaparadang sasakyan dito ngayon ay wala kundi sasakan namin. Hindi pa kami nagtatagal ay may pumaradang tatlong sasakyan pa. At bumaba doon ang mga kaibigan ni Lyndon.   “Umuwi ka muna o maglibot kahit saan mo gusto dahil mo na ang kotse basta sunduin mo ako mamayang bagbi dito,” sabi ni Lyndon magsasalita pa sana ako pero nakababa na siya ng sasakyan kaagad.   Kumaway pa sa akin si Bryan at si Piel bago pumasok sa loob ng Pub. At ako ito nag iisip kung susundin ko ba ang sinabi ng amo ko. Tanghali pa lang at kung mamaya gabi pa siya nag papasundo ibig sabihin ay maghihintay ako ng matagal dito?   Pinaandar ko ang sasakyan at umalis.     Lyndon Point of View   Kahit sarado pa ang pub na ito ay nakapasok kami at nakakapag enjoy dahil kakilala naming ang may-ari nito. “Sa tanghaling tapat mag-aaya ka why Lyndon?” tanong ni Piel habang umiinom ng beer.   Ngumiti ako sa kanya alam na kaagad niya ang nangyayari,” Kung tungkol na naman ito sa kanya sorry, wala akong maitutulong sa iyo,” s**o niya kaagad sa tanong niya.   “Wake up bro, it’s been years at malinaw pa sa tubig ang nangyari noon,” sabi naman ni Bryan.   “We receive an invitation at alam namin na ikaw din,” kilala talaga nila ako at hindi ako nagkamali sa kanila lumapit kapag may problema ako.   “Ano ba kayo wala iyon gusto ko lang magpakasaya dahil ilang araw akong hindi nakapunta dito, sobra kasing daming gawain sa office,” sabi ko sa kanila at kumuha ng bagong beer dahil ubos na ang hawak kong bote.   “Magdala ka na lang ng ka-date sa party,” suggest naman ni Kyle.   “Saan naman ako makakahanap?” tanong ko sa kanya.   “Ikaw pa ba kaya mo iyan isang kindat mo lang sa mga babae nakakakuha ka na,” kung sabagay tama si Kyle.   George Point of View   “George okay na ang sasakyan,” sabi ni kuya Genard. Nilinis kasi nila ang sasakyan tuwang-tuwa ang mga utol ko ng iparada ko ang sasakyan dito kaya nag volunteer sila na linisin na.   “Hayaan mo lang diyan,” sabi ko at pumasok sa loob mabuti na lang at may natira pang adobo kaya kumain na lang ako.   “Kamusta ba ang trabaho mo doon?” tanong ni Kuya Genesis.   “Huwag n’yo ko matanong-tanong tungkol diyan dahil may utang pa kayong paliwanag sa akin,” sabi ko sa kaniya. Kumamot lamang siya ng ulo.   “Ah e teka may costumer ulit,” sabi niya at hinubad ang kanyang t-shirt na kinataas ng kilay ko.   “Frenny!” tili mula sa labas at hindi ko buksan ay alam kong si Antonio iyon.   Bumukas ang pinto at pumasok nga si Antonio,” Wala na kaming pagkain pwede ka ng umalis!” sabi ko kaagad sabay ligpit ng pinagkainan ko.   “Ouch! And shaket naman noon frenny!” nakanguso pa niyang sabi.   “Huwag mo akong ngusuan diyan kung ayaw mong lagyan ko ng yelo iyan,” sabi ko at uminom ng tubig.   “Para namiss lang e ito naman,” sabi niya naglagkad na ako palabas ng harangin niya ako.   “Bakit?” tanong ko sa kanya. “Payakap naman frenny na-miss kita e!” nang yayakap na siya sa akin nilagay ko ang kamay ko sa ilong niya at saka ito diniinan para lumayo siya sa akin.   “Titigal mo ko hindi kita miss!” sabi ko sa kanya at lumabas.   Napanganga ako sa paglabas ko. Ang mga utol ko na mdalas ko naman nakikitang nakahubad pero paminsan-minsan lang lalo na kung mag lilinis sila ng kotse. Pero ngayon ay lahat sila nakahubad habang naglilinis ng tatlong kotse at hindi lang iyon tig-iisa pa silang tatlo ng kotseng lilinisin.   At hindi lamang iyon nandoon si Ellie at naka-suot ng maikling short at damit na labas ang tiyan habang nagtatawag ng mga costumer.   “Sino naka-isip ng idea na ito?” tanong ko.   “Ang galing ko bang mag-isip Georgi! Kita mo ang daming pumapasok na costumer,” sabi ko na nga ba siya ang may pakana ng lahat ng ito.   “Oo nga, tama ka galing mo, galing mong itapon sa Mindoro! Tingnan mo nga parang may shooting dito sa bahay namin at punong puno ng tao!” tinaasan ko ng kilay si Antonio na nalamukot ang mukha habang nakatingin sa labas.   “Gabriel, baby kailan ka ba matatapos diyan ako naman ang linasan mo!” sigaw ng isa sa mga ito. Hindi ko siya kilala baka galing siya sa ibang kanto.   “Genesis, baby! Tulungan na lang kita diyan for free!” sabi naman ng isang babae na kapit bahay namin na halos lahat ng lalaki dito mapatanda o bata ay naging boyfriend na niya.   Naipikit ko na lang ang mata ko at pilit na kinakalma ang sarili ko. Mali yata ang desisyon ko na dito ako dumiretso sana nag park na lang ako ng sasakyan.   Ipinilig ko ang ulo ko at saka ko iminulat ang mata ko at naglaka papunta sa gitna.   “Mag si-uwi na kayong lahat!” Napanganga ako ng walang nangyari ang ginawa kong pagsigaw sa kanila. Tumingin si Elise sa akin ng alinlangan.   Kumuha ako ng makapal ng tela at saka ko itinabing nadinig ko naman ang mga reklamo nila sa ginawa ko ang iba ay tinatanong pa kung sino ako.   “George anong ginagawa mo?” tanong ni Kuya Gabriel sa akin.   “Ituloy mo lang ang ginagawa mo Kuya” sabi ko sa kanya at humarap ulit sa mga tao.   “Tapos na ang palabas pwede na kayong umalis!” hindi sila nagpatinag sa sinabi ko at patuloy pa din silang nakatayo doon at nag-iingay.   “Isang libo kada tao,” sabi ko sa kanila bigla naman sila nagsilang nagsi-tahimik.   Lumapit sa akin si Antonio,” Frenny ipapa-auction mo ba ang mga hot pandesal sabihin mo lang para makapila ako doon!” sabi ni niya sa akin.   “Oo nga!” napatingin ako kay Elise na nandito na din pala siya. Ibang klase talaga itong dalawa na ito pagdating sa aking mga kapatid. Di ko alam kung abs ba ang gusto nila o ang mga kuya ko talaga.   “Gusto n’yo ba isama ko kayo sa galit ko?” tanong ko sa kanila.   “Ito naman hindi mabiro!” sabi ni Elise.   “Ito ang isang libo sabi ng isang bakla na galing pa yata sa ibang kanto. Pagkatapos niyang magsalita ay nagkasunod-sunod na sila ng taas ng pera.   “Sampung libo,” sabi ko.   “Wala bang discount pag kapitbahay?” sabi naman ng isang kapit bahay namin na ang alam ko ay chismis lang ang alam iyon pala may pagnanasa din sa mga kuya ko.   “Hindi pa ako tapos e kayo naman,” ngumiti pa ako sa kanila at saka kinuha ang walis tingting at saka hose, “ Sampong libo lang naman ang gagastusin n’yo sa sa ospital kapag hindi kayo nagsi-alis!” sabi ko sa kanila at saka iwinagayway ang hose sa kanila.   “Ito magsiligo kayo ng magising kayo!” sigaw ko sabay naman ang alisan nila ang mga kuya ko ay napapunta na sa akin at inaawat ako.   “George, tama na iyan!” pigil ni Kuya Gerard sa akin habang si Kuya Genesis namanay kinukuha ang hawak kong hose at walis tingting.   “Relax ka lang George,” sabi naman ni Kuya Gabriel, “ Tinatakot mo naman mga costumer natin,” sabi pa ulit niya.   “Costumer ba tawag du’n? E akala mo may shooting dito sa bahay! Sa dami ng manunuod. Dinaig pa nga ang laban ni Pacquiao handang pumusta!” sabi ko sa kanila at saka iwinaksi ang katawan ang kamay kong hawak ni Kuya Gerard.   Pumasok na lang ako sa loob at saka ko kinuha na lang ang susi ng sasakyan at saka lumabas.   “Saan ka pupunta?” Tanong ni Kuya Gabriel.   “Magta-trabaho kung saan n’yo ko ibinenta!” sabi ko at saka binuksan ang kotse.   “Okay back to work, tanggalin ang kurtina!” sigaw naman ni kuya Gerard napaikot na lang ang mga mata ko sa sinabi niya alam ko naman na hindi sila papaawat sa ginagwa nila hangga’t alam kong nag e-enjoy sila.     Binuksan ko ang bintana ng kotse,” Hindi pa ako tapos sa susunod na uwi ko itatanong ko sa inyo kung bakit kayo pumayag na doon ako matulog sa Lyndon Galleguez na iyon!” “Hu-whaaat?” shock na sabi ni Antonio kahit si Elise ay napatakip din ng bibig.   “Ngayon pa lang mag-isip na kayo ng sasabihin n’yo!” sabi ko sa kanila at saka sinarado ang bintana ng kotse at nag drive na paalis.   Papunta na ako ng Pub ng mag text si Lyndon na pumunta na ako doon sa Pub.   “Akala ko ba mamayang gabi pa siya uuwi?” sabi ko.   Nag-drive na lang ako papunta ng pub at ng makarating ako doon wala na ang mga kots eng kaibigan ni Lyndon. Kaka park ko pa lang ng tumawag siya  sa akin.   “Hello nandito na ako sa labas!” sagot ko.   “Wala na ako sa Pub ang bagal mo kasing dumating. Dito mo na ako sunduin sa office now na!” sabi niya at ibinaba ang telepono.   “Wow ha? Matagal pa ba iyon? Isang oras lang naman dahil sa traffic pero kung walang traffic e di kalating oras lang,” sabi ko at nag maneho na papunta sa office.   Nang makarating naman ako doon ay nakita ko na kaagad si Lyndon na nasa labas ng building nila at prenteng naka-upo sa bench.   Huminto ako at tumayo siya akala ko papasok na siya sa driver seat pero kumatok siya sa bintana kaya naman binuksan koi yon.   “Bakit ang tagal mo?” bungad kaagad niya.   “Traffic kaya parang di ka na nasanay,” sabi ko sa kanya.   “Gagabihin tayo sa biyahe, kanina pa kasi kita tinatawagan,” iritadong sagot niya paano ba naman tawag siya ng tawag e alangan naman salungat kaya ang Pub at ang opisina niya syempre traffic pa din.   “Kung pumapasok ka na po kamahalan e di sana naka alis na tayo,” sabi ko sa kanya at isinarado na ang bintana, “palagi  ka naman gabi umuwi may bago ba doon kung gabihin kami,” bulong ko.   Papasok na sana si Lyndon ng may dumating na babae. Oo babae na naman may bago ba doon.   “Babe, sorry ang haba kasi ng pila sa coffee shop, here!” maarteng sabi ng babae.   “Inumin mo na lang iyan, uuwi na ako!” sabi ni Lyndon at pumasok na sa kotse.   “Wait, how about me?” nag papaawa pang sabi niya.   “Sumakay ka na lang ng taxi,” simpleng sagot ni Lyndon.   “Isabay n’yo na lang ako sa may fareview lang naman ako,” nagpa-cute pa ang bruha.   “Hop in,” sagot ni Lyndon.   “Thank you babe!” sagot ng babae at pumask na kaagad at lumingkis kay Lyndon.   “Pina car wash mo ba itong sasakyan?” tanong ni Lyndon habang buma byahe kami papunta sa Fareview.   “Oo ng matanggal ang virus kaso meron na naman bagong dumikit na namang virus,” simpleng sagot ko na ikinataas ng kilay ng babae.   “Babae ang driver mo babe?” tanong ng babae kay Lyndon.   “Yeah,” sagot ni Lyndon.   Hindi naman na sumagot ang babae at mas lalong lumingkis kay Lyndon na gustong-gusto naman niya. Minsan ay nakikita ko pang naghahalikan sila sa likod.   Napa preno ako bigla dahilan para halos mapunta sa unahan ang babae.   “Ouch, ayusin mo nga pag mamaneho mo!” reklamo niya, “Ouch babe ang sakit!” napatawa naman ako dahil sa rekasyon niya.   “Sorry may aso magka-kaso pa ako kung masagsaan ko,” nakangiting sabi ko at nagpatuloy ng magmaneho.   Nakahinga ako nang maihatid  na naming ang babae ay huminto muna kami sa isang drive thru.   “Saan ba tayo pupunta? Uuwi na ba?” tanong ko sa kanya habang nag hihintay ng order niya.   “Sa pent house muna para kumuha ng gamit yung ranger ang gagamitin natin sasakyan. Mga 3 to 5 days tayo doon kaya magdala ka na din ng mga damit mo,” sabi niya habang sa laptop nakatingin.   “Ano? Tatlo hanggang limang araw? Bakit ang tagal naman?” tanong ko sa kanya.   “This is your order, thank you for your visit!” kinuha ko ang order ni Lyndon at saka ibinigay iyon sa kanya.   Hindi na niya ako sinagot pa bagkus ay tumahimik at tumingin sa laptop niya. Nang makakuha kami ng damit ay nagpalit na din kami ng sasakyan gaya ng sabi niya ay yung ranger ang dinala naming sasakyan. Nanghinayang ba siya dahil pina car wash ko iyon?   Mahabang biyahe at at ang amo ko payapang natutulog sa likod at ako ito at nag mamaneho pa din gabi na at wala na akong makitang kahit isang bahay halos puro daan na lang at mapupuno lang ang makikita mo.   Sanay naman ako sa puyatan kaya okay lang sa akin ang magdamag na nakamulat. Mabuti na lang at marami na ako kaagad na nakain kanina nang huminto kami sa stop over pero nagugutom pa din ako. Habang nag da-drive ay parang nakaramdam ako ng kakaiba sa gamit kong sasakyan, parang may mali. Habang pinapakiramdaman ko ang sasakyan ay bigla na lang itong tumirik,sumubsob pa nga ako sa pagkakahinto buti na lang at nakabig ko kaagad ang manubela patagilid.   “Anong nangyari, bakit ka huminto?” tanong ni Lyndon na nagising sa pag hinto ng sasakyan. Tumanaw pa ito sa labas.   “Nasiraan tayo,” sagot ko.   “Ano?” tanong ni Lyndon na nakakunot ang noo.   Lumabas ako at saka tiningnan ang kotse okay naman ang gulong nito. Pumunta ako sa unahan at itinaas ko ang hood.   Cough* Cough* napaubo ako dahil sa usok na lumabas doon.   Tiningnan ko ang makina inayos ko naman pero walang nangyayari.   “Ano magagawa mo ba?” tanong niya sa akin.   “Hindi ako mekaniko malay ko ba diyan,” sabi ko at umalis na lang at pumunta sa may malayo ng konti para tumanaw kung may mga bahay ba akong makikita pero kahit isa ay wala akong nakita.   Bumalik ako at nakita kong ginagawa ni Lyndon ang kotse.   “Damn it!”   “Hindi ko din magawa,” sumusukong sabi ni Lyndon.   “Wala akong makitang kahit isang bahay dito. At mukhang wala ding dumadaan na sasakyan dito ng ganiton oras,” sabi ko sa kanya.   “We have no choice kundi ang maghintay mag-umaga dito,” sabi ni Lyndon.   “Ano? Dito sa gitna ng mahabang daan? At sa gitna ng gabi? Wala ka bang matatawagan na malapit dito?” sabi ko kinuha niya ang cellphone at ini-abot sa akin tiningnan ko naman ito at ayun walang signal.   Anak ng tokwa naman stranded kaming dalawa dito sa gitna ng daan at sa gitna ng gabi walang bahay kundi mga puno lamang.                          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD